#Success

1.7K 18 0
                                    

What's success for you?

Ito ba ang bagay na makukuha for short period of time?

Napupulot lang sa tabi-tabi?

Hindi pinaghihirapan?

Negatibo ang pag-iisip?

Hindi nagpe-fail kahit minsan?

Nakuha ito dahil mabilis sumuko?

No. Lahat ng sinabi ko ay kabaliktaran ng salitang "success".

Ito ang pagkamit ng tagumpay sa isang bagay.

Sa una, may gusto at pinapangarap ka. Ngunit may mga humahadlang sa 'yo. Nahihirapan ka na. Tila nawawalan na ng pag-asa.

Hindi mo maiwasang mag-isip ng negatibo. Nawawalan ng kumpiyansa sa sarili. Nawawalan ng tiwala sa sarili. (Huwag sobrang tiwala sa sarili dahil lahat ng sobra, masama). Nawawalan ng paniniwalang makakamit ito. Lahat, tila mawawala parang isang bagay na malapit mo nang maabot, bumaba ka pa sa hagdang sinimulan mong akyatan patungo sa pangarap.

Hindi masamang mangarap. Libre na 'yan, ipagkakait pa ba?

Minsan ko na rin nararamdaman ang pagiging negatibo. Ako 'yong taong walang tiwala sa sarili. Low self-esteem, kung baga. Minsan madaling sumuko. Ang hirap na kasi. I'm full of melancholic personality. (Search niyo nalang about sa personality na 'yan, haha!)

May ise-share ako.

Sa isang subject. Ang kahinaan ko. Ang sinukuan kong subject last 2 years. Isang subject na pahirap sa 'kin. Parang akong pinapatay. Isang subject na hirap kong intindihin. Bukod tanging subject na maaaring maibagsak ko. Research.

Noong grade 8 ako, kami lang ang grupong walang natapos na paper at hindi nakasalang ng defense sa Research namin. Experimental nga pala ang kind ng research namin if you mind.

Grade 10, bumalik ang subject na 'yan. Bakit pa ba kasi ako nag-test ng SSC? Madalas kong sabihin sa isip. Iisipin ko nalang na may dahilan ang lahat. Parang akong nanlambot nang sabihin ng teacher namin na after ng team, individual.

Ano nalang ang gagawin ko? Paano na 'yan? Dahil sa nakaraang naalala ko ay nagbibigay dahilan kung bakit nag-iisip akong negatibo.

Lahat na sila may topic na sa Research– makakapagsimula na. Mga tatlo nalang siguro kaming wala.

Ito na naman ang nararamdaman kong kawalan ng pag-asa.

Pinagdadasal ko pa nga noon na sana magka-topic na ako. I-approve na niya sana. May tumulong sa 'kin at binigyan ako ng topic. All I need to do is to search about it.

Eh sa madali akong sumuko. Hindi ko maipaliwanag ng mabuti. Mahiyain ako.

"Bakit ka nahihiya sa 'kin? Hindi ako nangangain ng tao, Denalyn. Sa tagal mong kasama ang mga kaklase mo– hindi ka man lang nahawaan ng kakapalan ng mukha sa kanila? 'Yan lang ang kulang sa 'yo. Okay na," tanggap ko pong mahiyain ako and I hate myself for being shy.

Hanggang sa na-i-approve na rin niya. Iba pa rin ang sayang nadama. Hanggang sa mag-defense na.

"Lord, ikaw na po ang bahala sa defense." tanging nasambit ko sa isip dahil sa kabang nadarama. Kaya ko ba? Pag-aalinlangan na sabi ko sa sarili.

"Hindi na nahihiya si Denalyn ngayon." in a good way na sabi niya sa 'kin. 'Yong naiisagot ko ang mga tanong niya. With confidence. Kaso sa bandang huli, humina boses ko. Hay. Nahiya na naman ako. Isang oras ka ba namang tumayo kung hindi ka mangawit at nahihilo na ako no'n dahil 15 minutes after recess matapos 'yong defense. 9:30 recess namin, 9:45 ako natapos. In short, gutom na ako! Wooo!

Hindi ko talaga maiwasang mag-fail. At, dahil magulo paper ko at nangangailangan ng revision, re-defense ako (defense ulit).

Panghahawakan ko ang experience ko sa defense na 'yon. Sa muli kong pagharap sa kanila ay isang better paper and presentation ang makikita nila. This experience inspired me to continue.

Lastly, hmm. Nine years akong kasali roon. Never akong natanggal. Kabaliktaran naman sa research. Kasi mahal ko ang subject na 'to although hindi ako ang pinakamagaling dito.

In-announce ng teacher namin na sumunod sa faculty niya ang kasali sa MTAP– opo, mathematics ang minahal kong subject. For the first time in forever na hindi ako nasali.

Since grade 1-9, kasali ako. Ngayon pa 'ko nawala. Nag-emo pa 'ko no'n. Natatawa ako sa sarili ko kasi tumulo pa ang luha ko. FYI, walang nakahalata sa 'kin. Hindi nila alam. Haha. Ang babaw kasi ng dahilan kung iiyak man ako.

Nag-isip nalang ako na may magandang dahilan kung bakit ako hindi nakuha ngayon. Nga pala, may mali rin siguro ako. Dahil nasa likod ako nakaupo, hirap akong magpapansin sa teacher namin, hindi ako madalas mag-recite. 'Yon siguro. Nakakawalang gana kasi 'yong gusto mong mag-recite tapos 'yong mga nasa harapan lang ang napapansin.

Ang pangyayaring ito ay nag-inspire pa lalo sa 'kin na ituloy ang track na gusto ko– ABM sa grade 11 which also connects math. STEM kasi karamihan sa classmates ko. Hindi man ako gano'n kagaling sa subject na 'yan, at least mahal ko. Haha. Mangangarap ako kahit may humadlang. Iba pa rin 'pag nandoon ang desire at hindi ka napipilitan sa isang bagay.

Ang success, bago makuha 'yan, maraming conflicts and failures ka munang haharapin. It's for long periods of time to become successful.

At magtiwala ka sa Diyos. Kung hindi mo mapagkatiwalaan ang sarili mo, trust God. Patuloy ka lang maniwala.

'Pag successful ka na,'wag lumaki ulo, ha? Don't forget what God has done on your life. Siya ang magaling sa buhay mo.

Aanihin ang success kung mahangin ang ugali?

:3

~NylNed20

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon