Lucas 22:40
Pagdating doo'y sinabi niya sa kanila, "Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso."
____
Ano nga ba ang tuksong tinutukoy dito?
Ito ay temptation sa wikang Ingles. Ito 'yong mga panahong nanghihina tayo at gustong-gusto nating gawin ang mali sa paningin ng Diyos. Para bang wala ka ng maisip na ibang gawin o paraan. Ito 'yong mga pagnanasa ng ating laman. Ito rin ay panandaliang kasiyahan. Ito ang nag-uudyok sa iyo na gawin ang mali. May nangungulit sa iyong isipan na sasabihin na tama lamang na gawin mo ang ganito at ganiyan. 'Yong kapag ginawa mo ito, magkakasala ka.
Hindi masama ang tinutukso ka. Lahat ng tao'y napapasailalim dito. Kasi lahat tayo'y nanghihina. Umaatake lamang ang tukso kung may nahagilap siyang kahinaan sa iyo.
"Matulog ka nalang. Pagod ka na hindi ba?"
"Magmaka-busy ka lang!"
"Mag-cellphone ka lang hanggang sa antukin ka!"
"Masarap/Okay na okay 'yan! Ipagpatuloy mo lang na gawin ito! Tiyak na malalasap mo ang kaligayahan."
"Mag-worry ka sa lahat ng mga kakailalanganin mo!"
"Mahal ka ba talaga ng Diyos? E bakit mukhang pinabayaan ka Niya?"
Ilan sa mga maaari mong marinig sa kaaway/tukso na umaatake sa iyo. Mararamdaman mo na hindi ka comfortable kapag hindi mo nagawang magkasala- o gawin ang bagay na nagpapaligaya ng laman mo. Alalahanin ninyo na ang tanging gusto ng laman ay ang magpakasaya at against sa mga nais ng Espiritu.
Nakakainis nalang sa araw-araw mong buhay na tine-temp kang mawalan ng oras sa Diyos. Kasi noong mga panahong tinanggap mo Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas, nariyan ang mga aatake sa iyo. God is with you- with your battles! Noon kasi wala pa Siya sa buhay mo, pinagkakasiyahan ka nila- kasi bulag ka pa sa katotohanan at pinapaniwala ka niya sa kasinungalingan noon kaya hindi ka niya inaatake dahil alam niyang sa kanya ka. Pero magbabago ang lahat nang may Diyos na sa buhay mo. Naiinis siya- oo kapatid! Naiinis siya dahil tinalikuran mo siya kaya gagawa siya ng mga bagay na maaaring makuha ang atensyon mo. Sasabihan ka niya ng mga bagay na nais mong gawin. Kung hindi ka niya magawang masama, gagawin ka niyang abala sa ibang bagay upang mawalan ka ng oras sa Diyos! Hindi ka niya mapipigilang magsimba, magbasa ng Bible- dahil wais siya, aatakihin ka niya sa pinakamahalaga- oras mo para sa Diyos. Baka nakakalimutan mo na God is a jealous God?
Ang tukso laging nariyan iyan. Nasasaiyo kung bibigyan mo ito ng atensyon at oras.
Ano ba ang pwedeng gawin upang malabanan ang tukso?
Hindi mo naman pwedeng sabihin na, "O' tukso, layuan mo ako!" Kasi ikaw dapat ang lumayo. Magkaroon ng pagpipigil sa sarili. Hindi ganoong kadali, ngunit walang imposible.
Pero ang pinakadapat gawin ay ang prayer. Napakalaki ang nagagawa ng prayer.
"Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso."
Kapag nagpe-pray ka, kinakausap mo ang King of kings, Lord of lords! Ito ang pinakamabilis mag-travel sa lahat ng bagay dahil sasabihin mo palang, alam na Niya. Pero kahit alam Niya, i-pray pa rin dahil ibang ang nagagawa ng prayer. Prayer is endless. Pray without ceasing.
Ipagdasal mo lang ang lahat, i-surrender mo sa Kanya ang lahat. Samahan mo rin ng willingness. Hindi mabibigo ang sinumang magtitiwala sa Panginoon.
Nakikinig si Lord sa lahat ng dasal mo! Kaya kumapit ka lang.
Sa tuwing natutukso ka, magbato ka ng Word of God upang ma-overcome ang tukso. Kalasag natin ang Salita Niya!
Naalala mo ba ang ginawa ng kaaway noon kay Lord Jesus? Sinasabihan siya ng Salita ng Diyos kada sabi niya ng temptation. Mautak din ang kaaway dahil nagsasabi rin siya ng kasalutan- kaya maging maingat! Ang inaakala mong nasa liwanag ka na, ay nasa kadiliman ka pa pala.
Natural lang na matukso ka, ngunit huwag kang papahulog doon. Kung magkasala ka man, humingi ka ng tawad sa Panginoon ng buong puso. Humingi ka ng lakas sa Kanya upang i-overcome ito. Walang bagay na isang iglap lang- nasa proseso ang lahat. Kasama mo Siya kaya magtatagumpay ka!
Conclusion: Don't forget to pray! Kahit anong panahon pa 'yan. Napakahalaga niyan dahil ito lamang ang paraan upang kausapin ang Diyos.
To God be the glory.
_________
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...