69. His Love Endures Forever

3K 24 2
                                    

He remembered us in our low estate
His love endures forever.


Psalms 136:23

Kapag nagbabasa tayo ng Bible, we see how God is faithful and how He loves us so much even if napakatigas ng ulo natin (the Israelites, for example). His Words are alive. What He promise, He fulfills. He never forget what He has promise. Maybe may ibang tao o ang kaaway na magsasabi na, "tutuparin pa kaya Niya ang Kanyang pangako? Parang wala namang nangyayari."- huwag mo iyong papakinggan. Sa halip, magtiwala lang tayo sa timing Niya.

Halimbawa... Sinabi Niya sa Bible na hindi Niya tayo iiwan ni pababayaan, tinutupad Niya 'yon- even if hindi mo pa ni-ko-commit ang buhay mo sa Kanya. Sa tingin mo ba aabot ka sa sitwasyong nasaan ka ngayon (you've come this so far) kung iniwan ka Niya? Hindi... He's with you, baka hindi lang ramdam. Kasi hindi mo pa Siya kilala o hindi ka pa nagseseryoso sa Kanya. He never stop working in our lives. Hindi ka magiging Christian, makararamdam ng conviction sa kasalanan, o magiging blessed kung tumigil Siya sa pagkilos sa buhay mo. He remembers us.

Everyday, we continuously molded for being Christlike character. He's so patient with us. He loves us. Sa Psalm 136 (kung babasahin 'yong buong chapter), palagi may end na His love endures forever. Lahat ng mga ginawa Niya (His faithfulness) ay sinabi isa-isa at ang dapat maging response (giving thanks) sa lahat ng ginawa Niya, palaging kasama ang "His love endures forever". Grabe lang talaga ang pag-ibig Niya! Kung araw-araw natin i-re-reflect ang pag-ibig Niya sa 'tin, hindi natin i-e-entertain ang mga lies or thoughts na walang nagmamahal sa 'tin, wala ng magandang mangyayari, walang may pakialam, at other negatives. May panahon lang talaga na manghihina tayo (started to listen on lies) pero He will renew our strength. Hindi man maiwasan ang negatives, huwag lang manirhan do'n. Kasi even at our darkest hours (low estate of our life), He's there, He still remembers us.

(Huwag lang talaga natin gamitin ang pag-ibig Niya o ang grace Niya para maging licence sa pagkakasala. Sa halip, umasa tayo sa grace Niya upang magpatuloy tayo sa walk natin kasama Siya.)

Kung mag-re-reflect tayo sa buhay natin, makikita natin how faithful He is- maging sa low estate ng ating buhay.

Kahit sa nakaraan man ay pinili nating lumayo sa Kanya, gawin ang against sa Kanya- His love never change. It endures. Kahit sobra kang winasak ng mundo, if you choose to comeback to Him, He's close to the brokenhearted. Hindi pa huli upang bumalik sa Kanya.

Kapatid, mahal na mahal ka ng Diyos kahit anuman ang nangyari sa nakaraan. Ang mahalaga ay ang plano Niya para sa hinaharap. Magtiwala ka lang na ang pag-ibig Niya ay tapat magpakailanman.

Kung minumulto ka man ng nakaraan, alalahanin mo ang tinapos na work ni Lord Jesus sa cross.

How He remembers us in our low estate of life?

- He's always with us wherever we go

Sa lahat ng pagkakataon, nandiyan Siya. Siya ang dahilan ng mga tagumpay mo. Siya ang dahilan kaya hanggang ngayon matatag ka. Siya ang dahilan kaya ka pa nabubuhay ngayon. Siya ang kumikilos sa buhay mo kaya ka nakarating sa kung nasaan ka man ngayon. God is good!

Even if we feel abandoned, hindi kailanman. Kung bigo ka man, nariyan pa rin Siya. Kung nasa sitwasyon ka na mahirap maintindihan, He's still there, may peace pa rin, may rest pa rin from the Lord. If you feel no peace, like parang gulong-gulo ka na, just comeback to Him.

Gaya ng sabi kanina, He's close to the brokenhearted. He will comfort you. He will heal you.

Victorious ang mga anak ni Lord! It's because of Him! His love endures forever.

- He's helping us

The Holy Spirit helps us in our weaknesses (Read Romans 8:26). Siya ang pinangako ni Jesus noong bago Siya umalis dito sa mundo (read John 14:26).

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon