"Insecurities"
©NylNed20Pamagat palang, alam na agad ang pag-uusapan.
Naranasan mo na ba ang ma-insecure sa mga taong nakakasalamuha?
'Yong tipong pinangarap na maging gaya nila– lumagay sa pwesto nila, magkaroon din ng mga bagay na meron sila na wala ka (halimbawa, mayaman sila), nakukumpara ang sarili mo sa kanila– nanliliit ka na kasi tingin mo sa iyong sarili ay walang-wala kumpara sa kanila dahil sa mga achievements nila, at iba pang mga negatibong maaaring maisip ng isang taong nada-down sa sarili.
Lahat naman ng tao'y may pangarap. Walang nilikhang perpektong tao, kaya may kanya-kanyang kakulangan ang bawat isa– upang kailanganin natin ang isa't isa. Pero minsan ang kakulangan na ito, 'to pa ang nagiging dahilan upang mainggit sa iba, at baka ito'y magtungo sa hindi kanais-nais na pangyayari.
Ang mga insecurities ay nagmumula sa pag-focus ng isang tao sa mga bagay na wala siya. Ang mga bagay na kanyang sobrang ninanais ay 'di mapasakanya. Kaya namumuo ang pagka-inggit.
Hindi maganda na nabubuhay na insecure. 'Yong palagi nalang nakatingin sa mga bagay na wala. Hindi ba 'yon nakakapagod?
Bakit hindi mo subukang tumingin sa mga bagay na meron ka? Lahat tayo'y may kanya-kanyang talento na regalo ng Diyos, ang kailangan nalang natin gawin ay ang buksan at tanggapin ito. Subukan mong tuklasan ang sa iyo. Walang makakapagsabi, baka mamaya marunong ka pala sa ganitong larangan, who knows?
Imbis na magpakulong sa insecurities, gawin itong inspirasyon upang magpatuloy sa buhay.
Gamitin ang mga bagay na meron ka upang makatulong sa iba. Maaari ka pang magbigay-inspirasyon sa iba. Ipakita mo ang talentong meron ka– nais mo ba iyang mabulok? Sayang naman, may mga taong naghahangad ng mga bagay na meron ka.
Mahalin mo lang ang iyong ginagawa. Tiyak ay hindi mo ito susukuan kahit anong mangyari.
Ang insecurities na 'yan, lilipas din kung marunong tayong magpasalamat sa lahat ng bagay na meron tayo– kahit sa maliliit na bagay na madalas ay 'di napapansin. Ihalimbawa natin ang hininga na meron ka. Sabi nga nila (gasgas na linya), "habang may buhay, may pag-asang tunay."
Appreciate even little things.
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...