23. Doubt

5K 37 0
                                    

Lucas 7:23

Pinagpala ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!

_________________________________
_________________________________
________________

Paano nga ba nagsisimula ang doubt?

Ano ang pinag-uugatan nga ba nito?

Bago tayo magsimula, ano nga ba ang doubt?

Doubt - to believe that (something) may not be true or is unlikely, to have no confidence in (someone or something)

Yung doubt parang pagdadalawang-isip lang. Yung tipong nag-aalinlangan ka. Yung hindi ka confident na mangyayari ang ganito o basta nag-aalinlangan ka. Yun un.

*****

Ang pinag-uugatan ng doubt ay ang pagdadalawang-isip o hindi paniniwala. Yung sinasabi mo na "Baka hindi ***** "

Yung nag-iisip ka nung kung anu-ano. Halimbawa sa paniniwala. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip mo at hindi mo alam kung ano mangyayari ba yun o hindi. Kasi nga ang doubt ay nagmumula lang sa pagdadalawang-isip ng isang tao hangga't sa umabot na sa doubt.

******

Paano 'to nagsisimula??

Sa mga pag-iisip natin. Sa isip nagsisimula ang lahat. Pwede rin sa puso natin magsimula.

Minsan talaga hindi mo maiiwasan ang pagdoubt.

Yung tipong nagcoconclude ka na agad ng negative ang mangyayari. Hindi mo maiiwasan. Yung mga kutob na yan.

Nag-aalinlangan ka kung wala kang FAITH. Dahil sa FAITH nagsisimula ang lahat, kung gaano mo kilala si God, kung ano ang mga natutunan mo tungkol sa Kanya yun ung magiging FAITH mo. At ang FAITH ay ang paniniwala/ assurance sa mga bagay na hindi pa natin nakikita, o tiwala..

*******

Bakit nga ba tayo nag-aalinlangan??

Bakit pa nga ba? Kung alam naman natin na tapat ang nangangako sa atin.

Dahil nag-iisip tayo na baka hindi mangyari ang ganto't ganito.. Dahil talagang napakaimpossible sa situation, kaya nag-aalinlangan ka..

Di ba nga, nothing is impossible with Him? I can do all things through Christ who strengthens me.

Ako, inaamin ko minsan negative thinker ako.. Naiinis nga ako e! Yung tipong nag-aalinlangan ako.. Nakakainis nga..

Alam mo ba yung mangyayari sa future at bakit ka nagdadoubt? Hindi natin hawak ang ating buhay. Never. Dahil si God ang nagbibigay-buhay sa atin.

Pinagpala ang mga taong hindi nag-aalinlangan kay God. Yung tipong ang lakas ng pananampalataya niya.. Yung naniniwala siyang mangyayari ang ganito't ganoong bagay.. Iba kasi kapag naniniwala ka.. Hindi masamang maniwala, pero ang paniwalaan mo ay ang tama..

Alam niyo ba yung nangyari kay Tomas sa New Testament? Yung nag-alinlangan siya na baka hindi talaga muling nabuhay si Lord at hindi siya maniniwala hangga't hindi niya naiipasok ang kanyang daliri sa butas ng mga kamay Niya ?? Anong nangyari sa kanya?

Sinabi sa kanya na.. "Naniniwala ka na dahil nakita mo na ako? Pinagpala ang mga tao na kahit hindi pa nakikita, naniniwala na."

Faith, it's all about faith. Kung meron ka nito, hindi ka mag-aalinlangan. Alisin natin sa sarili natin ang doubt dahil hindi ito nakakatulong. Although mahirap nga sa simula, yung tipong hindi mo maiiwasan.. Pero walang impossible sa Diyos.

Magtiwala ka lang sa Kanya. Humahadlang lamang ang doubt na 'yan sa faith mo. Huwag mong hayaang ito ang maghari sayo, ang pag-aalinlangan. Hayaan mo na si God na siyang maghari sa puso mo.

********

Huwag nang mag-alinlangan
Kung alam mong tapat ang pinagkakatiwalaan
At hindi ka bibiguin at iiwan
'Wag ka lamang sumuko agad-agad
Ika'y magpakatatag.

Deleesha Faith

********

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon