63. Wake Up!

3.9K 32 5
                                    

"Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Sardis: "Ito ang sinasabi ng nagtataglay ng pitong espiritu ng Diyos at ng pitong bituin. Nalalaman ko ang ginagawa mo; ipinapalagay kang buháy, ngunit ang totoo, ikaw ay patay. Kaya't gumising ka! Pag-alabin mo ang mga katangiang nalalabi pa sa iyong buhay upang hindi ito tuluyang mamatay. Nakikita kong hindi pa ganap ang mga nagawa mo sa paningin ng aking Diyos. Kaya nga, alalahanin mo ang mga bagay na iyong tinanggap at narinig. Isagawa mo ang mga iyon; pagsisihan mo't talikuran ang iyong kasamaan. Kung hindi ka gigising, pupunta ako diyan na gaya ng isang magnanakaw, at hindi mo malalaman ang oras ng aking pagdating.
Pahayag 3:1‭-‬3

~

.... ipinapalagay kang buháy, ngunit ang totoo, ikaw ay patay. (Pahayag 3:1)
Bago tayo magsimula, I have a question from this verse.

Naranasan niyo na ba 'yong nakisalamuha/humarap ka sa ibang tao (personal man or internet) na pinapakita ninyo na still on fire pa rin kay Lord kahit alam na hindi na? Or minsan hindi aware na nanlalamig or hindi maayos ang relasyon kay Lord?

Kung ganyan man ang nangyayari, may mali. May something na naging dahilan kung bakit biglang nanlupaypay. May something na dapat i-surrender kay Lord. Kayang-kaya Niya 'yan ayusin.

Maybe ang alam ng iba, maayos ka pero alam Niya na hindi. If ever you are in this situation, huwag kang mahiyang lumapit sa Kanya. He's waiting for you. Aayusin Niya 'yan. Pag-ibig at kapatawaran ang naghihintay sa 'yo. ("Halikayo at tayo'y magpaliwanagan," sabi ni Yahweh. Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo'y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak. Isaias 1:18)

If there's any problems, always run to Him. You are always welcome in His presence. His love will wrap you. He will heal you. He will restore you. He will be your strength.

Jesus is the way, the truth, and the LIFE. The emptiness we feel in our lives can be only be filled by Him. Abundance in life can be only find at Him. Kaya Niyang buhayin ang namamatay nating apoy. There's season na nanghihina tayo but just focus to Him.

Don't based your faith by your feelings. We always encounter God kahit minsan hindi natin feel. It's either nagiging manhid lang tayo sa Kanya or isa lamang pagsubok sa faith mo. Just don't let be controlled by your emotions. Ang tanging truth ay ang nakasaad sa Word of God and not our emotions. Guard your heart so that you can control your emotions.

Hindi masamang aminin na tayo'y nanghihina. Si Apostle Paul nga eh sabi niya ay ipagmamalaki niya ang kanyang kahinaan upang mas maranasan ang kapangyarihan ni Cristo at para ma-glorify Siya. Hindi naman required na sabihin sa lahat- 'yong mga taong mapagkakatiwalaan mo na talagang makatutulong sa iyong faith at higit sa lahat ay ang ipag-pe-pray ka.

Maybe ang sarap sa feeling na may nagsasabi sa 'yo na "I love you" pero iba pa rin ang nagsasabi ng "I'm praying for you" dahil isa iyong way ng pag-show ng love.

Maybe manghina man ngunit His grace is sufficient.

Mahirap ang magkaroon ng problema sa physical and emotional, paano pa kaya kapag spiritual? Mahirap mabuhay na hindi kayo maayos ni Lord- I mean ang inyong relasyon.

Lahat ng Kristiyano ay nakakaranas ng panlulupaypay ngunit huwag iyong patagalin. Mahirap mamatay spiritually.

Mga kapatid, 8 ang points natin sa gabing ito- may 8 Always akong iiwan sa inyo. Para manatiling buhay o gising spiritually.

-Always on fire

-Always serve Him

-Always remember what you've learned from His Word

-Always repent

-Always be ready
To be ready:
---Always pray
---Always depend on Him
---Always seek Him first

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon