Alam kong aware kayo sa mga nangyayari.
•Explosion in Manchester
•ISIS takes over Marawi
•Bomb goes off in Bangkok
•Car bombing in Syria
•Declaration of Martial Law in Mindanao (may part lang dito na dineclare ng ating Pangulo)Kapansin-pansin din ang pagkalat-kalat sa social media na #prayforMindanao, o alin mang connected sa salitang ito. Ngunit may isang katanungan ako… Pumikit ka na ba at nanalangin ng kanilang kapayapaan at kaligtasan sa Panginoon bago ka mag-post ng ganito? Kung hindi at nakikiuso ka lang upang makakuha ng likes and reactions, wala ring silbe 'yan. Dapat unahin mo si Lord bago sa social media.
Kaysa usigin ang desisyon ng Pangulong Duterte, kaysa magbiro ng walang kabuluhan at iba pang kagaya nito, why not pray? Yes, masasabi natin na wala tayong matutulong sa mga nakakaranas ng mga ganitong kalamidad, ngunit may isang bagay na magagawa tayo na napakalaking tulong– ang prayer! Yes, pray and pray and pray… Tuloy-tuloy 'yan. Pray without ceasing.
Huwag i-underestimate ang power ng prayer. Hindi mo alam ang nagagawa nito. God listens! Ito ang connection natin– ito ang link between man and God.
Lahat naman ng mga pangyayari ay may dahilan. Oo, ang hirap isipin kung bakit kailangang pang mangyari ito. Kinakalaban ang isa't isa? Lumalaganap ang kasamaan sa mundo? Kasalanan din ng tao ito, kung tutuusin. Kasi habang tumatagal at papalapit na ang wakas, pasama nang pasama ang mga tao. Ngunit huwag nawa papa-impluwensiya ang mga Kristiyano bagkus, maging matatag lang sa faith.
Nalalapit na ang wakas! Malapit na Siyang dumating! Darating Siya gaya ng magnanakaw. Ang mga signs upang malaman kung nalalapit na ang wakas ay basahin mo ang Matthew 24 at ang Revelation.
Matthew 24:6-8
[6]And ye shall hear of wars and rumours of wars: see that ye be not troubled: for all these things must come to pass, but the end is not yet.
[7]For nation shall rise against nation, and kingdom against kingdom: and there shall be famines, and pestilences, and earthquakes, in divers places.
[8]All these are the beginning of sorrows.Kumapit lang tayo sa Diyos! Huwag natin kwestyunin ang mga plano Niya. Oo, nakikita natin na napaka-worse ng mga pangyayari. Sa halip na sisihin ang Diyos, why not trust Him? Lahat ng nakatala sa Bible ay unti-unti ng nangyayari. Maging prayer warrior! Huwag magsawang magdasal.
Marami pa tayong kakaharapin– malalaman niyo kung nabasa niyo ang Bible. Maging matibay lamang sa pananampalataya! Ang lahat ng paghihirap ay temporary– lahat kasi ng bagay sa mundo'y walang nagtatagal. Wala nang mas hihigit pa sa walang hanggan na kaloob ng Diyos na buhay sa mga taong naging tapat hanggang huli dahil sa pananampalataya nila kay Lord Jesus!
Don't forget to pray! God bless!
_____
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...