Colosas 2:7
Magpakatatag kayo at isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos.
~
Ang mga mangyayari sa buhay natin ay kadalasa'y hindi natin inaasahan. May mga kaganapan na 'di natin nais, at nahihirapan tayong tanggapin ang lahat- kung bakit kailangang mangyari ang lahat. Nakakahinagpis, hindi ba? Maiisip mo na lang kung saan ka nagkulang, sa'n ka nagkamali, at bakit nagkaganito ang lahat. Ang hirap- tila ba pasan mo ang lahat sa mundo. Pagod ka na. Gusto mo nang magpahinga. No problem about that- just pray for everything even though it seems like nothing is changing. Magpakatatag kayo!
Natural ay hindi natin alam ang mangyayari bukas; kahit ang magising pa tayo kinabukasan ay wala rin tayong kamalay-malay. Bakit hindi na lang natin ipagkatiwala sa Kanya ang lahat- hawak naman Niya ang buhay natin? Nangangapa tayo sa mangyayari sa buhay natin. Maaaring manghula tayo ng mangyayari kinabukasan ngunit wala tayong kasiguraduhan sa lahat ng bagay. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, hayaan natin na ang Diyos ang manguna sa 'ting buhay. Patuloy lang tayo sa paglago sa ating pagkilala sa Kanya. He knows you very well- even your darkest secret, your attitude and everything about you. Isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay.
Ang bawat isa sa 'tin ay may kanya-kanyang testimony kung paano nakilala ang Diyos na buhay, nagpapakita ng glory Niya, at ang pagpapakilala Niya sa hindi literal na pamamaraan kundi sa mga kaganapan sa buhay natin. Halimbawa, mapapasambit ka ng, "God is good all the time." Nakita mo sa 'yong buhay kahit na maraming problema- akala mo hindi mo na kakayanin, pero nalampasan mo sa tulong Niya. Ang faith o pananampalataya lang ang sikreto upang maging malago ka sa Kanya. Kinalulugdan ni Lord ang sumasampalataya sa Kanya. S'yempre, faith without works is dead, may kalakip na gawa iyan. Pero hindi dahil sa 'ting mga gawa tayo naiiligtas, kundi sa ginawa ni Lord nang bumaba Siya sa mundo upang ialay ang buhay Niya alang-alang sa 'ting wala ng pag-asa pa sa buhay. Hindi nabuo ang pananampalatayang meron ka ngayon kung wala kang pundasyon na narinig na salita Niya Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo.
Maraming blessings ang dumatal o darating pa lang sa buhay natin. Minsan, in disguise pa ito; sa ating katitingin sa mga malalaking bagay ay hindi na natin napapansin pa ang maliliit na bagay na ipinagkaloob sa 'tin kahit na ito talaga'y napakalaki gaya ng paggising mo sa umaga. Isa pa, sa mga nangyayari sa buhay natin. Naganap iyan nang may dahilan na hindi natin ma-figure out; parang walang dahilan upang magalak pa sa buhay. Pero kahit anuman ang mangyari sa buhay natin, lagi kayong magpasalamat sa Diyos.
Bakit natin gagawin ang mga nabanggit? Ito ang higit na nakabubuti sa 'tin. Ito ang paalala ni Lord sa 'ting lahat na sumampalataya sa Kanya. Hindi tayo mapapariwala sa buhay. Magiging maganda ang bunga nito. Mapi-please mo rito si Lord. Sa pamamagitan nito, mas lalong makikita ang glory Niya. Maging lalong tumatag ang faith natin.
Anu-ano ang mga gagawin upang manatili tayo sa Kanya? Ang mga nabanggit sa verse na ito ang i-apply natin sa buhay.
•Magpakatatag kayo at isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay.
•Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo.
•Lagi kayong magpasalamat sa Diyos.
God speaks through His words; this is just a reminder for all of us. Gawin nating guide ito sa buhay natin. Hindi literal na magsasalita si Lord; nare-recognize natin 'yon. Be strong mga kapatid!
~
God bless. TGBTG~
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...