Hebrero 3:12
Mga kapatid, ingatan ninyong huwag sumama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa talikdan ang Diyos na buhay.
______
Bakit konektado ang puso sa ating pananampalataya sa Diyos?
Ano nga ba ang puso? Bakit nga ba tayong nilikhang may puso? Pwede naman tayong likhain ni Lord ng walang puso. Pwede naman tayong mabuhay ng wala iyon kung iyon ang Kanyang kagustuhan. Pero, bakit nga nilikha ang puso?
Unang-una, may puso tayo para magmahal. Magiging walang silbe ang lahat kung walang pag-ibig sa puso mo. Mayaman ka nga, talented ka nga, ngunit kung walang pagmamahal, ay wala ring silbe. Three things will last forever: faith, hope and love. But the greatest of these is love. (1 Corinthians 13:13)
Ngayon, magpokus na tayo sa katanungan na nasa taas kanina.
Ano ba ang kinalaman ng puso sa pananampalataya sa Diyos?
Dito sa puso, nandito nagsisimula ang lahat. Nandito ang tunay mong katauhan. Nariyan kung talagang sino ka. Di ba si God is looking at hearts not on physical appearance?
Konektado ito dahil dito nagsisimula ang tunay na pananampalataya at pagsamba sa Panginoon ay nagsisimula sa puso. Hindi hanggang salita lamang, dahil kung hanggang bibig nalang ay nagsisinungaling. Halimbawa, may nagsabing, "Mahal ko si Lord!!" Pero, di naman galing sa puso. Hindi dapat ganoon. Kahit na hindi mo sabihin iyon kung nakikita naman sa iyong gawa at nagmumula sa iyong puso ang pagmamahal mo sa Diyos. Pero hindi mo rapat ikahiya.
SA puso nagsisimula ang lahat. At kung ano ang siyang naitanim mo rito, iyon ang aanihin mo. Alangan naman mamunga ng santol ang puno ng mangga??
Kung ang faith mo'y sa isip at bibig lang, kulang, dahil wala ang puso mo sa ginagawa mo. Kasi ang faith di basta sinasalita lang o nilalagay lang sa isip, kundi tinatanim sa puso at nang Sa gayo'y mamunga ito ng sagana.
Magkaconnect ang puso sa ating pananampalataya sa Lord.
God looks on heart, not on physical appearance, your intelligence, and all the things you had.
Bakit ang masamang puso ay nakakalayo sa pananampalataya kay Lord?
Oo nga naman. May kinalaman na naman ang ating puso. Eh ano ngayon kung masama ang aking puso? You must care. Dahil nakakalayo ito sa faith mo kay Lord.
Remember, God hates SIN, but he loves SINNERS...
Ang masamang puso ay nakakalayo kay Lord dahil ang lahat ng pagnanasa ng ganitong puso ay against sa will Niya, halimbawa, kung makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo, di ba?
Bakit pinapaalala sa atin ang tungkol rito?
Kung masama ang puso mo, automatic na hihina rin ang panampalataya mo.
Mag-ingat tayo, mga kapatid. Huwag nating hayaan na maging masama ang puso ang sinuman sa atin. Nariyan naman ang Panginoon, at hindi tayo papabayaan at palagi tayong gagabayan.
Guard our hearts... Panatilihin natin itong iguard, at si Lord lang ang dapat susi nito.
What do you need to keep our heart guarded?
*Mananatili lamang tayo sa Panginoon.
*Having a strong faith to the Lord.
*Word of God. (Read bible)
*Pray always. Huwag magsawang gumawa ng mabuti.
*Panatilihin mo si Lord sa puso mo.
*Having a strong relationship on Him.Guard our hearts....
Mag-ingat tayo. Huwag nating hayaan na ang isa man sa atin ay masama ang puso.
Ang lahat ng gawain ng masamang puso ay against the will of Lord.
Kung anuman ang nasa puso mo ngayon... Kung galit, inggit, jealous, at kung anumang negative.... Please, alisin natin ito nang unti-unti. Ipagpray natin.
Kasi pag puno yan ng mga ganyang bagay, Paano mo papasukin si Lord sa puso mo kung puno ng ganyan?
Unti-unti. Kaya natin 'to. Have faith. Guard our hearts, manatili lang kay Lord .... Minsan talaga nag-fafail tayo, but God never fails us.
God bless you!!!!!!
______
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...