Mateo 7:3-5
[3]Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata?
[4]Paano mong masasabi sa iyong kapatid, 'Halika't aalisin ko ang puwing mo,' gayong troso ang nasa mata mo?
[5]Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.____
Nakakarinig ka ba ng tsismis sa pali-paligid gaya ng mga paninirang halos gustong tadtadarin ang puso ng kanilang pinag-uusapan, mga taong ang hilig sumaksak sa likod, mahilig pumuna ng pagkakamali gaya ng isang malinis na papel na nagkaroon ng isang dot (color black), satsat nang satsat pero walang alam sa buong kwento ng isang tao- siguro wala pa sa 5% ang kaniyang nalalaman, ang bilis humusga, dinaig pa ang judge na sa matuwid na paraan kung magbitaw ng hatol, at marami pang iba.
May mga tao kasi na panay ang pansin sa mga pagkakamali ng kapwa nila. Naghahanap ng maaaring panira dahil sa may hidden agenda sila sa mismong taong iyon gaya ng pagka-inggit, poot, at iba pa.
Meron namang sa pisikal na anyo ang pinupuntarya. Kesyo pangit ang mukha, maraming ganito at ganoon, maiitim, payat o mataba, at marami pang iba. Minsan binibiro lang ang pagkabitaw ng mga ganyang salita, pero deep inside, nasasaktan sila.
Mayroong din na panay ang sabi kung ano ang tamang gagawin pero hindi naman isinasagawa. "Hindi dapat nagmumura," pero siya salita nang salita ng mga ganoon. Okay lang 'yong nagsasaway/nagsasabi ng katotohanan na mali ang ganoon kasi iyon ang tamang gawin. Kung hindi mo ginawa pero alam mong tama, anong silbe ng iyong kaalaman? Tambay sa utak? Sayang lang, kapatid. Ang katotohanan lamang ang s'yang makakapagpalaya sa iyo. Masakit sa una, pero habang buhay na kalayaan ang s'yang matatamasa. Ang kasinungalingan ay pasisiyahin ka lang pansamantala.
What I meant is to apply it on your lifestyle. Wala namang nadadaan sa pabiglaan. Sa palagay mo ba, kapag sinabi ng isang tao sa nagmumura, "iwasan mo ngang magmura," matatanggal niya ba agad iyon? No, but there's no impossible with God. Unti-unti ang pagbabago. Bagong nilalang ka na nang tinanggap mo na Siya sa buhay mo. Isipin lang palagi ang Filipos 4:13.
***
Ang mutang tinutukoy sa bible verse na ito (sa taas) ay ang mga pagkakamali ng isang tao. Ang mga mata ay s'yang landas na tinatahak. Ang pagtanggal sa muta ay gaya ng isang taong nais magpabago sa Panginoon.
Lahat tayo ay may muta. Wala kasing perpekto. Kailangan natin itong tanggalin upang makakitang mabuti. At nang magkaroon ng puwang ang katotohanan sa atin.
Ang nais ko lamang iparating ay bago tumingin ng mga pagkakamali ng iba, ayusin muna ang sarili. Baka kasi lumitaw kang mapagkunwari dahil sumusuway ka nga na tigilan ni ganito ang ganyan, pero 'di mo naman sinasabuhay ang iyong sinasambit.
Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid. Hindi masama ang pagsasabi ng pagkakamali ng iba- sa maayos na paraan mo ito sabihin. Paano mo matutulungan ang isang tao kung hindi ka titingin sa kanyang pagkakamali? Pero dapat mas lamang ang pagpansin natin sa positibong side ng isang tao. Kaya lang sasabihin ang negative side- para rin sa ikakabuti niya iyon. Kailangan malinaw ang iyong paningin at walang 'trosong' nakaharang kung nais mong magsabi ng tama at nakakabuti. Kailangan naunawaan mo nang lubusan ang iyong ipapahayag sa kanya.
Try mo nga na sabihin sa iyong kaibigan na, "aking tatanggalin ang muta mo," pero ikaw ay bagong gising lang at hindi pa natanggal ang muta sa iyong mata at hindi makikitang mabuti. Maaari mo pa siyang masaktan dahil baka matusok mo ang kanyang mata. Hindi kasing makitang mabuti.
Parang ganoon din pagdating sa paghatol sa kapwa. Alam niyo naman ang mabuti at ang masama. Malinaw na malinaw ang nais ipabatid ng bible verse na ito.
Ang misyon lang ay ang ipahayag ang katotohanan at ang Diyos ang kikilos sa bawat buhay ng tao. Siya ang babago ng puso ninuman.
Conclusion: Laging i-check up ang sarili kung ano ang notives ng bawat sasabihin sa isang tao. Kung layunin mo ba siyang tulungan o baka naman gusto mo lang siyang masira sa paningin ng ibang tao. Ikaw lang ang makakaalam niyan. Huwag basta-basta humatol nang walang nalalaman at nauunawaan ukol sa salita ng Diyos. Gaya ng isang kritiko sa nagsusulat ng akda. But only God can change our hearts. Siya lamang ang makakapagturo sa iyo at magpapaunawa ng Kanyang mga Salita.
To God be the glory.
____
Ps. Wala akong galit, hahaha. Bigla ko nalang na-i-type ito.
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...