"Bakit may mga pagsubok, pagkabasag ng puso, pagluha, panghihina, at iba pang negatibo?"
Ang sagot ni Job, "Hindi mo naiintindihan ang iyong sinasabi. Pagpapala lang ba ang tatanggapin mo sa Diyos? Hindi ba natin tatanggapin kung bigyan niya tayo ng pagdurusa?" Sa kabila ng kanyang paghihirap, hindi nagsalita si Job ng laban sa Diyos.
Job 2:10Hindi laging masaya. Nandiyan 'yong lungkot na tila kontra bida ng buhay natin. Nandiyan 'yong paghihirap na tila hindi natatapos. At iba pa...
May mga nangyayari na tila hindi natin nauunawaan kung bakit nangyayari. Natitiyak naman natin na iyon ay may layunin ang Diyos kung bakit Niya ipinahintulot na mangyari iyon.
Hindi natin makikilala nang lubos ang Diyos kung walang negatibo. Hindi rin naman nangangahulugang gusto Niyang mahirapan tayo rito sa mundo dahil sa dahilang iyon. [Hindi niya ikatutuwang tayo'y saktan o pahirapan.
Mga Panaghoy 3:33] Alam Niya kung ano ang mas nakabubuti para sa 'tin. Yes, tiwala. Tiwala ulit.Isipin mo. Walang negatibo. Paano mo malalaman na ang isang bagay ay positibo kung walang negatibo? Ang mga negatibong pangyayari ay gagamitin Niya- how? Halimbawa, sa pangyayaring hindi natin nais ay gamitin din Niya iyon upang makita natin ang glory Niya.
Kung naging broken ka man, ito ay nagiging chance para mas lumapit ka sa Kanya, hindi ba? He is close to the brokenhearted. He cares for you. Kahit ulit-ulit kang binabasag ng mundo, basta natututo tayong mag-surrender sa Kanya ng ating pusong wasak, mabubuo tayo.
Mapapansin mo rin sa mga characters sa Bible na lahat sila ay may matinding pinagdaraanan/pagsubok. Baka nga mas matitindi pa ang mga 'yon kaysa ating mga nararanasan. Pero, kahit anumang pagsubok ang hinarap nila, nalagpasan nila, hindi ba? Tayo pa kaya na kasama ang Diyos na Diyos din nila?
Maraming ways si Lord upang maipakilala ang sarili Niya sa 'tin. Gagamitin Niya ang mga kaganapan sa buhay natin, ang mga taong nakapaligid sa 'tin, our emotions, and others.
Sa ating mga paghihirap sa buhay, mas lalo nating nakikita kung gaano natin kakailangan si Lord. We need Him desperately. And by your sufferings- after you survive it all with Him, may mga tao kang makikilala at nagsu-suffer din; you can help them dahil naiintindihan mo siya. May lessons na tinuturo ang bawat sufferings. He seems silent, pero hindi- kumikilos Siya para tulungan ka.
Next... isipin mo, kung wala kang mga kahinaan, maiisip mo pa ba na kailangan mo si Lord? Halimbawa, maayos na ang lahat. Hindi ka nanghina kahit kailan. Walang challenge, hindi ba? Kung may weakness tayo, matututo tayong mag-depend kay Lord. Paalala naman Niya sa 'tin na His grace is sufficient, e. Kaya kahit may kahinaan man tayo, makakaya natin dahil sa Kanya.
Next, mga pagkakamali natin sa buhay. Ito, common sa 'tin. Kahit ano'ng gawin natin- naisin mang maging perpekto, magkakamali at magkakamali tayo. Why? We're human. That's it. Paano naman natin Siya makikilala naman sa mga pagkakamali natin? We know na kahit kailan ay hindi Siya nagkamali. Lesson learned in every error. Tapos mag-de-depend din tayo sa Kanya upang i-overcome ito.
Lastly, ang kalungkutan ay isang paalala lang sa 'tin na hindi sa mundo matatagpuan ang tunay na kasiyahan. Only in Him, serving Him, loving Him and others, doing things for Him- it's all about Him. Kung naka-focus tayo masiyado sa sarili natin, mahirap maging masaya. Ma-o-overcome natin ang loneliness. Focus to Him kahit mahirap sa simula. Kung sa isang pangyayari naman ang dahilan ng kalungkutan, be still. May panahon talaga na tayo'y nasa kalungkutan. Pero trust Him, papalitan Niya iyan ng kagalakan! Walang forever sa mundo, maging ang loneliness. Umiiyak ka man ngayon, ano'ng malay natin sa kinabukasan at hinaharap? May plano Siya!
Anuman ang nararanasan natin, huwag mong iisipin na hindi ka Niya mahal. Lahat ng nakikita mong matatag ngayon, maniwala ka, lahat sila ay may matinding pinagdaanan kaya naging ganoon sila katatag.
May kapalit na blessings lahat ng napagtagumpayang pagsubok! Be still Iyon lamang.
To God be the glory!
Credits sa pinagkuhanaan ko ng ideya ng iba rito. God bless!
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...