17. We have limitation, but God's words are FOREVER

5.9K 51 8
                                    

1 Pedro 1:24-25

Ayon sa kasulatan, "Ang lahat ng tao ay tulad ng damo, gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan. Ang damo ay malalanta, at ang bulaklak ay kumukupas, ngunit ang salita ng Panginoon ay mananatili kailanman." Ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinarangal sa inyo.

_________________________________
_________________________________
_________________

Ang lahat ng tao ay gaya ng isang damo, nalalanta at namamatay. At ang kagandahan/kagwapuhan ng isang tao ay tulad nito ang bulaklak, kumukupas. Sapagkat ang lahat ng mga bagay sa mundong ito ay may katapusan at may hangganan. Kaya't huwag natin ipagyabang ang lahat ng meron tayo, sapagkat may katapusan ito! At mas magandang magpakumbaba ka na lamang. Si Lord lang dapat ang ipagyabang natin :) :)

Ni hindi mo nga alam kung kailan mawawala sayo ang lahat ng meron ka. Ang lahat ng meron ka ay galing lahat sa Diyos... Ang lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan. Maging ang buhay mo ay hindi mo alam kung kailan mawawala.

Gaya nga ng sabi ng iba, "Walang FOREVER!" Pero kung na kay Lord ka, syempre, "MAY FOREVER!!"

Ang salita lamang ng Panginoon ang mananatili kailanman. Lilipas ang langit at lupa, ngunit ang salita Niya ay mananatili kailanman. Sapagkat Siya mismo ay walang hanggan. Powerful ang Salita Niya. Itulad mo ang salita ng Panginoon sa sword and shield, sapagkat ito ang magpoprotekta sayo, malalaman mo rito kung ano ang tama sa mali, at ito'y magiging sandata (yung parang ginawa ni Jesus kay Satan noong tinutukso Siya. Sinasabihan Niya ng mga kasulatan at ang mga kasulatang ito ay mga salita ng Diyos. Tulad ng, "Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang isang tao, kundi sa bawat salita na nagmumula sa Diyos.") Kaya't patatag lamang tayo. May katapusan tayo, ngunit may Diyos at ang Kanyang mga salita ay mananatili magpakailanman.

****

"Ang tao'y parang damo, nalalanta. At ang kagandahan/kagwapuhan o sa madaling salita kalabasang anyo ay tulad ng bulaklak, kumukupas."

****

Ngunit ang salita ng Diyos ay mananatili magpakailanman. Mas madaling mawala ang langit at lupa, kaysa mawala ang isang katuldok ng kautusan. Makapangyarihan ito. And this is our lamp at our feet and light on our paths. O ang ating pinakagabay sa mundong 'to.

___

Panghawakan lamang natin ang Salita Niya. At ang pangako Niya sa atin. Ano ang pangako na 'yun? Tayo ay magkakaroon ng buhay ng walang hanggan kung tayo'y sasampalataya ng buong puso at kaluluwa.

We have limitation, but God's words are forever.

Mahina man tayo, palalakasin Niya tayo. Huwag tayong bumitaw sa Diyos dahil hindi Siya naggive-up sayo.

Mamamatay man tayo, ngunit ang faith na nasa puso mo ay hindi namamatay.

Parang kayabangan lang, maaaring mamatay ang mayabang, pero ang kayabangan ay hindi.

Parang ganun lamang yun.

Mapalad tayong mga tao, sapagkat binigyan tayo ng pagkakataon ng Diyos na mapalapit sa Kanya. Siya mismo ang gumawa ng way. At ito ang Magandang Balita. Ang pagliligtas ng Diyos.

Mamatay man ang katawang-lupa natin, ngunit may Diyos na magkakaloob sa atin ng walang hanggang buhay sa piling Niya.

~~

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon