***
Ilang oras mo bang hawak ang phone mo sa loob ng isang araw? Para mag-FB, magwattpad, magtwitter, mag-instagram, maglaro ng games at iba pang ginagawa sa cellphone?
Pero may oras ka ba para kay Lord?
May ikukwento ako. Isang gabi, mahihiga na nga lang ako ay hawak ko pa ang cellphone ko para maglaro at magbasa sa wattpad. Sinabi ko, mamaya magdadasal ako bago matulog. Then yun nga, lumipas ang oras at napagod ako, maging ang mga mata ko. Kaya hindi ko namalayang nakatulog ako at nakalimot magpray.
Nakakaguilty, mga bes! Naramdaman mo na rin ba ang ganun? O sadyang ako lang? Hehehe.
Huwag kang mawawalan ng oras kay Lord kahit na anong mangyari. Huwag mo Siyang ipagpapalit sa anuman. He's your first priority, right? God first before anything else nga e.
Yung tipong mas marami ka pang oras sa gadgets o sa ibang bagay, tapos ilang minuto lang na pakikipag-usap sa Kanya ay hindi mo pa maibigay? O minsan naman ay hindi makakapagsimba dahil sa maraming alibay.
Huwag ganun!
Exodus 20:3 "You shall have no other gods before me.
Matthew 22:37 Jesus replied: "’Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind.’
God loves you, more than you're expecting. Ano ang gagawin mo sa pagmamahal Niyang iyon? Babaliwalain mo? Hindi, ‘di ba?
Ang tanging gagawin ay unahin Siya sa lahat ng bagay. Napakadali kasi na makalimutan Siya sa mga panahong masaya tayo. Pero mas madalas maalala sa tuwing may mga pagsubok. Naalala lang pag nasa mahirap na situation. Huwag ganun!
Read the greatest commandment. (Matt 22:37). Ang hirap ipaliwanag, ne? Ang tanong, mahal mo ba si Lord?
Kung mahal mo Siya, susundin mo ang mga commandments Niya. Makapagpasalamat ka lamang sa tuwing paggising mo, masaya Siya, mga kapatid. Iyong Siya mismo ang unang maiisip mo. Thank you Lord for waking me up!
****
Tandaan, huwag mawawalan ng oras kay Lord. Kung may oras ka sa ibang bagay, sa Kanya, wala? Wag ganun! Napakahalaga ng oras, kapag lumipas na hindi na maiibalik pa. Kaya habang hindi pa huli, maglaan ka na ng oras kay Lord. :)
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...