20. Live by God's will

5.2K 50 2
                                    

Roma 13:13

Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan.

________________________________
_______________________________
______________

Mamuhay tayo ayon sa kalooban ng Diyos, ang mamuhay sa liwanag. Huwag magsawang gumawa ng mabuti. Sapat na noon na igugol natin ang oras natin noon sa paggawa ng masama ng di pa natin nakikilala si God. Talikuran na natin ang lahat ng ito at huwag nang maakit pa. Ang tulad nito ay ang asong nagsuka at kinain muli ang isinuka. Hindi naman natin agad-agad mababago ang ating mga nakasanayan. Pero, with God, all things are possible and if there's a will, there's a way. Kung gusto mo talagang magbabago, magbabago ka talaga.

Ang magulong kasiyahan at paglalasing ay di nakakatulong sa solusyon ng problema. Sa halip, dinadagdagan pa nito. Iwasan natin ang maingit at umiwas sa mga alitan. Huwag mong pang-ingitan ang ibang tao dahil meron sila na gustong-gusto mo pero wala ka nito. "Nakakainggit naman yun," nasabi mo na ba ang phrase na yan? Okay lang yung expression lang ng nakakainggit pero hindi yung malalim na, yung tipong envy na ang nararamdaman mo at kahit dahas pa ang gawin mo ay gagawin mo para lang dito.

"Alitan" - Minsan di ito naiiwasan lalo na kung hindi nagkakaintindihan. Pero, iwasan natin ito! Yung pag-aaway na yan, gantihan dito at doon, revenge dito at doon! Hay. Nakakasawa! Hindi ka nabuhay sa mundo para lamang magtanim ng galit sa puso.! Sayang naman ang buhay mo kung puro na lang galit ang nasa puso mo. Love your enemies nga, di ba? Pero, hindi nga ito ganoon kadali. (Read the chapter about "loving your enemies")

"Mamuhay tayo sa liwanag, huwag sa dilim." - Hindi ito yung literal na magbubukas ka ng maliwanag na ilaw at hindi mo papatayin ang ilaw dahil hindi ka dapat mamuhay sa dilim. Kundi ang liwanag ay nagrerepresent ng right path, sa will of God, at ang tamang mga gagawin.. At ang dilim naman ay ang masamang gawain, at ang maling landas.

Sayang ang oras kung ilalaan mo 'to sa mga masasamang gawain. Mahalaga ang bawat segundo ng buhay mo! Kaya ka pa nga nabubuhay dahil kay God! He has a purpose on you!

Hindi naman natin maiwasang magkamali. Hindi naman kasi tayo perfect e. Pero hindi ito yung palagi mong rason kung bakit ka nagkakamali. Okay lang magkamali, pero huwag namang yung tipong paulit-ulit. Hindi ka ba nagsasawa? Kasi ang mga pagkakamali na yan, yan pa ang nagtuturo sa atin. It left a lesson on us.

Pero, dapat mamuhay tayo para kay God, hindi para sa mga tao sa mundong 'to, sa kalayawan ng mundong 'to at sa lahat ng mga meron sa mundong 'to. You're not living in this world just to please many people. Mayroon at mayroong taong ayaw sayo, lalaitin ka, binabackstab ka.

Yung tipong natatakot ka sa paggawa ng mali. Nakaranas ka na ba yung tipong nahihiya ka kay Lord dahil sa may nagawa kang kasalanan? Yung feeling na ganoon? But God still love us, He just quick forgive us if we repent with all our heart.

The fearing to the Lord is the beginning of wisdom.

*******

Mamuhay tayo sa liwanag at huwag nating sayangin ang oras para sa paggawa ng mga masamang hangarin.

May gantimpala ang Diyos sa lahat ng mga sumunod sa kalooban Niya. Kaya huwag magsawang sumunod sa Kanya.

Kung patuloy naman sa paggawa ng masama at iginugol ninyo ang panahon ninyo rito imbis na magpatuloy at mamuhay sa liwanag, paparusahan ka sa lahat ng ginawa mo at lahat ng mga ginagawa natin ay may kanya-kanyang mga consequences. Pero, if we repent, God will still forgive us. This is how God loves us.

******

"Live by God's will. You will not be destroyed, you will be protected. Don't stop following God, but stop doing anything against Him and do good. Don't follow the world. Follow the Lord."

"Trust everything to the Lord."

"Don't waste your time in doing bad things."

"Living in God's will is cannot just explain in words and the feeling of with Him is one of the greatest things."

********

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon