3. Nothing is Impossible with God
Filipos 4:13
Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.Walang anuman ang impossible pagdating sa ating Panginoon. Lahat kaya Niyang gawin. Lahat possible sa Kanya. Walang impossible basta ika'y may pananampalataya sa Kanya.
Kung wala kang pananampalataya, paano pa kaya? Para bang sinabi mo na rin sa Diyos na "Di ako naniniwala sa Iyo!!" Kapag nag-aalinlangan ka, ganoon na rin iyon. Tandaan mo, mahal na mahal ka ng Panginoon, kahit ano pa ang maganap, di iyon magbabago. Kung nag-aalinlangan kaya ang tao sa iyo na baka di mo gawin iyon, di ba nalulungkot ka? Paano pa kaya Siya? Ano kaya ang nararamdaman Niya sa tuwing nag-aalinlangan tayo sa Kanya? Huwag tayong mag-alinlangan, dahil tapat ang nangangako sa atin. Pero minsan talaga tayong mga tao walang pasensiya, ayan naiinip, at mag-aalinlangan na. Kung tunay ang pananampalataya mo, kayang-kaya mong maghintay. Yung mga characters sa bible pansinin ninyo, ilan taong bago nila natanggap ang pangako ng Diyos? Di ba? Years yun.. Pero may faith pa rin sila na magaganap iyon, kaya naganap yun. Don't lost your faith to God. Yan ang mahalaga. Mawala ang lahat, wag lang yun.
Magagawa natin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng lakas na kaloob sa atin ng Panginoon, at kung naniniwala kang magaganap nga ito.
[Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung maniniwala kayo. ~ Mateo 21:22]
Sa ating pagdarasal, kung tayo ay naniniwala at may pananampalataya tayo ay matatanggap natin ito. Walang impossible, di ba? With God, all things are possible. ~ Luke 1:37 Ang Panginoon ay may plano para sa atin..
Kung alam niyo ang kantang "Nothing is impossible," di ba yung unang-una na lyrics nito,
Through You I can do anything
I can do all things
'Cause its You who gives me strength
Nothing is impossible!Kaya natin gawin ang lahat ng bagay sa pamamagitan Niya. Siya kasi ang nagbibigay ng lakas sa atin, Siya ang nagpapalakas sa atin, Siya ang bumubuhay sa atin at kung wala Siya wala rin tayo.
Tandaan niyo lang, hindi tayo nag-iisa, nandiyan ang Diyos, di Niya tayo iiwan ni pababayaan man. Matuto tayong magtiwala. Mahirap kasing magtiwala, yes. Mahirap talaga. Pero kung tapat ang nangangako, Bakit ka pa mag-aalinlangan?
Tiwala lang. [Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit. ~ 1 Pedro 5:7] Mawala ang lahat, huwag lang ang Diyos. Kaya natin ito. Sa Diyos na ang lahat ng kapurihan.
Written: August 21, 2015
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...