14. NOTHING can separate US from the LOVE of God

5.3K 53 3
                                    

Roma 8:38-39

Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang makapangyarihan, ang kasalukuyan at ang hinaharap, ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

________________________________
________________________________
________________

Familiar na po ba sa inyo ang verse na iyan? Madalas niyo po bang mabasa?

Walang sinuman o anumang bagay na siyang makapaghihiwalay ng pag-ibig ni Cristo sa ating mga nilikha Niya. Ganyan kadakila ang pagmamahal Niya sa atin. Sa simula't simula pa'y minahal na Niya tayo. Walang kahit ano o sino ang makahahadlang sa pag-ibig Niya sa atin. Kahit nararamdaman mong di ka minamahal, alalahanin mo Siya, dahil kahit di mo Siya mahal, mahal na mahal ka Niya. Hindi ka nag-iisa. Kasama mo Siya sa lahat ng mga pagkakataon, magpakailanman. Mahal ka Niya, walang makahahadlang sa Kanya.

May mga times talaga na nararamdaman nating walang nagmamahal sa atin. (Katulad ng previous chapter, ipinakita roon ang love ni God)

Ngunit, sinabi nga Niya na walang sinuman o anumang makakahadlang sa pagmamahal Niya sa atin. Ang sweet ni God. Napakabait at mapagmahal Siyang Diyos.

Tandaan lang po natin ito.. Kung sinabi mong walang nagmamahal sa iyo, nagkakamali ka, baka nagiging manhid ka lang kay Lord, kaya nasasabi mong walang nagmamahal sa iyo. God loves you! Kahit anong mangyari, mahal na mahal ka Niya,at higit pa sa ineexpect mo.

~~~

Ito pong mababasa ninyo ay kinuha ko sa isang story ko :)

Hugot #29

Yung feeling na sinasabi mo na manhid si crush, tapos minsan di mo napapansin na manhid ka na rin kay Lord..

(Sinabi lang po ito, di ko na po alam ang exact words. )

~~~~~~

Nagkacrush ka na ba?

Nasabi mo na ba na.. "Ang manhid naman ni crush.." "Nakakainis.. Di man lang ako pinansin ni crush..."

Pero nasabi na ba natin sa sarili natin na minsan naging manhid na tayo? Lalo na kay Lord? Minsan nagiging manhid na tayo, di natin napapnsin.. Kapag may problema na, di na nararamdaman na nandyan lang si Lord sa tabi natin?

Isipin mo, kung nagiging manhid si crush sayo.. Anong pakiramdam? Di ba, masakit? Paano pa kaya si Lord? Wag kasi puro kay crush nalang... Isipin mo rin kung kanino ka pa nagiging manhid..

~~~

Minsan tayo lang talaga ang manhid...

Walang balakid sa pagmamahal Niya para sa atin. Kaya si Lord ay nagpapako sa krus dahil sa pag-ibig Niya para sa atin kahit di na natin deserve pa ito.

He loves us kahit anong mangyari.

Remember, walang anuman o sinuman ang makapaghihiwalay ng pag-ibig ni Lord sa atin.
Bago ka pa ipanganak, nakaplano na ang lahat. At mahal ka na Niya. Yung nakita ka Niyang naisilang ng maayos mula sa iyong ina rito sa lupa, Siya ay lubusang natutuwa. At ang pag-ibig na ipinagkaloob Niya sa atin ay walang balakid. Read Bible para mas marami pa kayong matutunan at lalo ninyong makikilala ang Diyos na nagmahal at nagmamahal sa atin.

Kung naghahanap ka ng forever, sa Kanya lang meron yun :) <3 Hinding-hindi ka Niya bibiguin. Never give up on God because He didn't given up on you. <3
God loves you always and forever. Sa Kanya lang may forever, wala ng iba. <3

Having a relationship on God, is the best relationships you may have. :) <3 :)

"A relationship with God is one of the most important relationships you can have." <3

~

To God be the glory! <3

~

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon