Proverbs 31:30
Charm is deceptive, and beauty does not last; but a woman who fears the Lord will be greatly praised.
=====
May mga tao ba kayong napapansin na sa panlabas lamang nakatingin? 'Yong tipong hindi lamang nagandahan/nagwapuhan sa taong nakita, himusgahang pangit na agad?
I believe na lahat tayo'y magaganda at gwapo. S'yempre, likha tayo ni God!
Kaya nga may mga pageants e. Ito ang evidence na we're fearfully and wonderfully made! Isipin mo, sa Miss Universe, lahat ng mga lumalaban na kandidata ay iba-iba ang kanilang kagandahan. Isipin mo, ang galing talaga ni Lord, 'no?
Walang masama sa pagiging gwapo o maganda!
Psalms 139:14
[14]I will praise thee; for I am fearfully and wonderfully made: marvellous are thy works; and that my soul knoweth right well.
Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.'Yan ang nagpapatunay. Ngunit 'pag sumobra naman- halimbawa, nagiging hambog/mayabang na dahil sa panlabas na anyo. Ang dalang hangin niya tila mas malakas pa kay Bagyong Yolanda.
"Charm is deceptive, and beauty does not last."
May mga tao minsan na nalilinlang sa panlabas na anyo without looking inside- inside means his/her attitude and character. Nagpadala sa outside.
Parang libro lang. Minsan, hindi maganda ang book cover, subalit kung babasahin mo ang nilalaman nito ay tiyak na hindi mo pagsisihan na binasa mo 'to. Hindi dapat sa book cover mag-focus, parang sa tao lang. Kilalanin muna. (Smiles)
Meron din naman sa mga temporary lamang ang pinahahalagaan- temporary ang siyang mahalaga sa kanila.
Ang charms and beauty parang bulaklak lamang. Oo, ang ganda ng pagkabukadkad nito. Nakakabighani, hindi nakakasawang pagmasdan. Subalit, bukas, ikalawa, ay malalanta na ito, dahil hindi ito permanente. (Read, We have limitation, but God's Words are Forever chapter)
Huwag puro panlabas na anyo. Tignan din ang hindi mawawala sa tao kahit magbago ang itsura- ang ugali. Mamatay man 'yong tao, subalit hindi makakalimutan ang ugaling ipinakita niya sa kanila.
So hindi na ba dapat pahalagaan ang panlabas kong anyo?
Hindi gano'n 'yon. S'yempre, binigay sa 'yo ni Lord 'yang katawan na meron ka- natural, alagaan mo! May mga tao na nagme-maintain ng diet, they doing exercises, and many more that's connected to these activities.
My point is na 'wag mag-focus sa panlabas na anyo dahil mapanlinlang 'yan.
Nasubukan mo na bang malinlang na packagings? Na akala mo marami ang laman dahil sa naka-print sa lalagyanan nito? Ang daming nakalagay sa naka-print sa packaging, pero ang totoo, hindi gano'n sa loob. O kaya naman napapabili ka dahil maganda ang packaging nito? Hmm.. At pagbili ng mga naglipanang pekeng produkto na akala mo totoo- halimbawa, garlic na durog-durog, 'yong pinulbos.(if you know) Akala mo garlic 'yon pero bread crams lang pala ang nabili mo at nadaya ka ng nakikita.
Ingat sa mga nakikita at panlabas na anyo.
"...but a woman who fears the Lord will be greatly praised."
Fears the Lord? Hmm? Bakit 'yon ang mas mahalaga?
Read this :
Proverbs 9:10
[10]The fear of the LORD is the beginning of wisdom: and the knowledge of the holy is understanding.
Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.Anong klaseng fear ba ang tinutukoy dito? 'Yong fear bang parang nakakatakot- parang monster, ghost, etc.? No, it means takot na hindi sumunod o mag-disobey kay Lord. Tumatalima ka sa utos Niya dahil mahal mo Siya. Kaya ito ang beginning of wisdom dahil dito nagsisimula ang lahat. Kung wala ka nito, paano ka pa susunod kay Lord?
Ang pinakamahalaga sa lahat ay we fear the Lord. Walang kwenta ang lahat ng meron sa 'tin if we don't fear the Lord. Para sa 'kin, walang kwenta ang buhay ko nang walang Lord sa puso ko.
**
Sa mga lalaki, don't be deceived by the charms and beauty. Ang hantong no'n ay lust (one of the deadliest sins) 'pag puro pagnanasa ang lumamon sa 'yo. See if she fears the Lord- she have faith on Him. Para sa 'kin, this bible verse telling na gan'tong babae ang dapat hanapin niyo- in short, gan'to dapat ang ideal woman niyo.
Sa mga babae, huwag puro panlabas na kaanyuan ang alagaan. Maging ang spiritual- ang pananampalataya mo sa Diyos. Alagaan mo pa rin ang panlabas mong kaanyuan, ngunit mas bigyang halaga mo ang relationship mo kay Lord. Kung sa physical, nag-e-exercise ka, nagda-diet ka, etc., sa spiritual naman, nagpe-pray ka, reading His words, putting Him first, at iba pang activities na ginagawa mo para kay Lord.
Be not deceived!
====
Note :
Ito na po 'yong request mo, DauntlessMage
I hope you read this. :)Sa totoo lang, parang nabablangko ako- writer's block, like I don't have the feel of writing, but the Lord helped me. :)
Thank You Lord and all glory are Yours. <3
Nawa may natututunan kayo sa mga ibinabahagi ko po sa inyo :)
~NylNed20
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...