41. God's Perfect Timing

6.5K 50 3
                                    

"When the time is right I will make it happen."
-Isaiah 60:22

__________

Ano ang madalas mong ipagdasal? Ano ang kahilingan mo sa Kanya? Ano ang mga bagay na inihingi mo sa Kanya? Anong mga bagay na nais mong mangyari sa buhay mo?

Minsan, tayong mga tao hindi marunong maghintay. Kung baga, nawawalan ng patience. Tila nagmamadali sa lahat ng bagay. Ang gusto, nandyan na agad. Yung tipong sa isang kurap nandyan na.

When you're praying, God is listening to you. Hindi Siya sobrang busy para hindi ka Niya pakinggan. He loves you very very very much. All of us. Kaya He loves listening to your prayers. Akala mo hindi ka Niya naririnig dahil parang walang nangyayari. Pero, if we trust God sa lahat ng pagkakataon, magiging patient ka.

Kasi sa una, we can't understand why it happened. Bakit ganoon ang nangyari. Bakit kailangang ito mangyari. Bakit para bang hindi sumasang-ayon sa iyo ang tadhana. Bakit natalo ka sa game na iyon. Bakit. Bakit. Puro bakit. Hindi ka magtatanong kung bakit if you trust God full well.

Mahirap kasing magtiwala, ganun ba? Kasi nandyan si pag-aalinlangan, na laging hadlang. We even thinking negative. We conclude.

"Wait for the LORD; Be strong and let your heart take courage; Yes, wait for the LORD."
-Psalm 27:14

Maging matatag lamang tayo. Magtiwala lamang tayo sa plano ng Diyos. Best parati ang Kanyang plano. We may have plans, pero iba pa rin ang kay God.

Maghintay. Matutong maghintay. Ito ang minsan mahirap sa atin. Hindi naman genie si Lord para sa isang iglap ay maiibigay ang nais mo.

Lahat ay nangyayari according to a reason. Lahat ay nangyayari sa tamang panahon. Tatlong ways lang naman sinasagot ni Lord ang prayers natin.

1. Yes.

2. Better. (Hindi man yung gusto natin, pero mas the best ang plano ni Lord sa atin.)

3. Wait/Not Yet. (Yan na. Kung ang hiningi mong bagay ay hindi pa naiibigay pa ngayon, you must wait. Walang instant. Ibibigay yan ni Lord ng exact na oras, not late or too early. Learn to trust God.)

Kaya huwag agad sumuko. Kung may mga PAASA sa mundo, pero si Lord once na sinabi Niya ito ay mangyayari. Hindi Siya PAASA katulad ng mga tao sa paligid natin. They may fail, but God will never make a mistake. Once He promise, it will happen. It looks now impossible, but nothing is impossible with God.

Antayin lamang natin ang tamang oras. Walang mapapala sa pagmamadali ng isang bagay na gustong-gusto mo. Ito'y maaaring mag lead into temptation.

Ang sarap sa feeling, you're contented- yung pakiramdam mo ay ang sayang walang kapantay kung marunong lamang maghintay. You will be satisfied.

Pero, don't focused on the blessings. Focused on who gives the blessings. Which is- the Lord. Blessings are just instrument in order we will grow in faith and trust.

Tandaan, ang lahat ng bagay ay may tamang oras. Wala ka bang boyfriend/girlfriend ngayon? Nasasaktan ka ngayon? Hindi pa ba nangyayari ang nais mo? Bakit hindi ka pa rin nananalo sa contest na iyon? Bakit ganito ang mga nangyayari ngayon? Wait for the God's Perfect Timing. TRUST GOD.

Patuloy ka lamang sa pagpray. You must wait. Trust the Lord. Have faith. :)

________

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon