53. "Panginoon, Panginoon!"

4.6K 22 0
                                    

Lucas 6:46
"Bakit ninyo ako tinatawag ng 'Panginoon, Panginoon,' gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko?

__

Sa panahon natin ngayon, napakarami na ang gumagamit ng pangalan ni Lord para sa ikasisikat, ikararangal at purihin ang sarili. 'Yong tipong pabalat lang nila si Lord sa lahat ng mga lihim nilang balak. Nakakalungkot man ngunit ito ang katotohanan.

Marami ang tumatawag sa Kanya ng, "Panginoon! Panginoon!" ngunit hindi naman sumusunod sa Kanyang mga sinasabi. Hanggang salita na lamang at iyon ang nakakalungkot. Oo, maaari tayong magkamali sa lahat ng pagkakataon, but we can repent habang nabubuhay pa. Minsan nakakalimutan natin that we are still humans and still commit sins. Lagi lamang tayo lumapit sa Kanya. Hindi na makakapagsisi pa sa impiyerno sapagkat wala ng chance. Mahirap ang mamatay nang hindi nakakapagsisi.

Oo nga naman 'no? Bakit mo Siya tatawaging 'Panginoon' kung hindi mo naman Siya sinusunod? Parang sa trabaho lang 'yan. Bakit mo siya tatawagin na boss kung hindi mo siya susundin? Baka ipatanggal ka lang niya sa trabaho.

Mga Taga-Roma 10:9
Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.

Totoo 'yan. Kung tinanggap mo Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas nang buong puso at nagsisi ka sa lahat ng iyong mga pagkakasala, maliligtas ka. Hindi riyan ang pagtatapos. Simula pa lang 'yan ng iyong paglalakabay sa mundong ito kasama Siya.

Mga Taga-Roma 10:13
Dahil sinasabi sa kasulatan, "Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon."

Lucas 13:25-27
[25]Kapag ang pinto ay isinara na ng pinuno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas at katok nang katok. Sasabihin ninyo, 'Panginoon, papasukin po ninyo kami.' Ngunit sasabihin niya sa inyo, 'Hindi ko kayo kilala!'
[26]Sasabihin naman ninyo, 'Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa aming mga lansangan.'
[27]Sasagot naman siya, 'Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na gumagawa ng kasamaan!'

Iyan ang sasapitin ninuman (ayon sa verses na 'yan) kung nagpatuloy pa rin sila sa pagnanasa ng laman at ang mga nais nito, at nanatiling nasa mundo (ang mga bagay na narito) ang focus. Oo, maaaring natanggap mo ang Word ni Lord-- masaya mo 'tong tinanggap in fact, ngunit parang tagapagtayo ng bahay na madaling gumiba ang kanyang itinayo nang sumapit na ang bagyo kung hindi mo isinasagawa ang mga itinuro nito (Word) sa 'yo. Familiar naman siguro sa inyo ang talinghaga ng manghahasik? (Read Matthew 13:1-9) Iyan ang apat na uri kung paano tinatanggap ng isang tao ang salita Niya.

Conclusion:
Simula pa lang ang lahat ng ating mga nararanasang pagsubok sa mundo, mga kapatid. Manatili lamang tayo kay Lord kahit anuman ang mangyari. Gawin natin ang mabuti sa lahat ng pagkakataon. Nagkasala ka? Na-guilty sa mga nagawa mo? Mahihirapan ka talagang lumapit sa Kanya kung mahihiya ka. Bakit ka naman mahihiya pa kung alam naman Niya ang bawat nangyari sa buhay mo? Repent with all your heart everyday while you're still alive. Hindi mo alam kung kailan kukunin ang hiram na buhay mo. Kung sinuman ang nais manatili kay Lord, i-a-apply sa buhay ang mga Salita Niya. Kapag ba naging Christian ka, ibig bang sabihin no'n kailangan na ika'y maging perpekto? Mga kapatid, it's about progression! Ang paglago mo kay Lord ang pinakamahalaga. Tinatawag mo Siyang Panginoon, hindi ba? Ibig lang sabihin nito, Siya ang nangunguna sa buhay mo... sa bawat kabanata ng iyong buhay.

To God be the glory! <3

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon