84. Do you love me?

1.7K 11 0
                                    

He said to him the third time, “Simon, son of John, do you love me?” Peter was grieved because he said to him the third time, “Do you love me?” and he said to him, “Lord, you know everything; you know that I love you.” Jesus said to him, “Feed my sheep.
John 21:17

__

MAY TATLONG mananatili kahit na ang iba'y maglalaho: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig pero alam natin na pag-ibig ang pinakadakila sa tatlong ito. Kahit magkaroon ka ng lahat ng bagay sa mundo, kapag wala kang pag-ibig, mawawalan iyon ng saysay. Alam din natin na ang Diyos ay pag-ibig at tayo'y nilikha na kawangis Niya. Una Niya tayong inibig kaya tayo'y umiibig din.

Sigurado ako na alam ninyo ang tungkol sa tatlong beses na pag-deny ni Peter kay Jesus. If you know and love someone na marami na kayong pinagsamahan tapos bigla ka niyang pinagkaila dahil sinabing, "hindi ko siya kilala!" Ano ang mararamdaman mo? Super na masakit kasi sa kabila ng samahan ninyo ay nagawa ka niyang i-deny. In Jesus' point of view, alam na Niyang mangyayari ang pagkakailang iyon pero sa kabila ng nagawa ni Peter, nakita pa rin natin sa huli na mahal niya si Jesus. Alam natin na nagpatuloy siyang maglingkod kay Jesus at patuloy nilang binabahagi ang salita ng Diyos sa kabila ng matitinding persecutions at may mga sinulat din siya na bahagi ng New Testament.

Nang una at pangalawang tanong kay Peter ng, "do you love me?" ay ang bilis niyang sinagot ng "Yes, Lord, you know that I love you." Walang pag-aalinlangan ang kanyang pagsagot. Pero in the third time when Jesus asked him, he grieved. Napaisip siya pero firm pa rin siya. “Lord, you know everything; you know that I love you.” Kahit sino ang tanungin ng ilang ulit sa isang tanong na ganito, mag-da-doubt na sa pag-ibig niya. Mapapaisip nang matindi dahil sa una at pangalawang tanong ay parang hindi considered ang sagot. Si Peter ay nagtitiwala na alam ng Lord ang lahat kaya ni-acknowledge niya 'yon na the Lord knows everything kaya alam rin na mahal niya ang Lord.

Minsan, nakakatakot na alam ng Lord ang lahat ng bagay kasi walang maitatagong kahit ano sa Kanya pero at the same time, isang malaking reason and assurance kung bakit Niya tayo kayang unawain. The Lord became patient with Peter. Three times of denial, three times din na tinanong siya ng "do you love me?". Nakita natin dito ang restoration mula sa nangyari.

Sa nangyari kay Peter, we can reflect on our love to God. Imagine the Lord Jesus asking you the same question, how will you respond?  Pakiramdam mo ba wala kang confidence to say yes dahil sa mga nagagawang pagkakasala at failures sa Kanya? Hindi ka nag-iisa, kapatid. Nakakahanga talaga si Peter dahil sa kabila ng mga nangyari, alam niya na mahal niya ang Lord. Hindi natin maiwasan minsan na ma-k'westyon ang pag-ibig sa Kanya kapag hindi nagagawa ang dapat gawin for Him o saktan Siya by choosing to sin. Love never fails. Tayong tao lang talaga ang nagkukulang at nagkakamali. Naniniwala ako na patuloy na nag-wo-work ang Lord sa mga buhay natin until maging ganap tayo. He first love us naman kaya naniniwala akong mahal natin Siya. By loving God, we can love one another dahil naranasan natin ang Kanyang pag-ibig. We can't achieve maturity sa mundong 'to pero may assurance tayo sa Kanya na He will finish what He has started.

Ang totoong pag-ibig ay may ginagawa at hindi ukol lang sa feelings. We should love by actions. We can reflect in three times na tinanong si Peter. Baka mamaya, we say that we love someone pero hindi tayo sincere. Sinabi man na mahal natin ang isang tao pero hindi pala natin mean 'yon kasi baka nadadala lang tayo ng ating mga damdamin. Ang "I love you" ay hindi basta-basta tatlong salita lang. Ito'y may kaakibat na responsibility. Pero tandaan n'yo rin, may pinagkaiba ang na-o-obliga kang gawin sa ginagawa mo na may pag-ibig. If you do anything that feels required, reflect. Kasi kung na-o-obliga lang tayo sa isang bagay, darating ang time na magsasawa tayo pero kung may pag-ibig, magkakaroon tayo ng pasensiya at papalawakin natin ang pang-unawa. Magiging matiyaga at kakayanin natin magtiis.

Kung totoong mahal natin ang Lord, patutunayan natin ang ating pagsisisi. Alam na Niya noon pa ang lahat ng nangyayari, maging ang mga kapalpakan at pagkakasala natin pero hindi nagbago ang Kanyang isip sa mga pinili Niya. Tignan ninyo ang lahat ng naglingkod para sa Lord. Lahat sila ay may naging pagkakasala pero hindi iyon naging hadlang sa kanilang pagpapatuloy. Sa halip, pinatunayan nila hanggang sa huli na mahal nila ang Diyos. Nanatili ang kanilang pananamplataya. God will never fail us.

Magpapatuloy tayo by His strength. Siya naman ang magbibigay ng lahat ng kailangan natin to Godly living. If we love Him, we will trust Him. If we trust Him, we can submit to Him. If we submit to Him, we can obey Him. Magagawa lang natin ang lahat ng 'to nang dahil sa grace and mercy Niya sa 'tin.

Jesus replied: “ ‘Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind.’ And the second is like it: ‘Love your neighbor as yourself.’
Matthew 22:37‭, ‬39

Even ang two greatest commandment ng Diyos ay nag-fa-fall sa love. Alam n'yo, ang second commandment ay kadugtong lang din ng first and greatest commandment. Bakit? Kasi kapag totoo na mahal natin ang Diyos nang higit sa lahat, kakayanin nating mahalin ang ating kapwa. Pero if we can't love 'yong mga taong nakikita natin, paano pa natin mamahalin ang Diyos na hindi pa natin nakita kahit kailan? Don't be confused kasi love begins in God. Dahil mahal Niya tayo, naranasan natin ang Kanyang pag-ibig. Upang mapatunayan na mahal din natin Siya, susundin natin ang Kanyang mga utos. Ano naman ang utos Niya? Kitang-kita sa two commandments ang "love". Commandment Niya 'yan kasi He is love. "Love one another" ika nga. If hindi natin ito nagawa sa buong buhay natin, hindi natin Siya mahal.

Kapag mahal mo ang isang tao, tiyak na may ginawa ka na para sa Kanya-- baka nga may mga ni-sacrifice ka pa. Ano ang sinabi ni Jesus nang nag-yes si Peter sa tanong Niya?

1. Jesus said, “Feed my lambs.” (John 21:15)
2. Jesus said, “Take care of my sheep.” (John 21:16)
3. Jesus said to him, “Feed my sheep.” (John 21:17)

Dito pa lang, nakita na natin ang pag-ibig ay may kaakibat na paggawa. Ano ang ginawa mo ba para sa isang tao na bilang patunay na mahal mo siya? Ano ang ginawa mo para sa Lord? Kung totoong mahal mo ang isang tao, handa kang may gawin. Hindi puro kilig at saya sa pag-ibig. Ang totoong pag-ibig ay kumikilos at pinapatunayan. Habang mas tumatagal, mas napapatunayan dahil sa endurance.

Jesus said this to indicate the kind of death by which Peter would glorify God. Then he said to him, “Follow me!” (John 21:19)

If we love God, we will follow Him. If we follow Him, we will keep His commandments.

Nais ko lang iiwan sa inyo na ang pag-ibig ay hindi mababaw lang. Ito ay pinapatunayan sa gawa. We love by our actions. Actions speak louder than words. Masarap pakinggan ng isang tao na mahal mo siya pero wala ng mas hihigit pa kapag pinatunayan mo iyon sa kanya sa pamamagitan ng gawa. Peke ang mga pangako kapag hindi tinupad; lalo ng peke ang pag-ibig kapag walang ginawa.

God bless!
June 3, 2022

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon