***Reverse Poetry #3

1.6K 11 5
                                    

R E V E R S E P O E T R Y

Tunay akong masaya nang wala Siya.
Hindi kailanman na
Ang Diyos ang higit kong kailangan
at
Kulang ang buhay ko
Alam ko kasing
Buhay ko'y kumpleto.
'Di totoo na
May kulang sa buhay ko
Wala akong hinahanap.
Walang katotohanang
Miserable ang buhay ko.
Kapag wala Siya,
Tunay akong masaya
at
Walang problema
Sinungaling ako nang sabihin kong
Nanghihina ako
at
Para akong namamatay
kasi
Ang totoo talaga
Ayos lang ang lahat
Sinasabi ko sa inyong
Kaya ko na walang tulong Niya
Hindi
Ipagtatapat na
Nalulungkot ako.
Pero hindi pala
Sa pagkakaalam ko
Maayos
at
Payapa
Ang buhay ko
Masayang tunay
Hindi
Siya ang kailangan ko
Walang iba kundi
Ang mundong ito
Ang higit kong kailangan
Hindi na 'ko maniniwala pa na
Ang Diyos ay bubuo sa buhay ko.

(Basahin paitaas)

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon