***Buhay is Life

2.8K 14 0
                                    

Ilang beses na bang dumaan ang iyong kaarawan? May handa ba? Biro lang.

May pagkakataon na bang naisip mong sana magwakas na ang iyong buhay dahil sa bigat ng mga problema?

"Buhay is life." Madalas natin itong mabasa sa kahit anong site sa social media. Oo nga naman. Dalawang magkaibang wika ngunit parehas ng kahulugan. Parang redundant ang dating, 'no? Nasasabi rin 'to minsan kapag may mga mahihirap na gagawin, "Buhay is life talaga!"

Ang buhay ay bibigyan ng kahulugan depende sa pananaw at mga karanasan ng isang tao sa bagay na ito. Hindi lang basta bagay sapagkat iisa lang at kahit lumuwa ka ng maraming diyamante ay hindi ka makakabili nito. Ang Diyos lamang ang maaaring makapagbigay ng buhay.

"Ito talaga ang the best na natanggap ko sa buhay ko-- lalo na't aking kaarawan!" sabi ng isang tao nang matanggap o naisakatuparan ang kanyang ninanais. Ngunit ako'y agad kumontra (hindi niya alam s'yempre nasa TV), "Hindi ba pwedeng buhay ka at iyon ang best gift mo?"

Napag-isip-isip ko minsan, ang buhay ay 'di napapahalagahan madalas. Kapag nalalapit na sa kamatayan o kaya naman nagkasakit ng malubha, doon pa lang makikita ang kahalagahan ng buhay. O kaya naman, kung kailan nawalan ng buhay ang isang tao, doon pa lang makikita ang kanyang kahalagahan. Kadalasang tayong mga tao ganito: Kapag nawala, makikita ang halaga.

Ano nga ba ang buhay? May naisip ka na bang swak na kahulugan nito sa iyong isipan?

Kung ano man 'yan, panghawakan mo lang. (Huwag 'yong negatibong kahulugan. Pawang katotohanan lang). Magiging lesson mo 'yan sa lahat ng iyong haharapin pa sa hamon ng buhay. Ang bawat pangyayari sa iyong buhay ay iyong pahalagahan.

Ang buhay ay hindi kumpleto kung walang mga pagsubok. Hindi matatawag na buhay iyon. Bahagi na siya nito.

Isipin mo ito:

Namumuhay ka sa mundo na puro pasarap lang sa lahat ng bagay. Puro pagpapakasaya. Lahat ng naisin mo meron ka. Mayaman ka, masarap ang pagkain, magarbo ang damit, mamahalin ang bahay at mga kagamitan, at iba pa. Perpekto ang buhay mo. Sobra kang matalino at hindi na kailangan ng iba. Lahat ng mga nais mong gawin ay magagawa mo. Pumatay, mangbastos, maki-apid, at lahat ng klase ng krimen. Walang katapusan ang lahat. Walang husti-hustisya. Free lahat.

Gusto mo 'yan?

O etong isang klase ng buhay:

Simple ka lang na tao. Hindi lahat napapasaiyo. May talent ka na sakto lang sa iyo. Nakukuha mo ang lahat ng iyong pangangailangan. Hindi ka nga lang perpekto. May bahagi nga lang sa buhay mo na mararanasan mo ang mga pagsubok gaya ng mawalan ng mahal sa buhay, financial needs, physical, emotional, social, and spiritual aspect. May kabayaran ang bawat pang-aabuso o pagkakasalang nagawa. May hustisya. Basta, ang klase ng buhay na meron ka sa kasalukuyan.

Alin ang mas nais mo?

Kung walang pagsubok, sa palagay mo ba kakailanganin pa ba ang isa't isa at maaalala mo pa kaya ang Diyos na nagkaloob sa 'tin ng buhay? Kung perpekto na ang buhay natin, may thrill pa ba? Para kang nanonood lang ng movie na walang conflict. Boring, 'di ba? Boring?! It's boring kung perpekto na ang bida-- hindi nagkakamali at lahat ay nasa kanya. Baka nga mabagot ka lang kung puro nagsasaya ang isang bida at walang kontra bida o walang conflict na pwedeng sumubok sa 'ting bida.

Well, that's the point. Buhay is life talaga. Exact meaning.

"Life is a journey."

"Life is a test."

At marami pang ibang kahulugan nito.

Ano ang pwedeng gawin para maging valuable at masaya ang iyong buhay sa kabila ng lahat?

Easy to state. Maging malaya sa lahat ng bagay-- hindi nagpapaalipin sa mga bagay sa mundo. At mamuhay kang nakakalugod sa Diyos. Huwag i-please ang tao. Nakakapagod at baka hindi mo ma-appreciate ang buhay mo dahil sa pag-focus sa tingin nila sa iyo.

Buhay is life. Tressure it more than a diamond. You can't have another one of it except when God given you another chance in life.

Be thankful dahil buhay ka pa. You have a purpose and mission! Marami ka pang magagawa. Spend your time wisely.

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon