Ephesians 4:27
Neither give place to the devil.
Ni bigyan daan man ang diablo.
____
Naalala mo pa ba ang mga panahong hindi mo pa nakikilala ang Diyos? Hindi ba binulag tayo ng kaaway ng mga oras na 'yon? Na magpakasarap nalang sa buhay, magpatuloy lang sa pagkakasala, at marami siyang ino-o-offer na mga bagay-bagay sa mundong ito na ang kapalit ay ang pagkalayo mo sa Diyos? Mali ang lahat ng iyan- na alam mo na ngayon dahil may Diyos na sa buhay mo na nagpamulat sa 'yo sa lahat ng mga ito at wala na ang dating ikaw. New self.
Pero no'ng tinanggap mo si Lord Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, diyan nagsisimula ang lahat. Gumagawa ng paraan ang kaaway para lamang mapansin mo siya. I-o-offer niya ang lahat ng bagay na maaaring makapagpukaw ng iyong pansin- o sabihin natin na matagal mo ng itong nais. O kaya nama'y nadadala tayo sa temptations na kung saan ay nagpapatunay kung gaano tayo katatag.
Tandaan mo, walang-wala ang kaaway sa paningin ng Diyos. Siya'y bigo pagdating sa Kanya. Wala siyang laban kung ika'y nasa Diyos. Pero paano nalang kung ikaw mismo ang nagbigay ng way/chance sa kanya sa buhay mo? Lilinlangin ka lang niya. Ama siya ng kasinungalingan. Ipag-pray mo lang na maging malakas at matatag ka sa mga temptations.
Nasasaiyo pa rin kasi ang desisyon e. Maraming tao ang tumanggap ng salita ng Diyos nang may kagalakan subalit hindi sila nagtagal at nagpatangay sa kalayawan at alalahanin sa mundong ito. May mga paghihirap lamang na naranasan ay tumalikod na sa pananampalataya.
(Read Matthew 13)
Sa panahon ngayon, walang nakakaalam kung kailan ang wakas. Kung sino ang magiging TAPAT hanggang wakas ang siyang maliligtas. Kung sino ang mananatili sa Diyos at hindi magpapadala sa anumang paghihirap sa mundong ito. Darating 'yong mga panahon ng pighati, kahit anong mangyari ay manatili pa rin sa Diyos. Dapat maging handa. Pray lang lagi upang maging handa. Ang Espiritu ay handa, subalit ang laman ay mahina.
Kahit anong mangyari, ang Diyos lamang ang sambahin mo.
Matthew 28:20
Teaching them to observe all things whatsoever I have commanded you: and, lo, I am with you always, even unto the end of the world. Amen.I am with you always, even unto the end of the world. Promise 'yan ni Lord kapatid! Hindi Niya tayo iiwan ni papabayaan man! Kung nararamdaman mong iniwan ka Niya, ikaw ang lumayo. Habang may panahon pa, lumapit ka sa Diyos! Walang nakakaalam kung kailan ang wakas. Ang Diyos lamang ang nakakaalam! Ang aliping laging handa sa pagdating ng kanyang panginoon ay pinagpapala niya. Parang ganoon din sa 'tin. Ang panahon na 'yon ay darating gaya ng isang magnanakaw, hindi inaasahan.
Powerless naman talaga ang devil eh basta't wag bibigyan ng pagkakataon
Yes amen! Mas makapangyarihan si Lord. Walang papantay sa kanyang kadakilaan 😍😍😍
Ang mga on fire kay Lord- iyon ang target ng kaaway
Paano nga ba pinababagsak ng kaaway ang mga Christians? Kapag siya'y binigyan ng pagkakataon
Kapag hinahayaan ng isang Kristiyano na lumamig ang relationship nya kay Lord
Sa panong paraan? Ano sa tingin ninyo?
Sa pagsubok?
sa makamundong bagay?
Ang cliche na nga ng mga galawan niya, mga sis
The same technique ang ginagawa nya. Simula pa kay Adan at Eba
Pansin nyo ba?
Oo lahat ng kasinungalingan ipapasok nya sa kokote mo para maniwala ka sakanya
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...