28. First and last

3.7K 34 2
                                    

Lucas 13:30

Tunay ngang may nahuhuling nauuna, at may nauunang nahuhuli.

_________________________________
_________________________________
_________________

Bakit may nahuhuling nauuna at nauunang nahuhuli?

Oo nga naman. Nakakaconfused niyo? E nauuna nga, pero bakit nahuli? E yung nahuhuli, pero bakit siya nauna? Huwag mong gawing literal. Deep thinking, with all your heart.

Sa panahon natin, marami ang naunang sumampalataya, ngunit hindi nagpatuloy at naggive-up sa mga pagsubok.

Ehem. May mga tao na may faith at masayang tinanggap ang salita ng Diyos, ngunit nagpatinag sila. Nagpatalo sila sa mga pagsubok, sa mga nakikita nila sa mundo. Nauna nga silang sumampalataya, pero hindi sila nagpatuloy. Sayang din. Huwag magpabulag sa mga meron sa mundo. Dahil doon ay maaaring hindi ka na makapagpatuloy sa faith mo.

Meron namang nahuhuli pero malakas ang faith niya.

Ang tinutukoy na nahuhuli rito ay ang mga bagong sumampalataya lang. Ngunit ang lalim ng pananampalataya. Kaysa naman sa matagal ng naglilingkod sa Diyos pero hindi sinasapuso. Dapat isinasagawa ang bagay-bagay nang buong puso.

May ganyan dahil sa kung gaano katatag ang paniniwala't pananampalataya ng isang tao sa Diyos.

Kasi hindi naman basehan ang kung gaano ka katagal naglingkod, kundi ang faith na meron siya. Halimbawa, may matagal ng sumampalataya, at may tao namang bago lamang, wala siyang karapatang sabihing, "Bago ka lamang, mas karapat-dapat ako sa Diyos dahil matagal na akong naglilingkod sa Kanya."

Basahin mo po ang Mateo 20:1-16. At ang kahulugan ng parabulang iyon ay may connect po dito.

Kung gaano na niya nakikilala ang Diyos. Dahil ang faith na meron ka ay kung gaano mo Siya nakikilala.

Hindi mo masasabing kilala mo na ang Diyos kung di ka nagpapatuloy sa pagseek sa Kanya. Hindi basehan kung kailan ka sumampalataya, ang mahalaga ay ang kasalukuyan! Past is past! Kaya nga may nahuhuling nauuna, kasi kahit na ngayon-ngayon lamang sila sumampalataya, pero ang lalim ng faith sa Diyos. Kaya naman may nauunang nahuhuli, kasi sila nga ang unang nakakilala sa Diyos, ngunit hindi nagpatuloy, at naging confident dahil sila raw ang nauna, sila ang unang nakakilala sa Diyos. E ano ngayon kung matagal mo na Siyang kilala? Kung hindi naman nakikita sa gawa mo at hindi sinasapuso ang paglingkod mo sa Kanya?

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon