----
Minsan pumasok na ba sa isip mo kung bakit kailangan pang may problema na haharapin sa pang-araw-araw na buhay? Kung bakit tila hindi nauubos ang problema? Kapag naman masaya, minsan panandalian at agarang binabawi. Pagkagising mo palang sa umaga, you always think about your problems. Imbis na masaya ka, nasasakop ka na ng problema.
Hindi talaga mawawala ‛yan. Mahihiling mo na sana matapos na at wala nang kasunod. Tila kakambal na natin ang problema simula nang tayo'y ipinanganak.
Pero, sa kabila nang lahat ng ito, nakukuha pa natin maging masaya. Kahit na napakaraming haharapin in everyday life, we endure to smile. Dahil nga sa Diyos. Dahil Siya ang nagpapalakas sa atin. Sometimes, we want to give up but when God gave up on you? ‛Yan na lamang ang isipin mo.
Kung kailan malapit na ang pasko, doon pa nagkakaproblema. Gusto lang naman natin maging kumpleto ang pamilya sa isang araw na ‛yon, maging masaya at sama-sama na sasalubungin ang pasko. Pero magpapasko na lang, may problema pa rin. Hindi talaga matatakasan ang problema kaya hindi solusyon ang pag-escape. Harapin ito.
Magiging masaya ka naman kung gugustihin mo e. Kaya ang mga taong masaya sa kabila ng mga problema ay kasama nila ang Diyos.
Huwag mag-pray para maging madali (easy) lang ang buhay, pray para maging mas malakas pa.
Kahit isang araw lang ang pasko, pero kung may Diyos sa buhay mo, araw-araw magiging pasko.
Huwag mong kakalimutan ang tunay na kahulugan ng pasko. Ang kapanganakan ni Lord Jesus dito sa lupa/ ang Kanyang pagdating dito. Kahit walang bigayan ng regalo o handaan, tandaan, ang tunay na kahulugan ng pasko ay ang pagmamahal ng Diyos sa atin.
----
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
Muah!
God bless you <3
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
Tâm linhThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...