Jhoanna' Pov
Walang tigil na kakaiyak ang nangyayari sa akin ngayon, kanina pa din ako dasal ng dasal na sana ay maging okay si Colet dahil hindi kona talaga kakayanin kung mawawala ulit siya sa akin.
Kaya halos mugtong mugto na ang dalawa kong mata kakaiyak, nandito kami ngayon sa Hospital kung saan namin isinugod si Mikha at si Colet kasama nadin namin ang iba naming kaibigan sila Daddy at Mommy si Mama at Papa katulad ko ay kanina padin umiiyak si ate Aiah dahil sa nangyari kay Mikha.
FLASHBACK ! ! !
Habang hinihintay namin ang ibang kasamahan pulis nila Mikha ay lumayo na muna kami kung saang bahay pumasok ang sasakyan ni General pumwesto kami sa layo pero tanaw namin ang gate. Halos kalahating oras nadin kami dito, ayaw din kase pumayag ni Jared na dalawa lang sila papasok kanina pa nga sila nagtatalo dahil don.
Mikha: "Kalahating oras na tayo nakatanga, papasok nako basta pasunurin mo nalang yung back up sa loob."
Jared: "Hindi nga safe buddy."
"Sasama ako. Please, gusto ko makatulong gusto ko din iligtas si Colet."
Jared: "Masyadong delikado sa loob Jho."
"Hayaan niyo na ako please, sasama ako." Napakamot na lamang sa kilay itong si Jared dahil sa katigasan ng ulo namin ni Mikha.
Wala nading nagawa si Jared ng bumaba kami parehas ni Mikha ng sasakyan agad nadin siyang bumaba lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay inilapat nito sa aking palad ang isang kargadong baril.
Jared: "Gamitin mo yan, para may proteksyon ka."
Kahit kinakabahan ay tumango ako ngayon lang kase ako nakahawak ng totoong baril.
Mikha: "Jho sa akin ka sumama, sa likod kami dadaan buddy."
Jared: "Maghihiwa hiwalay paba tayo? Wag na ay! Sama sama tayong papasok."
Mikha: "Okay sige tara na." Aya nito sa amin ni Jared.
Sobrang dilim na ng paligid kaya diko na halos makita ang dinadaanan namin sobrang luwang at haba din pala ng bahay na tinutuluyan nila Maxine mataas din ang bakod talagang hindi mo makikita ang loob kung hindi ka gagamit ng hagdan.
Mikha: "Balik tayo sa gate."
Jared: "Bakit?"
Mikha: "Napaka taas ng bakod di natin maaakyat yan saka walang daan sa likod." Sagot nito.
Kaya agad kaming bumalik sa sasakyan.
Mikha: "Jho papasok kami sa gate, hihintayin mo lang ang sensyas ko pagka pwede ka ng pumasok okay?" Tumango na lamang ako bilang sagot.
Kahit sobrang kabado ay sumunod ako sa dalawa, bahala na kung ano ang mangyari basta mailigtas si Colet, yon na lamang talaga ang dinadasal ko sa ngayon dahil ikamamatay kona kung mawawala nanaman sa amin si Colet.
BOY: "Ano yon?" Tanong nito sa dalawa.
Hindi na sumagot si Mikha ng bigla na lamang hampasin sa ulo ng baril ni Jared kaya agad na nawalan ng malay kita kong sumenyas na si Mikha kaya agad na akong sumunod sa dalawa para pumasok sa loob.
Isa lamang ang bantay dito sa harap bumungad sa amin ang napaka laking bahay na sarado na lahat ang bintana at pinto.
Jared: "Dito ako, dyan na kayo."
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)