Jhoanna' Pov
3pm na ng makauwi kami ng bahay, ang tagal din ng inabot namin sa Doctor ni Colet, dumaan kase kami don after namin sunduin sa school ang dalawa.
Apat na buwan nadin ang lumipas nung makasama ulit namin si Colet, walang mapaglagyan ang saya nung kambal lalo na ako dahil kumpleto na ulit kami.Mabuti at sanay nadin sa amin si Colet, pinapacheck up ko din siya every month ang dalas kaseng sumakit ng ulo niya kaya galing kami kanina sa doctor niya dahil check up niya kaso malabo na daw mabalik ang ala-ala ni Colet 30% percent nalang ang chance nakakalungkot kase kahit siya mismo ay gusto niyang maalala ang mga memories namin.
Kung kaya ko lang ibalik lahat ng iyon ay gagawin ko.
Colet: "Love ayos ka lang?" Gulat akong napatingin sakanya kinalabit niya kase ako.
"Oo naman may iniisip lang, yung mga bata?"
Colet: "Binuhat kona papunta sa kwarto parehas nakatulog, sure kabang ayos ka lang? Ano ba yung iniisip mo?" Nag aalalang tanong niya.
Bumaba ako ng sasakyan at saka humarap sakanya.
"Okay lang ako love, wag kana magalala. Halika na pumasok sa loob."
Ngumiti na lamang siya sakin at hinawakan ang kamay ko papasok sa loob ng bahay. Kahit ako ay napangiti dahil sa loob ng apat na buwan ay sumigla ulit ang bahay, umingay hindi na matatahimik lalo na pag naglalaro ang kambal at ang Dada nila kahit walang naaalala si Colet about sa pinagsamahan namin noon nararamdaman kong totoo siya sa akin ngayon kita kong mahal niya ako lalo na ang kambal.
Lalo siyang naging clingy, clingy naman siya noon pero sumobra ngayon hindi naman yung sobra na nakakainis na ganon, clingy na nakakakilig. Ewan koba parang bumalik kami sa college yon ang pakiramdam ko ngayon kahit may anak na kami.
Last month nakabalik na din siya sa presinto, iniisip niyo bakit nagpalipas pa ng dalawang buwan bago siya bumalik sa serbisyo siya ang may gusto non gusto daw muna niya na makapag focus sa amin bumawi kase hello ang tagal kaya ng tatlong taon na wala siya sa amin kung ako nga ang magdedesisyon ay ayoko na siyang bumalik sa trabaho dahil na trauma nako.
Colet: "Love gusto moba magpahinga na muna? Ako nalang magpe-prepare ng dinner natin mamaya. Ano gusto mo?"
"Tayong dalawa ang magluluto, hindi naman ako pagod eh. Ikaw nga dapat ang magpahinga dahil ikaw ang drive ng drive." Sagot ko.
Ako kase ang nagluluto ng dinner at siya naman ang breakfast dahil maaga siya nagigising, hindi ko nga namamalayan na wala na siya sa tabi ko pagka napunta ko ng kusina nakahanda na baon nung kambal kakain nalang kaming apat.
Colet: "Nga pala love, napapansin ko na parang hindi na okay ang salamin ni Riley nakasubsob nanaman siya sa libro niya pag nagbabasa." Saad niya.
May problema kase sa mata ang isa sa kambal, napansin ko yon nung mag 3 years old si Riley.
"Papatingnan ko siya bukas after ng school niya, baka kailangan na palitan ang salamin niya."
Lumapit ako sakanya saka yumakap nakaupo kami ngayon sa sofa.
________________//
Pauwi na kami ngayon kasama ko ang kambal si Riley lang dapat ang kasama ko kaso nagpumilit sumama si Joey, pinatingan kona kase ngayon ang mata ni Riley pinapalitan kona din ang salamin niya dahil tumaas ang grado ng kanyang mata kaya nahihirapan na ulit siyang magbasa gamit yung dati niyang salamin kaya ngayon malinaw na ulit makakapag basa na ulit siya ng maayos, alam niyo naman si Riley sobrang hilig magbasa.
Gusto nga sana sumama ni Colet ngayon kaso madami silang kailangan tapusin sa presinto kaya ako nalang ang nagdala kay Riley.
Riley: "Mommy si Ninang Maloi po." Saad niya sabay turo kung nasaan si ate Maloi.
Kasama niya ang panganay niyang anak na si Abby, agad kong inakay ang kambal papunta kay ate Maloi nang makita kami nito papalapit ay agad napangiti sa amin.
Maloi: "Hello Jho, hello cutie kambal." Nakangiting bati niya sa amin ng makalapit kami.
Abby: "Hi Riley and Joey."
Joey: "Hello ate Abby, hello din po Ninang." Yumakap pa ito kay ate Maloi.
Riley: "Hi." Mahikling bati naman nitong isa.
Ganyan lang talaga siya lahat ng ninong at ninang nila ni Joey ay sanay na sakanya.
"Kamusta ate? May bibilin ba kayo dito?"
Maloi: "Ayos lang ito magandang nanay padin. Sasamahan ko lang itong si Abby na bumili ng gagamitin niya para sa laban niya ng poster making. Kayo anong ginagawa niyo dito?" Tanong nito sakin.
"Pinapalitan ko ate yung salamin ni Riley, tumataas grado eh."
Maloi: "Hindi talaga ako magdadalawang isip kung anak mo yan, bata palang malabo na mata manang mana sayo." Natatawang sambit nito.
Naisip ko nga din yon, nakakahawa ba yung ganon?
"Sakin talaga nagmana yan ate, yung pagiging tahimik kay Colet." Sagot ko.
Maloi: "Minsan magsama sama naman tayo para makapag bonding ulit kasama mga bata. Nakakainip din maghapon sa bahay eh, ito naman kasing si Jared ayaw akong pagtrabahuhin."
"Mag chat tayo ate sa gc para naman mabulabog ang iba nating kaibigan. Parehas lang tayo ate kahit si Daddy ayaw nako pabalikin sa kompanya pagka nalang dina nila kaya ihandle kaya wala na akong nagawa." Sagot ko napalingon naman ako agad kay Riley ng kalabitin ako nito.
Alam ko nayan ibig sabihin ay umuwi na, ganyan yan pag naiinip na gustong gusto na nasa bahay lang.
"Nangangalabit na itong isa ate, mauna na kami. Ingat kayo ate, bye Abby."
Joey: "Bye po Ninang, bye din po ate Abby."
Maloi: "Bye, ingat din kayo ah?" Humalik pa sa akin si ate Maloi pati nadin sa kambal.
Pinisil ko ang pisngi ni Abby bago umalis sa pwesto, Ang cute cute kase ng anak ni ate Maloi nayon kamukhang kamukha niya.
Pag labas namin ng Mall ay saktong natanaw na namin agad si Mang Albert kaya agad ng tumakbo papunta don si Joey samantalang si Riley ay ito kasabay ko lamang naglalakad.
Napangiti na lamang akong tumingin kay Riley sabay lipat kay Joey na tumatakbo papuntang sasakyan ang bilis kase ng panahon dati ay inaalalayan ko lamang silang dalawa maglakad ngayon ay nakakatakbo na mga ilang taon lang meron na ako dalawang magandang dalaga.
_____________________2017
Bawi ako next week? Ewan ko HAHAHAHAHAHAH
Basta babawi ako, thankyou sa pag wait. Mwaaa 😘 😘 😘Magiingat po lahat🫶
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)