KABANATA LXXXV

325 14 5
                                    

Jhoanna' Pov





Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan para pumunta sa lugar na sinasabi ni Colet tinawagan kona din si Mikha at Jared para masabihan mabuti nalang at magkasama sila ngayon kaya sabay na silang pupunta, doon na kami magkikita kita.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng takot at kaba, baka kung ano ang gawin nila kay Colet lalo na ang Daddy ni Maxine, hinding hindi ko talaga papalampasin kung sakaling saktan nila si Colet.


Mabuti at naisipan niyang tumawag sa akin, kanina padin kase ako talaga nagaalala sakanya ng sabihin niyang kakausapin niya si Maxine kaya hinihintay ko din talaga ang tawag or text niya.


Papasok na sana ako sa village ng bigla akong harangin ng dalawang guard.


Guard 1: "Ma'am wait po, wala pong sticker ng Village ang sasakyan ninyo. Mayron poba kayong I'd dito?" Tanong nito sakin na kinataka ko, ano kayang sticker ang sinasabi niya.



"Anong pong I'd? Valid I'd poba?



Guard 1: "Hindi po ma'am, I'd po mismo dito sa Village kailangan po namin iyon makita bago kayo papasukin." Ngayon pa talaga to nangyari kailangan na ni Colet ng tulong.


"Sir please papasukin niyo na ako, nasa loob ng Village na'to ang asawa ko at kailangan niya ng tulong."



Guard 2: "Nako ma'am mahigpit pong pinagbabawal na basta basta magpapasok dito, pasensya napo." Napabagsak na lamang ang balikat ko.


Inatras kona muna ang aking sasakyan saka dinail ang number ni Mikha, isang malakas busina mula sa likod ang aking narinig kaya mabilis kong nilingon ito na pala yung dalawa kaya pinatay kona din ang tawag at nagmamadaling bumaba ng sasakyan bumaba nadin ang dalawa saka nito ako sinalubong.




"Ayaw akong papasukin, hinahanapan ako ng I'd." Bungad ko ng makalapit sakanila.



Jared: "Kami na ang kakausap, iwan mona muna ang  sasakyan mo dito, samin kana sumakay."



Mikha: "Ano na lagay ni Colet? Tumawag ba siya ulit sayo?"


"Hindi na bigla nalang namatay yung tawag kanina nung may narinig akong lalaking nagsalita. Natatakot ako Mikha baka kung ano na ginawa nila kay Colet kaya puntahan na natin."


Jared: "Wag ka mag alala Jho, kukunin natin si Colet babawiin natin siya pumasok na tayo."




Sumakay na ako sa sakay nilang kotse at ganon din ang dalawa si Jared ang driver namin ngayon parehas silang nasa harap at ako naman dito sa likod, pinaandar nadin ni Jared ang sasakyan pero humarang ulit yung dalawang guard kaya agad na bumaba yung dalawa.



Guard 1: "Ay ma'am sir kayo po pala." Nakangiting saad nito, nakauniporme padin kase ang dalawa kaya nalaman agad ng guard na pulis ang kaharap niya.


Guard 2: "Papasok poba kayo?"


Jared: "Oo sana sir may kailangan kaming asikasuhin sa loob."


Guard 1: "Pirma napo muna kayo dito Sir Ma'am, palagyan nalang po ng date at oras."



Pati ako ay bumaba nadin dahil kailangan ko din pumirma, halos gulo gulo ang sulat ko dahil sa panginginig sobra nadin kase talaga ang kaba ko imbes na nakapasok na kami kanina pa naharang pa naubos na oras namin dito sa entrance baka sinaktan na nila si Colet.


Nang makapirma kaming tatlo ay agad na sumakay ng sasakyan para makapasok sa loob sinabihan nadin ako ni Mikha na tawagan ng tawagan si Colet ilang beses kona sinubukan pero hindi niya talaga sinasagot kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi namin alam kung saang parte ng Village na'to makikita si Colet dahil napaka laki ng Village na'to at madami ding pasikot sikot.




Mikha: "Ayaw padin ba sagutin?"



"Ayaw, wala padin ba kayong napapansin na tao?" Agad na umiling si Mikha.


Sabagay kahit ako ay wala ding napapansin na tao sa labas madilim nadin kase.


Jared: "Sasakyan to ni General diba?"



Mikha: "Oo yan nga yon. Wag mo muna lapitan, kilala niya ang sasakyan ko, baka mabisto pa tayo. Hindi moba narinig kung naka sasakyan si Colet?"



"Feeling ko tumatakbo siya kase hingal na hingal ang boses niya kanina. Pano ang gagawin natin?"



Jared: "Dito kana muna Jho kami na muna ni Mikha ang lalabas."



"Sasama ako."


Mikha: "Oo pero ngayon wag na muna dyan kalang muna sa sasakyan lalapitan na muna namin yung sasakyan ni General." Wala nadin akong nagawa kundi tingnan sila papalayo habang papunta sa sasakyan na sinasabi nila.



Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon, kahit kailan hindi magiging panatag ang isip at puso ko pag alam kong hawak ni Maxine si Colet. Napaka desperada niya talaga, di siya marunong lumaban ng patas napaka dumi niyang makipag laro at makipag laban.


Nawala ako sa pagiisip ng biglang bumukas ang sasakyan, diko namalayan na nakabalik na ang dalawa.


Mikha: "Walang tao sa sasakyan ni General. Saka ito Jho yung cellphone ni Colet nailaglag niya siguro. Sa tingin ko tumatakbo si Colet ngayon baka hinahabol siya ng mga tauhan ni General."



"Pa...panong gagawin natin? Si Co....colet kailangan niya tayo, kailangan ni...niya tulong natin." Nauutal na saad ko.



Jared: "Umpisahan na nating ikutin ang village pagmasdan natin bawat nadadaanan." Binuksan na nito ang makina ng bigla siyang pigilan ni Mikha.



Mikha: "Teka muna, si General oh."



Sabay kaming napalingon ni Jared sa tinutukoy ni Mikha, si General nga lumingon pa ito sa sakay naming sasakyan bago sumakay ng fortuner mabuti nalang at tinted itong sasakyan na dala nung dalawa kaya hindi kami makilala lalo na yung dalawa.



Jared: "Sundan natin."



Mikha: "Oo pero hayaan mo muna makalayo ng onti at baka makahalata."



Nang umandar ang sasakyan na tinitingnan namin hinayaan lang muna namin makalayo ng onti ay sinundan nadin ni Jared, pero wala pang dalawang minuto ay agad huminto ang sasakyan ni General kaya pati kami ay huminto nadin.


Kita naming tatlo na bumukas ang malaking gate saka pumasok ang sakay ni General na fortuner.




Mikha: "Tumawag ka buddy ng back up kailangan nating pasukin yan."



Jared: "Tumawag nako buddy at ang sabi ni Chief magpapadala daw siya sakanya na kase ako tumawag. Hintayin natin sila buddy."



Mikha: "Pasukin na natin baka kung ano na ginagawa nila kay Colet."


Yon din ang nasa isip ko, baka sinasaktan na nila si Colet.



Jared: "Buddy hindi pwede hintayin natin ang mga kasamahan natin, hindi pwedeng tayo lang ang papasok hindi natin alam kung sino makakasagupa natin don alam mo naman si General maraming tauhan baka sa gate palang bagsak na tayo."



Napa buga na lamang sa hangin si Mikha dahil sa sinabi ni Jared.



Jared: "Nag aalala din ako kay Colet syempre, pero kailangan natin magingat." Tugon pa nito.




May point naman si Jared hindi naman pwedeng basta basta nalang kami pumasok lalo na't tatlo lang kami mahirap na baka nga madaming bantay imbes na makuha namin si Colet eh baka kami pa ang makuha ng mga tauhan ni General.














______________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon