Jhoanna' Pov
Napa titig na lamang ako sa isang maliit na bagay na tatlong araw ko ng gustong gusto subukan. Hindi na ako nakatiis mabilis kong itong dinampot at nagmamadaling pumasok sa Cr para subukan naupo ako sa bowl at saka ko sinunod ang instructions na nakalagay, napakagat na lamang ako sa aking daliri habang hinihintay ang resulta.
"AHHHHHHH!!! Oh my god!" Sigaw ko ng makita ko ang resulta.
Colet: "Love? Bakit anong nangyari?" Sigaw nito mula sa labas ng Cr, nakailang katok nadin ito sa pinto.
"Wa...wala love. Ayos lang ako." Sagot ko.
Colet: "Buksan mo nga yung pinto ano ba nangyari? Bakit ka sumisigaw?" Binuksan ko ang pinto.
Agad na pumasok si Colet sa loob kaya mabilis kong tinago ang hawak hawak ko.
"May gagamba lang." Nakakunot ang noo niya tiningnan ang buong cr.
Colet: "Wala naman love, ano nangyari sayo sa loob?"
"Wala nga, excuse me." Saad ko saka lumabas ng Cr, nagtataka naman nakatingin sa akin ngayon si Colet.
Hindi padin mawala sa isip ko ang ginawa ko kanina sa loob, kaya pala ilang araw na akong nakakaramdam ng pagka hilo ang dalas ko din naduduwal.
Nag try kase ako ulit ng IVF na hindi alam ni Colet at pregnancy test ang sinubukan ko kanina sa Cr at positive ang resulta, diko alam gusto kong magka anak ulit kami ni Colet ginawa ko ito 2 months ago nung nag inom kami dito sa bahay that night ay nasobrahan ng lasing si Colet kaya kinuha kona ang pagkakataon na yon wala siyang idea non nagpatulong ako sa doctor na mismong tumulong samin para mabuo non ang kambal.
Desperada naba ako sa lagay na'to? Siguro hindi naman dahil mahal naman namin ang isa't isa saka sakanya naman to, hindi ko lang talaga pinaalam sakanya dahil gusto ko ulit na masurprise siya.
Colet: "Love sure kabang ayos ka lang?" Tumabi ito sa akin sa kama.
Mahigpit na yumakap sa akin at humalik sa noo.
"I'm fine love, wag kana magalala okay? Magpahinga kana at maaga kapa bukas."
Colet: "Tulog naba yung dalawa?"
"Kanina pa, bakit?"
Colet: "Gawa tayong baby." Pataas taas pa ang kilay niya akmang hahalik na ito sa akin ng pigilan ko ang mukha niya.
"Tigilan moko, kakaligo lang natin parehas. Pinagod mona ko kanina, masakit pa yung ano ko." Nakasimangot na saad ko.
Colet: "Ang damot naman." Nakasimangot din niyang saad.
Dahil ang cute niya mabilis kong hinalikan ang kanyang labi nagtagal ng ilang segundo ako nadin ang lumayo gumagalaw na kamay niya eh, alam kona kung saan papunta yung ganong galaw, pinagbigyan kona siya kanina actually ako pa nga ang nanlandi sakanya kaya hops na magtiis siya kung nabitin siya.
"Goodnight love." Humalik ako sa pisngi niya at saka umayos ng higa sa kama.
Colet: "Love naman eh."
"Matulog na Nicolette." Tinalikuran kona siya at saka pumikit.
Hindi naman na siya umimik, ramdam ko din na umayos nadin ito ng higa sabay yakap sa akin.
Colet: "I love you, goodnight."
"I love you."
Pinikit kona ang mata ko para makaramdam nadin ng antok.
_______________________//
Tahimik lamang akong nakatanaw sa bintana isa isang tinitingnan ang mga nadadaanan namin, Sunday ngayon pauwi na kami after matapos ng misa ay kumain lang kami sa restaurant every sunday ganito ang gawain namin kasama namin sila Mama at Papa na nagsisimba pati nadin sila Mommy at Daddy hindi lang sila nakasama ngayon dahil meron daw silang aasikasuhin.
Tatlong araw nadin ang nakakaraan nung malaman kong buntis ako, kinabukasan non ay nagpacheck up ako para din makasiguro at positive din buntis ako 3 weeks hindi kopa din nasasabi kay Colet diko din kase siya makausap ng masinsinan dahil busy siya sa trabaho pag uwi pagod kaya after dinner naliligo na agad siya tas makakatulog na. Hinintay ko nalang talaga itong araw na'to dahil hindi siya busy pag ganitong araw na sa amin ang focus niya ngayon siguro pag dating nalang sa bahay, mahirap sabihin ngayon habang nagdadrive siya alam niyo naman si Colet baka kase mangyari yung katulad noon nung sinabi kong buntis ako nahimatay kaya sa bahay nalang.
Colet: "Ano ba iniisip mo? Parang ang lalim naman nyan." Napatingin ako sakanya.
"Inaantok lang ako love."
Colet: "Nagiging antukin kana ngayon love ah? Malapit na tayo sa bahay, wala kana bang gustong bilin?"
"Wala naman na, gusto ko lang matulog."
Colet: "Okay, malapit na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko sabay pisil.
Ako ay binalik kona ulit ang tingin ko sa labas, sinilip ko din muna ang kambal sa back seat tulog na tulog nanaman si Joey si Riley naman ay busy sa pagbabasa. Si Joey kase basta mahanginan ayan ang bilis makatulog, sobrang antukin.
After 20 minutes ay nakarating na kami sa bahay, bumaba na agad si Colet para buhatin si Joey si Riley din ay bumaba na humawak ito sa kamay ko at niyaya na ako papasok ng bahay.
Riley: "Don napo ako sa kwarto Mommy, inaantok din po ako."
"Okay baby, sige pasok kana sa kwarto." Humalik na muna ako sa noo niya bago ito naglakad papunta sa kwarto.
Pag pasok ni Riley sa kwarto ay siya namang pag labas ni Colet lumapit ito sa akin at naupo sa tabi ko.
Colet: "Diba inaantok ka? Lika na sa kwarto."
"Love may sasabihin ako sayo."
Colet: "Pinapakaba mo naman ako, ano yon love?" Humarap ito sa akin sabay hawak sa dalawa kong kamay.
"Buntis ako, 3 weeks na." Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin.
Colet: "Pa.....paano? IVF?" Tumango ako.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
Colet: "Bakit dimo ko sinabihan?"
"Gusto kita isurprise. Hindi kaba galit?" Tanong ko.
Colet: "Bakit naman ako magagalit, sa akin naman yan eh." Sagot niya, saka ako pinugpog ng halik sa buong mukha.
"Love....."
Colet: "Thankyou love, thankyou. Sana lalaki naman diba? Nasabi mona ba kila Daddy at Mommy? Kila Mama at Papa?" Sunod sunod na tanong niya.
Kitang kita ko ang tuwa sa dalawa niyang mata.
"Love chill lang, sayo ko palang sinabi."
Colet: "Nagpacheck up kana ba? Sabihan mo ako kung kailan ha? Para masamahan kita, saka wag ka magpapagod para dika mastress baka makasama kay Nico."
"Nico?"
Colet: "Yung baby natin dyan sa tummy mo pag lalaki Nico ang ipapangalan natin." Nakangiting sambit niya, pinisil ko ang magkabila niyang pisngi.
Ang cute niya talaga pagka excited, ganyan na ganyan siya nung buntis ako sa kambal pinagkaiba nga lang ngayon hindi siya nahimatay nung sinabi ko.
__________________________2017
Last 1 chapter guy's 🙁
![](https://img.wattpad.com/cover/372892221-288-k557890.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)