Jhoanna' Pov
Tatlong araw na ang lumipas simula nung mangyari ang gulo, pangatlong araw nadin ni Colet dito sa hospital kakagising lamang niya kahapon mabuti na lamang at walang ibang tinamaan na organ ang bala kaya madali itong natanggal samantalang si Mikha ay hanggang ngayon dipa din nagigising tatlong araw nading umiiyak si ate Aiah at naghihintay sa pag gising ni Mikha pero ang sabi naman ng Doctor ay maayos na daw ang lagay niya pero hindi padin mawala sa aming magkakaibigan lalo na kay ate Aiah ang kaba dahil di kami panatag hangga't hindi ito nagigising.
Tulad ni ate Aiah simula nung dalin namin sila dito sa Hospital ay diko iniwan si Colet palagi lamang akong nasa tabi niya dinadalan na lamang ako ni Mommy ng maisusuot at dito nadin ako naliligo.
Tungkol kay Maxine at sa Daddy niya nasa Hospital din hinihintay na maka recover para dalin sa sa kulungan para pagbayaran lahat ng masamang pinag gagawa nila. Madami ngang nagulat ng lumabas ang balita tungkol sa gulong kinasangkutan ng mag ama at isa isa nading naglabasan ang mga baho at kalokohan na pinag gagawa ni General tulad na lamang sa pag protekta nito sa mga illegal na gawain.
Kaya din madaming pulis dito sa hospital upang masiguro na hindi na makatakas ang mag ama, makukulong sila sa bilangguan pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Colet.
Sa ngayon ay nakangiti lamang akong pinagmamasdan si Colet habang nakatingin sa mga taong nandito ngayon sa kwarto para bisitahin siya sa ngayon ay nag aadjust pa siya dahil hindi pa gaanong bumabalik ang ala-ala niya isa pa iyon sa sinabi ng doctor sinadya siyang painumin ng gamot na nakakapag pawala ng ala-ala kaya mas lalong lumala nasabi din ng Doctor na nawala din ang ala-ala niya nung sa aksidente pero panandalian lang naman daw dapat iyon dahil nga sa pinapainom sakanya ay tumagal na wala siyang maalala kaya naiintindahan namin kung bakit nung una niya kaming nakita ay hindi niya kami kilala o matandaan manlang.
Nagpapasalamat nga ako at kahit wala siyang naaalala ay kami ang pinili niya, sa amin siya mas naniwala kaya sa amin siya sumama dahil iyon naman ang totoo at iyon ang tama kahit kailan hindi mananalo ang mali sa tama kahit anong panloloko at pagsisinungaling lalabas at lalabas ang totoo.
"Gusto mona bang kumain? Wala bang sumasakit sayo?" Tanong ko kay Colet.
Colet: "Wala naman, ikaw kumain kana ba? Sabay na tayo."
Agad na akong kumuha ng makakain luto ito ni Mama ang favorite ni Colet na Sinigang na sobrang as at madaming labanos, maganda din kase sakanya ang makahigop ng mainit na sabaw.
Colet: "Ma, Pa kayo po kumain napo kayo?" Parang naiilang na tanong nito siguro dahil sa ngayon ay dipa siya sanay.
Agad napangiti si Mama at Papa ngayon nalang din kase ulit nila narinig na tawagin sila ni Colet ng Mama at Papa.
Mama: "Kumain na kami anak."
Papa: "Sa bahay kami anak kumain, kumain na kayo lalo kana para makabawi ka agad ng lakas." Nakangiting saad ni Papa, ngumiti na lamang si Colet bilang sagot.
Colet: "Su...sure kabang susubuan mopa ako?"
"Oo naman, sige na at nangangawit na ako." Biro ko na kinatawa niya agad din naman niyang kinain ang nasa kutsara.
Colet: "Nasaan ang anak natin? Si Riley at Joey?"
"Nasa school pa yung kambal."
Colet: "Tanong ko lang, pa...paano natin sila naging anak? May ano....ahm....may nangyari sa atin?" Bago siya sagutin ay nilingon kona muna si Mama at Papa mabuti na lamang at mahina ang boses ni Colet kaya di naririnig.
"Merong nangyari sa atin, at kaya naman nagka anak ka sa akin dahil iyon sa IVF." Tumango tango naman siya.
Colet: "Pwede bang dito sila dumiretsyo pagka galing sa school? Gusto ko sila makita."
"Oo naman tatawagan ko si Manang Loren at Mang Albert para dito nila idiretsyo. By the way, yung bata na hinahatid mo sa school ano pangalan ulit non?"
Colet: "Missy." Mahikling sagot niya.
"Anak mo? Anak mo kay Maxine?" Agad siyang umiling.
Colet: "Nang magising ako mula sa pagkaka aksidente nandon na si Missy sinabi naman sa akin ni Maxine ang totoo about don na nabuntis siya hindi naman sa hindi siya pinanagutan nung lalaki ayaw lang talaga ng Daddy niya sa lalaki nayon."
Binaba kona ang aming pinagkainan sa table kasama ng iba pang pagkain at kumuha ng tubig saka ko iniabot kay Colet.
Colet: "Nakiusap siya sa akin na iparamdam ko na walang kulang na kahit wala ang totoo niyang Daddy ay nandon ako. Hindi naman ako tumanggi dahil mabait na bata si Missy saka wala talaga akong kaalam alam na ganon pala ang ginawa ni Maxine kaya ako napunta sakanya. Kaya pala ayaw na ayaw niyang umuwi dito sa Pilipinas nung mauwi kami dito ay ayaw niya akong palabasin, sa school lang ni Missy at sa bahay yon lamang ang pwede kong puntahan." Paliwanag pa nito saka uminom ng tubig.
"Alam mo buong akala talaga namin patay kana, tatlong taon akong nangulila sayo lalo na ang kambal palagi ka nilang hinahanap sa akin hindi ko sakanila sinabi ang totoo kahit wala pa silang gaanong naiintindahan nung mga panahon na yon dahil ayokong maramdaman nila na may kulang ayokong masaktan sila lalo na ikaw ang gustong gusto nila kahit ako palagi ang kasama nilang dalawa." Kwento ko, sabay pahid ng luha sa pisngi.
Everytime kase na napaguusapan yung nangyari nung time na yon hindi ko mapigilang umiyak hindi ko mapigilang malungkot dahil napaka hirap ng pinag daanan ko sa loob ng tatlong taon.
Colet: "Sorry sorry, tumahan kana. Hinding hindi na ako mawawala sainyo nila Riley at Joey mananatili na ako sayo sa tabi mo habang buhay." Nakangiting sagot niya saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ko sabay halik sa noo.
Agad akong napangiti dahil sobrang namiss ko ito, yung ganitong pakiramdam na ang gaan gaan, walang pangangamba at walang takot na nararamdaman dahil nandito na siya, nandito na ulit ang Dada naming tatlo.
"Sandali lang ah? Tatawagan ko lang si Manang para dito na idiretsyo yung kambal." Nakangiti itong tumango.
Tinawagan ko agad si Manang saka lumabas ng kwarto, saglit lang ay sinagot na din ni Manang ang tawag ko sinabi ko agad na dito sa hospital idiretsyo ang mga bata.
Pagka patay ng tawag ay may lumapit na dalawang pulis sa akin nakangiti itong lumapit sa akin kaya napangiti nadin ako.
Pulis 1: "Magandang araw ma'am, kamusta napo si Officer Vergara?" Tanong nung isa.
"Okay naman na siya, nagpapagaling nalang ng sugat bukas or sa isang araw makakalabas na siya."
Pulis 2: "Mabuti naman po, namimiss na siya ng presinto isa kase siya sa pinaka magaling na pulis dito sa lugar natin."
Pulis 1: "Oo naman silang tatlo nila Officer Lim at Officer Espinoza."
"Salamat, pero sa ngayon baka mag adjust pa siya dahil sa ngayon binabalik palang niya ang ala-ala niya. Gusto niyo ba siya makita halika kayo dito pasok kayo sa loob."
Pulis 2: "Nako wag napo nakakahiya, hintayin nalang po namin siya makabalik sa presinto kinamusta lang namin siya. Dito napo kami." Pagpapaalam niya yung isa ay ngumiti na lamang sa akin at sumunod nading umalis.
Nakangiti akong bumalik sa loob ng kwarto, ang sarap sa pakiramdam na madaming nakaka appreciate sa mga ginagawa niya bilang pulis na madaming namamangha sa galing niya nilang tatlo, biruin mo kahit malakas mang asar iyong tatlo ay talagang seryoso sila sa pag nasa trabaho.
_________________2017
Siguro mga 5 or 6 chapters nalang guy's malapit na tayo ending.
Anong ending ba bet niyo?
Happy ending or Sad ending?
Thankyou sa mga nagbabasa at nagvo-vote, I love you🥺🤗
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)