KABANATA XCII

195 17 3
                                    

Colet' Pov




Hindi padin ako mapakali habang tinitingnan ang sarili sa harap ng salamin. Kahit wala namang mali o magulo sa suot ko ay paulit ulit kong inaayos ganito ata talaga ako pag kinakabahan.


After ko kase malaman na buntis si Jhoanna napagpasyahan ko na mag propose ulit sakanya, balak kona ito noon pa gusto ko kaseng maulit dahil nga diko naman na matandaan ang pangyayari nung kinasal kami dahil wala ng kahit isa na bumalik sa ala ala ko kaya gusto ko ulit maexperience na ikasal sakanya para makagawa pa ng bago at masasayang memories.




Syempre bago ko ito gawin ay nagpaalam na muna ako kay Daddy at Mommy natuwa naman sila at ang sabi pa ay bakit daw nagpapaalam pa ako kahit daw hindi na dahil malaki ang tiwala nila sa akin, nakakatuwa na marinig yung mga ganong compliment nakakataba ng puso.




Lumabas na ako ng kwarto bumungad sa akin ang sariwang hangin at magandang tanawin rinig ko din ang hampas ng alon sa dagat tanaw kona din ang mahigit dalawang oras naming inayos nila Gwen, Lance, Jared at Mikha actually hindi pala namin inayos nanuod lang pala kaming apat nagpagawa ako ng 'will you marry me' sa buhangin alam niyo yung ganon sa Boracay? Dito ko kase naisip na mag propose sa magandang beach dito sa batangas 3 days kami dito kasama din ang mga anak namin pati parents.


Wala ngang kaalam alam si Jhoanna na plano ko mag propose, lahat ng mga kaibigan ko parents namin ay alam siya lang mismo ang walang idea kahit yung kambal ay sinabihan ko nadin.


Mikha: "Ready na ang mga lights, naayos na nila Kuya."

Lance: "Bon fire na muna kaya? Parang kabado pa itong magpopropose eh." Biro niya.


Jared: "Pre alam mo naman yan, sa ganitong bagay kabado pero magpaputok ng baril taas noo pa." Sabay sabay silang nagtawanan.


"Nasaan si Jho?"


Mikha: "Kasama nila Aiah sa kwarto, maya maya lalabas nadin yon. Ready naba mga sasabihin mo?"


"Oo ready na. Eh yung mga bata?"



Jared: "Nandon din, tara na don. Medyo madilim na baka di makita ni Jho yung will you marry me at malabo mata non." Sabay sabay naman kaming nagtawanan.


Oo nga medyo madilim na malabo ang mata non baka nga di niya mabasa, pumunta na kami sa pwesto kahit kasama akong nag ayos ay gandang ganda padin ako diko naman magagawa to kung ako lang mag isa.


Mikha: "Try kong buksan ilaw ah."

Lumiwanag sa aming pwesto kitang kita din ang pinagawa kong 'will you marry me' dahil may apat na nakatutok na ilaw kaya sure ako mababasa niya to pag binuksan mamaya ang ilaw.


"Sobrang ganda." Saad ko, dahil ang ganda naman kase talaga ng ginawa naming ayos.


Jared: "Ayos pala eh mababasa pala ni Jho yan ang liwanag ng ilaw."


Mikha: "Be ready, papunta na sila dito." Saad niya, pinatay na muna niya ang ilaw.


Mas lalo pang kumabog ang dibdib ko sa kaba ng makita ko si Jhoanna, para akong mabibingi sa lakas ng tibok ng puso para kong aatakihin ah. Kitang kong gumalaw ang mata niya siguro ay hinahanap niya ako, nandito na kase ako sa tapat ng inayos namin sa gitna ng isang malaking puso na gawa sa maliit na ilaw.

Dahil madilim na hindi niya ako makikita, kaya ko siya nakikita dahil sa apoy na ginawa nila Lance kanina.


Sila Maloi, Stacey, Aiah at Sheena ay lumapit na sa kanilang mga asawa habang si Jhoanna ay naiwan kasama ang kambal.



Jhoanna: "Nasaan si Colet?"


Kita ko namang napatingin sa akin si Mikha, kaya tinanguan kona siya para mabuksan ang ilaw.


Nanlaki na lamang ang mata niya ng biglang lumiwanag, nagtatatalon naman ang kambal dahil sa tuwa gandang ganda ito sa nakita nila napangiti nalang ako ng magtama ang mata namin ni Jhoanna, ewan ko para akong maiiyak dipa naman to kasalan pero pakiramdam ko ay napaka swerte ko at meron akong isang katulad niya na sakin napunta ang nagiisang Jhoanna Robles.



Iniabot sa akin ni Jared ang mic, diba ready ang mga kaibigan ko napaka supportive talaga nila. Nandito nadin ang mga parents namin si Mama at Papa. Grabe naman tong kaba ko ayaw mag patalo, pag talaga hindi nag yes si Jhoanna magpapaka lunod ako sa dagat.


Kinuha ko ang bulaklak at saka iniabot kay Jhoanna saka ko siya niyaya papunta sa pwesto ko kanina.


Jhoanna: "Nakakainis ka." Saad niya sabay hampas sa akin nagtawanan naman ang mga nanunuod.




"Alam ko naman na nagawa kona ito sayo noon, kaso nga lang hindi ko maalala kaya ito gusto ko ulit maexperience. Sa kabila ng lahat ng hindi magandang nangyari nanatili ka sa tabi ko, yung mga panahon na nasasaktan ka dahil sa akin hindi kapa din umalis sa tabi ko, hindi mo ako sinukuan."

Nakangiti lamang na nakatingin sa akin ngayon ang aking magandang asawa, nagumpisa nadin mamuo ang mga luha nito sa mata.


"Ngayon gusto kong iparamdam sayo na hindi na ako mawawala, na hindi na ako malalayo sayo mananatili ako sa tabi mo sa tabi ni Riley at Joey at syempre sa tabi din ni Baby." Tugon ko, at saglit kopang hinawakan ang tiyan ng aking asawa.



Halata naman sa mukha na gulat na gulat ang mga kaibigan ko lalo na ang parents namin ni Jhoanna dahil sa sinabi ko, napagusapan kase namin ni Jhoanna na isurprise sila Mama at Papa pati sila Daddy at Mommy since andito naman na lahat ayon na sinabi kona kaya ayon nagtatatalon ang parents namin.




Maloi: "Oh my god!!!" Sigaw niya.




"Araw araw ko kayong mamahalin at poprotektahan. Ikaw lang ang gugustuhin ko habang buhay." Nagbagsakan na mga luha niya sa mata.

Iniharap kona din siya sa word na 'will you marry me' at ako ay lumuhod na kahit nanginginig ay mahigpit kong hinawakan ang box ng sing sing baka kase mawala mahirap hanapin sa buhangin to.




"Jhoanna Robles Vergara be my wife forever, will you marry me? Again?" Binuksan ko ang maliit na box at kinuha ang singsing nanatili padin akong nakaluhod sa harap niya.




Maloi: "Nakakakilig naman kayong dalawa jusko!!!!"



Sheena: "Be tama na iyak!!!" Halos diko na maintindihan ang ibang sinisigaw ng mga kaibigan ko sabay sabay kase tapos may mga pumapalakpak pa.



Jhoanna: "Ofcourse yes, papakasalan kita kahit ilang beses payan." Sagot niya kaya napatayo agad ako.


Lalong lumakas ang sigawan ng mga kaibigan namin kahit pati ang parents namin ay sumisigaw din.


All: "CONGRATS!!!!"


Jhoanna: "Palagi mo nalang ako pinapaiyak sa surprise mo." Saad niya ng maisuot ko sakanya ang singsing.


"Mahal na mahal na mahal kita Jhoanna." Sambit ko at dahan dahan hinalikan ang kanyang malambot na labi.

Jhoanna: "Mas mahal na mahal kita." Sagot niya ng maghiwalay ang labi namin.





Sa dami ng pinagdaanan ko yung sakit at lungkot nung time nayon ay diko naisip na kaya ko palang malampasan siguro kaya ko napagdaanan yung ganong klase ng sakit dahil may ganito kasayang kapalit.


Wala naman na akong ibang hihilingin pa, palagay ko'y kumpleto na ako alam ko sa sarili ko simula nung mahalin ko ng buo si Jhoanna ay alam kona sa sarili ko na kumpleto na ako mas kumpleto pa ngayon dahil isa na kaming pamilya.



Siya ang kambal at ang magiging anak pa namin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.










THE END......

___________________2017

NATAPOS DIN, FINALLY!!!!

THANKYOU PO SA LAHAT NG NAGBABASA, AT NAGHIHINTAY PALAGI NG UPDATE🤗

ANOTHER JHOANNA AND COLET STORY???

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon