Colet' Pov
Apat na araw din ang tinagal ko sa hospital at ngayon ay nasa sasakyan na kami pauwi sa bahay namin ni Jhoanna si Joey ay mahimbing na natutulog habang nakayakap sakanyang Mommy at si Riley naman ay katabi ko busy sa pagbabasa ng libro.
Medyo nagaadjust padin ako dahil wala akong gaanong maalala pa tungkol sakanila pero alam ko naman na nasa maayos na akong sitwasyon kaya wala na akong nararamdaman na pangangamba.
Hindi kona din inalam pa kung ano na ang nangyari kay Maxine, kase hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na kaya niya akong barilin na kaya niya akong patayin gamit ang sarili niyang kamay masyado siyang naging makasarili dahil sa pagiging makasarili niya nakakagawa siya ng hindi maganda.
Kahit may galit ako ay nakaramdam padin ako ng lungkot madami din kaming napagdaanan ni Maxine sa loob ng tatlong taon naging masaya din naman ako habang kasama siya at si Missy. Mayron din namang kabutihan kay Maxine at nakita ko yon nung magkakasama kami sa US pero nagbabago padin pala talaga ang isang tao pag nasasaktan yon na lamang iniisip ko ngayon na kaya niya nagawa ang lahat dahil gusto lamang niyang maging masaya at magkaroon ng buong pamilya.
Pero kahit anong tago at iwas mo sa katotohanan lalabas at lalabas iyon.
Pumasok kami ang sasakyan namin sa gate at tanaw ko isang napaka gandang bahay ito na kaya yung sinasabi ni Jhoanna na bahay namin? Na mismong ako ang nagpagawa?
Nung nakwento sa akin iyon ni Jhoanna ay takang taka ako hindi ko kase maisip kung saan ko kinuha ang pera para makapag pagawa ng ganyang kalaking bahay.
Jhoanna: "Love lika napo." Aya nito sa akin ng makababa ito ng sasakyan.
Nagising na din si Joey kaya bumaba nadin ito pati nadin si Riley bitbit padin ang kanyang libro na kanina pa binabasa sobrang tahimik ng isang to magkaiba sila ni Joey dahil si Joey ang dami palaging energy sobrang daldal din.
Bumaba na din ako ng sasakyan, napangiti ako ng hawakan ni Riley ang aking kamay at inaya papasok ng bahay.
Joey: "Mommy matutulog napo muna ako sa kwarto."
Jhoanna: "Okay baby, gigisingin nalang kita before 4pm." Nakangiting sagot niya sa kanyang anak.
Anak namin pala.
Jhoanna: "Ikaw love? Magpahinga kana muna sa kwarto."
Colet: "Dito na muna ako sa sala, dito na muna tayo. Ikaw dapat ang nagpapahinga panigurado wala kapang sapat na tulog." Lumapit ako sakanya saka ito niyakap ng mahigpit.
Hindi ko alam kung bakit, bigla nalang gumalaw ang paa ko papunta sakanya saka yung kamay bigla nalang yumakap.
Riley: "Dada Mommy, I'm sleepy din po." Sabay naming nilingon ang aming anak.
Jhoanna: "Go na baby, tumabi kana kay Joey gigisingin ko nalang kayo okay?" Tumango na lamang ito at naglakad na papunta sa kwarto.
Ako ay nakayakap padin kay Jhoanna, ang sarap niya yakapin ngayon kolang nalaman.
"Saan ang kwarto natin?"
Jhoanna: "Ayon, gusto moba mahiga?" Tinuro pa nito ang pinto na katabi ng kwarto na pinasukan nung kambal.
"Ikaw ang magpahinga sobra sobra na pahinga ko sa hospital."
Jhoanna: "Kulang pa yon, hindi kapa totally magaling pwede pang bumuka ang tahi dyan sa katawan mo." Sermon niya na bahagya kong kinatawa.
Matanong ko lang guy's sino ba ang malambing saming dalawa?
Ako o siya?
"Magaling naman yung nurse ko kaya mabilis na gagaling to." Tukoy ko sa dalawang tama ng bala sa katawan ko.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin saka ito tumingin sa mata ko na nakataas ang isang kilay.
"Ba...bakit?" Takang tanong ko.
Jhoanna: "Sinong nurse? Yung nagaasikaso sayo don sa hospital? Yung babaeng kung makatingin sayo para kang hinuhubaran?" Natawa na lamang ako sa mga tanong niya.
Sino ba yung tinutukoy niya, eh alam kong nagaasikaso sakin puro siya kaya siya ang nurse ko.
"Ikaw ang nurse na tinutukoy ko hahahaha, diba ikaw ang nagaasikaso sakin habang nandon ako?" Natatawang saad ko, inirapan lang ako nito saka naglakad papunta sa sofa.
Nakangiti akong sinundan siya ng tingin, selosa naman pala itong asawa ko.
Bago maupo sa sofa ay tinanggal na muna niya ang suot niyang jacket. Lumapit ako sakanya at naupo din sa tabi niya.
"Ang selosa mo naman, gusto moba pakasalan pa ulit kita para masigurado mong sayo lang ako?"
Jhoanna: "Hindi ako selosa." Umikot nanaman ang mata niya lumayo din siya ng onti sa akin.
Lumapit ako sakanya saka siya mahigpit na niyakap, hinalikan ko din ng paulit paulit ang kanyang noo.
"Sayo lang ako, ikaw ang nurse na makakapag pagaling sakin walang iba." Nakangiting saad ko, pansin ko ang pamumula ng pisngi niya.
Hindi na nawala sa labi ko ang ngiti, ang cute niya.
"Kinikilig ka." Biro ko.
Jhoanna: "No, I'm not!"
"Yes!" Pang aasar ko.
Jhoanna: "Noooo!!!" Natawa na lamang ako.
Niyakayap kopa siya ng mahigpit, at marahan na hinalikan ulit ang noo.
Gusto kong maramdaman niya na hindi na ulit ako mawawala, gusto kong alisin yung takot at pangangamba sakanya dulot nung pagkawala ko sakanya sa loob ng tatlong taon.
Wala man akong maalala sa nakaraan namin sa kung anong pinagdaanan namin pakiramdam ko ngayon ay masaya ako na kasama siya na masaya ako na siya ang pinaniwalaan ko.
Habang nasa hospital hindi ko mapigilang magisip kung ano ang nangyari bago ako maaksidente pero sakit lamang ng ulo ang inaabot ko. Gusto ko kaseng maalala kung gaano ko kamahal noon si Jhoanna, kung gaano ako kasaya habang siya ang kasama ko.
Nawala ako sa pagiisip ng maramdaman kong nakatulog na si Jhoanna habang yakap yakap ko, malamang ay dahil sa pagod siya kase ang nagalaga sa akin sa hospital ng ilang araw kaya sigurado akong Wala talaga siyang pahinga kaya wala din siyang halos tulog.
Dahan dahan ko siyang iniayos ng higa sa sofa, kinumot kona din muna sakanya yung hinubad niyang jacket kanina.
Tumayo ako agad kong natanaw ang mga litrato na naka display at yung iba ang nakasabit sa ding ding.
Mga picture nung kambal simula baby hanggang ngayon, picture nung kasal namin ni Jhoanna. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ang sarili ko halata sa picture na diko alam na may kumukuha sa akin ng litrato at parang college pa ata ako nito dahil nakauniform pa ako dito.
Napatitig ako sa picture kasama ang mga sinasabi ni Jhoanna na kaibigan namin lahat kami ay nakangiti halatang napaka saya ng samahan, kaya napangiti ako. Ano kaya ang mangyayari kung sakaling hindi ako naaksidente.
Siguro hindi ako nangangapa ngayon, siguro hindi ako nahihirapang alalahin silang lahat.
________________2017
Sure ba kayong hahabaan kopa? HAHAHAHAHAHHAHA
THANKYOU GUY'S, MWAA 😘😘😘
Keep safe guy's sobrang lakas ng hangin at ulan.
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)