Colet/Claine' Pov
Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay na tinutuluyan namin ngayon ni Maxine, napatigil ako sa pag hakbang ng makita ko si Maxine sa kusina na umiinom ng tubig nakatalikod ito sakin kaya hindi niya napansin ang pag pasok ko.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na isa palang pulis ang tatay mo, bakit dimo sinabi na isa akong pulis? Magsabi ka nga sa akin ng totoo Maxine." Nagulat pa ito ng bigla akong nagsalita pero mas nagulat ito sa mga tanong ko.
Maxine: "Love saan ka galing?" Nakangiting sagot nito, ni hindi manlang niya sinagot ang tanong ko.
"Sagutin mo yung tanong ko Maxine, kasinungalingan ba lahat ng sinabi mo sakin? Ikaw ba lahat ang nagplano nito!? Kung bakit tayo magkasama kung bakit muntikan na akong mamatay?" Tanong kopa ulit.
Maxine: "Love ilang beses ko bang sasabihin sayo na kami ang totoo mong pamilya? Na ako ang asawa mo at anak natin si Missy. Saan mo nanaman nakuha yang mga katanungan nayan? Kay Jhoanna nanaman? Akala moba hindi ko alam na kaya ka tumatakas para lang makita sila na palagi mo silang pinupuntahan at tinitingnan ng palihim, araw araw kitang sinusundan." Gulat akong napatingin sakanya, akala ko ay busy siya sa trabaho.
Alam ko naman na magtataka na siya, pero diko alam na sinusundan na pala niya ko.
"Oo dahil nagdududa na ako sayo, gusto kong ako mismo makaalam kung ano ang totoo." Tumataas na ang boses ko dahil sa inis.
Bakit hindi pa siya umamin, bakit pinagpipilitan padin niya yung kasinungalingan na sinasabi niya.
"Babalik na ako sakanila, sila ang totoo kong pamilya si Jhoanna ang asawa ko hindi ikaw. Ang tagal mo akong niloko Maxine akala ko totoo lahat ng sinabi mo sakin, kinamuhian ko sarili kong pamilya na dapat ikaw pala ang kamuhian ko kase ikaw ang nagplano kung bakit muntikan na akong mamatay." Kita ko sakanya ang pamumula ng mukha malamang ay nakakaramdam nadin ito ng galit at inis tulad ko.
Maxine: "NO WAY!!! IIWAN MO AKO NG GANON GANON LANG? HINDI AKO PAPAYAG COLET."
Gulat akong marinig sakanya ang pangalan na iyon, sakanya na mismo lumabas na nagsisinungaling nga siya, at totoo ang sinasabi nila Jhoanna na Colet talaga ang pangalan ko hindi Claine.
"Aalis ako kung kailan ko gusto Maxine, tama na ang pagpapanggap mo." Aalis na sana ako ng bigla ako nitong hawakan ng mahigpit sa braso.
"Binibitawan moko o bibitawan moko?"
Maxine: "Hindi ka aalis, hindi mo ako iiwan. Magkakamatayan muna kami bago ka nila makuha sa akin! Yaya tawagin mo ang ibang tauhan ni Daddy sa hide out papabantayan ko si Colet." Kita ko ang galit sa kanyang mata, ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Agad sumunod ang isa sa kasambahay na kasama namin dito, nakangiti akong tiningnan ni Maxine.
Maxine: "Hindi mo alam kung gaano ako kadumi maglaro, kaya wag mona subukang umalis." Bulong nito sakin habang nananatili padin ang mahigpit na hawak niya sa braso ko.
Pero hindi ako natatakot, gagawin ko ang tama babalik ako kung saan talaga ako galing at kung nasaan ang pamilya ko.
Buong lakas kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin saka ko siya itinulak dahilan para mapatumba siya nagmamadali akong lumabas ng bahay hindi kona sinakyan ang kotse dahil sarado na ang malaking gate kaya tumakbo nalang ako palabas rinig kopa ang pagsigaw ni Maxine pero dire diretsyo lang ako.
Maxine: "Habulin niyo!!"
Paano ba akong makakalabas sa village na'to habang tumatakbo eh ang layo ng entrance.
Habang tumatakbo ay agad kong naisip ang binigay ni Jhoanna na cellphone mabilis kong kinapa sa aking bulsa mabuti nalang at diko ito tinanggal sa bulsa ko, mabilis kong pinindot ang number ni Jhoanna mabuti at tatlong ring palang ay sinagot na niya.
"Hello Jhoanna, hello? Kailangan ko ng tulong." Hinihingal na saad ko.
Jhoanna: "Na...nasaan ka? Pupuntahan kita." Sagot nito mula sa kabilang linya.
Madilim na ang langit kaya wala na akong makitang tao na nasa labas mas binilisan kopa ang pagtakbo ko ng makita kong may kotse ng papunta sa akin malamang ay tauhan na ito ng Daddy ni Maxine.
"Dito sa Dasma Village, sinusundan na ako ng tauhan nila Maxine."
Halos matanggalan ako ng mata dahil sa ilaw ng sasakyan na huminto sa tapat ko.
Ang Daddy ni Maxine, sasakyan niya ito. Paniguradong nakita na niya ako sa lakas ba naman ng ilaw ng sasakyan kaya siguradong matatanaw niya agad ako.
Lumabas ito ng sasakyan at mabilis akong tinutukan ng baril, pero di ako natakot titig na titig lang ako sa suot nito, naka uniporme ito katulad ng kila Mikha at Jared may konti lang na pinagkaiba. So tama ang sinasabi nila Mikha, isang mataas na Pulis ang Daddy ni Maxine sinungaling sila, bakit ko sila pinakisamahan sa loob ng tatlong taon.
Mr.Trinidad: "Saan ka pupunta? Tatakas ka?" Tanong nito sakin habang nakatutok padin ang baril sa akin.
Papalapit ito sa akin kaya ako ay dahan dahan ding umaatras, nakaramdam naman ako ng kaba ng
"Sinungaling ang anak mo, niloko niya ako, niloko niyo ko!" Napatawa naman ito ng pagak kaya agad napakunot ang noo ko.
Mr.Trinidad: "Sa tingin mo papayag kami lalo na ako na iiwan mo ng ganon ganon lang ang anak ko?"
"Hindi ko pakikisamahan ang mga tulad niyong sinungaling!"
Napalingon naman ako sa likod ko ng magdatingan na ang iba pa nitong tauhan kahit si Maxine ay nandito nadin, masyado na silang madami pano ako makakalusot na'to sakanila.
Mr.Trinidad: "Damputin niyo nayan!"
Akmang lalapit na sa akin ang dalawang tauhan.
"Subukan niyo kong hawakan, magkakasubukan tayo." Pigil ko sa dalawa.
Maxine: "Wag na matigas ang ulo Colet, para hindi kana masaktan."
"Hindi ako sasama sayo manloloko ka."
Sinenyasan ng Daddy ni Maxine ang mga tauhan kaya lumapit ulit ito sa akin bago makalapit ay agad kona itong sinuntok sabay sipa sa isa kaya parehas bumagsak at namimilipit sa sakit.
Hindi kona sila nilingon agad na akong tumakbo, pero hindi pa ako nakakalayo isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar.
Naramdaman kona lamang ang sakit sa aking binti kaya napaluhod na lamang ako sa damuhan dahil sa panghihina.Maxine: "Daddy bakit mo binaril si Colet?"
Mr.Trinidad: "Palos ang isang to, makakatakas yan kung hindi ko ginawa yon. Sige na kunin niyo nayan at baka may makatunog pa dito."
Dinampot ako ng Daddy ni Maxine at binalibag na parang gamit sa mga tauhan nito. Masama akong napatingin kay Maxine na ngayon ay nakatingin din sa akin, makatakas lang ako sakanila hinding hindi ko palalampasing ang ginawa nila na'to.
Kailangan makaisip ako kung paano ako makakatakas, malamang ay nagaalala na ang pamilya ko lalo na si Jhoanna.
__________________2017
Sabaw na, sorry at sobrang busy lang talaga.
Thankyou padin sa nagbabasa at naghihintay sa mga nako-comment at nagvo-vote, thankyou so much!
I love you🫶
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)