KABANATA XC

149 8 0
                                    

Colet' Pov




Kahit masakit ang likod ay pinilit kong tapusin yung report kahit tatlong araw ang binigay sakin ni Chief para gawin ito, ayoko kase ng may naiiwan na trabaho hangga't kaya pa naman ng oras ginagawa kona para kung may ibigay ulit na trabaho hindi na madodoble ang gagawin ko.

Nag unat ako ng katawan sabay napatingin sa dalawa kong kasama dito sa office parehas tutok ang mata sa monitor may kanya kanya kase kaming report na ginagawa.



"Hindi pa kayo tapos?" Sabay na napalingon sa akin yung dalawa at sabay din nag umiling.


Mikha: "Patapos palang yung sakin."


Jared: "Sakin mahaba pa to, bukas kona itutuloy."


Habang tumatagal ay nasasanay nadin ako dito sa dalawa kahit wala padin akong maalala sa pinagsamahan namin, araw araw ko ba naman nakikita at nakakasama sa isang kwarto bakit nga hindi ako masanay saka ilang beses nadin nila akong dinala kung saan daw palagi kaming tumatambay at nagiinom nakakatuwa lang na may kaibigan akong katulad nila kasama silang dalawa na tumulong para lang mabalik ako kay Jhoanna kaya malaki din talaga pasasalamat ko sa dalawa na'to.

Kung di dahil sakanila baka kung ano na nangyari sakin sa kamay ni Maxine baka diko na nakasama pamilya ko.


Jared: "Inom tayo?" Saad niya at may pataas taas pa ng kilay.



Ginawa na nilang linggo linggo ang inom, every saturday nag aaya maginom.


Mikha: "Bakit di natin ayain ang iba? Try natin baka hindi sila busy."



"Magpapaalam na muna ako kay Jhoanna, alam mo naman yon nagiisip pag nagiinom ako. Pag pumayag saan tayo?"


Jared: "Nagchat ako kay Lance, G daw sila ni Stacey."


Mikha: "Bakit hindi ka sa group chat nagchat? Para sana nabasa ng lahat."


"Teluk yan eh." Sabay pa kaming natawa ni Mikha dahil sa sinabi ko.


Jared: "Aba? Nang bubully kana ah!"


Mikha: "Totoo naman eh, teluk kana talaga matagal na."

"Tatawagan ko lang si Jhoanna makapag paalam."

Jared: "Takot kay Jhoanna."


"Hindi no.......I mean oo? HAHAHAHAHAHA bahala nga kayo dyan magpapaalam ako."


Kita ko namang tumawa ang dalawa iniwan kona sila don sa loob, lumabas na muna ako ng presinto at tinawagan si Jhoanna tatlong ring lamang ay sinagot na niya agad ang tawag ko.


"Hello love? Tapos na ang duty namin."


Jhoanna: "Bakit dika pa umuwi? Tapos naman na pala." Sagot nito mula sa kabilang linya.


Parang kinabahan ako sa tono niya ah, pakiramdam ko hindi to papayag.


"Ahh...love nag aaya kase sil....."


Jhoanna: "Umuwi kana muna, kayong tatlo talaga pag Saturday puro alak nasa isip niyo." Hindi kona nga naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.


Ayan na nga ba kase sinasabi ko eh, ginawang linggo linggo ang pag inom teluk talaga yung dalawa nayon eh.


"O...osige love uuwi na ako."

Jhoanna: "Magiingat ka, hinihintay ka ni Joey at Riley."

Joey: "Da? Ice cream, i want ice cream. Ayaw kami ibili ni Mommy."  Rinig kong sambit ni Joey mula din sa kabilang linya.


Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon