Author's note:
Hello, this is my first romance novel to write so please support it although hindi siya kasing ganda ng nga sikat na story ngayon.
UNEDITEDDD!
Maraming misspelled words, wrong grammars and plot holes dahil daily updatr siya. If you don't like reading such stories, this is not for you. But if you still want to read it, thank you sa suporta! Promise you won't regret reading it (Or yes? Hahaha)
'Yon lang naman and, please leave a comment about the mistakes na ginawa ko para ma-improve ko pa ang pag susulat ko. Lovelots! :)
PS: Isa ako sa mga wattpad users na naka connect lang sa fb ang account kaya na o-open pa, so if ever man na 'di ko na ulit ma log-in Itong account na 'to sa wattpad dahil sa security issue ngayon—I'll just make another one and repost all my stories there. Hindi ko pa sure kung idedelete ko na siya dito.
***
"Ella, totoo ba na aalis na kayo dito sa hacienda?" tanong ng isang batang lalaki na may bilugang katawan. Nanlulumo ito dahil lubos na siyang napa-mahal sa kaibigan.
"Oo Dan eh, baka ngayon na rin ang last na makakapag-laro pa tayo" malungkot na tugon ng batang babae.
"Ha? Bakita maman? Aalis na ba kayo kaagad?" napa-nguso si Dan.
"Sabi kasi nila mama, pupunta na raw kami sa Maynila bukas eh" sagot naman ni Ella.
"Halla! Sama na lang kaya ako sa inyo?" dumapa si Dan sa maliit na pick-nick blanket saka ngumuya ng mansanas.
"Hay nako Dan, magagalit si Tita Lucy. Dito ka lang, babalik din naman ulit kami e" litanya ni Ella sa kalaro na parang matanda.
"Eh kasi-e kasi- e kasi wala na akong playmate dito. Ayaw naman nila akong kalaro kasi daw fat ako" nauutal na pag pupumilit ni Dan kay Ella. Nagpa meywang naman si Ella saka tumayo.
"Hay nako Dan, wag ka na makulit. Marami namang ibang bata rito e, makakahanap ka rin ng ibang playmate mo. Hayaan mo 'yong mga nangloloko sa 'yo, basta ikaw ang pinaka guwapong lalaki para sa 'kin" pilit na pinapaluwag ni Ella ang loob ng kaibigan. Maski kasi siya ay nalulungkot na. Tahimik lang si Dan saka umupo at tumanaw sa kawalan.
"T-talaga?"
"Oo nga, pramis!" tinaas niya ang kanang kamay niya na parang namamanata. "Halika na nga, mag laro na lang tayo doon sa swing" paanyaya ni Ella.
Mabilis namang tumayo si Dan saka sumunod sa kaibigan. Saktong may dalawang bakanteng duyan noon sa park kaya pareho silang umupo.
"Ella...?" nahihihiyang tanong ni Dan. Nag-iwas pa ito ng tingin nang mapatingin ang kaibigan.
"Ano 'yon Dan?"
"'Di ba- 'di ba -'di ba sabi mo love mo ako?" malungkot na tanong ni Dan, napahinto siya sa pagduduyan. Pati si Ella ay napahinto rin saka malamlam na tumingin sa kaibigan.
"Oo naman, love na love kita" pulidong sagot ni Ella. Napahinga ng malalim si Dan.
"So bakit mo ako iiwan?" tanong niya sa kaibigan.
"Hay nako Dan, bakit ang kulit mo? Basta love kita okey?" napanguso si Ella saka tumayo sa bakal na duyan.
"E kasi- e kasi -e kasi ikaw love ko rin, 'di ba sabi ko sa 'yo I will marry you when we grow up?" tumayo na rin siya saka malambing na tumingin sa kaibigan. Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ni Ella. Mas matangkad si Ella ngunit hindi rin naman nalalayo ang taas nila.
"Oo, sinabi mo 'yon. Kaya nga babalik ako 'di ba? Kaya lang kasi, may nahanap na work doon si Papa. Kaya doon na kami titira" pagpapaliwanag ni Ella.
"Basta babalik ka ah? Promise?" paninigurado ni Dan. Ngumiti naman si Ella saka tumingin sa mata ng kaibigan.
"Promise" mahigpit na nagyakapan ang dalawa at ninamnam ang huling araw na magkasama pa sila.
"DAN! JANELLA! TARA NA!" tawag ni Lucy sa dalawa. Si Lucy ay anak ng may ari ng pinakamaling hacienda sa probinsiya nila. Kaibigan nila ng kaniyang asawa ang mga magulang ni Ella kaya anak na rin ang turing niya sa bata, ganoon din sa dalawang kapatid nito ngunit hindi maitatanggi na mas malapit talaga siya kay Ella. Palibhasa kasi ay wala itong anak na babae kaya marahil ganoon na lamang kung matuwa si Kucy kay Ella.
Agad na sumakay ang dalawang bata sa kotse na minamaneho ni Lucy nang marinig nila ang tawag niya. Nang makaupo ay binuksan ni Ella ang bintana ng kotse saka dumungaw. Napatingin ito sa kawalan. Napansin ni Lucy ang malungkot na atmosperang nakapalibot sakanila kaya pinilit niyang pagaanin ang sitwasyon.
"Let's eat na lang sa Mall, gusto niyo ba?" magiliw na paanyaya ni Lucy.
"SIGE PO!"
***
Sa kabilang banda, inis na iniiwas ni Chris ang sarili sa kakulitan ng kaniyang kalaro na si Kara. Gusto kasi nitong makuha ang hawak niyang singsing na binigay sa kaniya ng lola nuya bago siya mamatay.
"Sa akin mo na lang ibigay ang ring na 'yan, don't you like me?" pangungulit ni Kara kay Chris.
"Bata pa tayo no, tsaka Mommyla told me to give this ring sa girl na love ko" itinaas ni Chris ang sing-sing para hindi ito maabot ni Kara. Tumalon-talon naman si Kara pero hindi niya talaga ito maabot.
"We'll get married naman pag-laki natin e" pangungulit ni Kara saka paulit-ulit na inagaw ang sing-sing kay Chris.
"I said stop! I'm not gonna marry you!" naiinis na tugon ni Chris, napa-tigil naman si Kara at malungkot na tumingin sa kalaro.
"But.. why hindi ba sabi mo noon i-ikaw 'yong prince ko?" halos mawala na ang boses ni Kara saka napayuko.
"Sinabi ko lang naman 'yon para tigilan ka na nila Benedict eh" sagot nito. "And who told you that I like you?" nag aalanganing tanong ni Chris. Napasimangot si Kara aaka inis na sumigaw.
"Just give it to me na lang kasi Chris! Love naman kita e!" muli nitong sinubukang agawin ang sing-sing.
"But I don't!" inis na sigaw ni Chris saka tumingin ng masama kay Kara.
"If you'll not give it to me, isusumbong kita kay Dad!" masungit na pagbabanta ni Kara, ipinagkibit balikat lamang ito ni Chris.
"Edi isumbong mo, I'll leave you here" walang ganang sagot ni Chris saka naglakad patungo sa kanilang itim na kotse na nakaparada sa labas ng park. Nagbabakasyon lamang sila noon sa probinsiyang 'yon at kailangan na rin nilang umalis dahil sa buisiness meeting na kailangang daluhan ng Mommy niya. Maasim ang mukha niyang sumakay sa kotse.
Ni-lock niya ang pinto nito dahil alam niyang susunod si Kara para kulitin na naman siya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka binuksan ang bintana sa kabilang side, napatingin ito sa asul na kotseng nakaparada sa tabi ng sasakyan nila.
Biglang bumukas ang bintana ng kotseng iyon at nakita ang isang batang babae na biglang dumungaw sa bintana.
Sa hindi maipaliwang n dahilan ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Bumagal ang takbo ng paligid at nagning-ning ang batang babae sa kaniyang mga mata.
"Chris! Buksan mo 'to! Susumbong kita kay Daddy!" napatingin siya sa tinted na bintana ng kotse sa kabilang side at nakita ang galit na mukha ni Kara.
"I won't and I'll never!" blankong sagot nito saka muling ibinaling ang tingin sa babaeng nakita niya kanina.
Sa kasamaang palad ay umandar na ang asul na sasakyan palayo sa lugar. Binalak niya pa itong sundan ngunit mabilis na 'yong nawala sa kaniyang mga mata.
"Chris! Let me in!" impit na boses ni Kara.
"Tss, bahala ka diyan" hinayaan niya lang ang kalaro.
Napatingin na lamang siya sa hawak na sing-sing saka napahawak sa kaniyang dibdib.
"The moment I'll see you again, I'll definitely kiss you"
***
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Ficção Adolescente"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)