KBANG (Chapter 67)

66 3 2
                                    

(KISS ME GOODBYE)
***

Sa isang iglap ay parang gusto ko na lang lamunin ng lupa o malunod sa gitna ng malalim na karagatan.

Natuod ako sa kinatatayuan ko, hindi ako nakahanap ng salitang sasabihin dahil sa pagkabigla. Naramdaman ko na lang ang malamig na ihip ng hangin habang nakatingin ako sa walang emosyon niyang mukha.

Hanggang sa tuluyan nang namuo ang ilog ng luha mula sa aking mg mata.

Anong nangyari? Hindi ito ang inaasahan kong sasabihin niya. B-bakit nagkaganito?

"H-hindi, hindi totoo 'to Chris. K-kissing monster ko, nagbibiro ka lang 'di ba? Sabi mo mahal mo 'ko, s-sabi mo kapag sinaktan mo ako parang sinasaktan mo na rin ang sarili mo kaya hindi ako naniniwala sa lahat nang 'to. K-kissing monster ko..." pilit kong pinaniwala ang utak ang sarili ko na hindi totoo ang lahat sa likod ng mga salitang gumunaw sa mundo ko. "I-iyong video, may pinakitang video sa 'kin si Nico. S-si Kara na naman ba ulit ang dahilan kung bakit mo ako pinapaalis d-dito?" sinubukan kong hawakan ang kamay niya.

"Bakit ba ang kulit-kulit mo?! Ganoon na ba kahirap intindihin 'yong mga sinabi ko Ella? Hindi kita mahal! Labas si Kara dito at sariling desisyon kong paalisin ka dito! Palabas lang ang lahat ng 'yon dahil gusto lang naman kitang maikama, I never loved you! Sino ba ang tangang magmamahal sa isang hampas lupang katulad mo? You're just a challenge to me kaya niligawan kita, pinaniwalang mahal nga talaga kita. But in reality" he snapped his fingers. "Nakasama ka na ngayon sa listahan ng mga babaeng niloko ko. Malas mo lang dahil nagpaka-tanga ka sa 'kin, now I'm comming back to the person that I really love. And that's Kara, kaya bitawan mo 'ko" puno ng lakas niyang kinalas ang kamay kong naka-hawak sa kaniya dahilan para malakas akong sumalampak sa sahig.

Kasabay no'n ay nakalas mula sa palapulsuhan ko ang bracelet na ibinigay niya sa 'kin, kumalat ang mga chains noon sa kung saan-saan.

Napantig ang tainga ko dahil sa nangyari, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, masasaktan ba ako dahil sa sakit ng pagbagsak ko o masasaktan ba ako dahil sa lahat ng mga sinabi ni Chris.

Kasabay ng pagdaloy ng mga luha ko ay ang unti-unting pagproseso ng mga sinabi ni Chris ng utak ko.

"You don't have to believe me dahil nagsinungaling lang rin naman ako sa 'yo"

"Hindi ako nagbibiro Ella, totoong niloko kita. Hindi kita minahal, pinaglaruan lang kita. Si Kara ang totoong mahal ko kaya umalis ka na"

"Nakasama ka na ngayon sa listahan ng mga babaeng niloko ko. Malas mo lang dahil nagpaka-tanga ka sa 'kin, now I'm comming back to the person that I really love. And that's Kara..."

Wala sasarili kong pinulot ang mga parte ng bracelet sa sahig habang nanginginig.

Nahuli na ba ako?

All this time akala ko ako talaga ang mahal niya, pero nagkamali ako. Ngayong pinapaalis niya na ako sa buhay niya, kakayanin ko ba?

Masaya naman kami dati, kahit na palagi ko siyang binabara at kinokontra mahal na mahal ko siya. Ano ba ang nagawa kong masama para mangyari sa 'kin 'to? What did I do to deserve this pain?

Muli akong tumingin sa mga mata niya, doon ko napagtanto na wala na nga talaga 'yong kinang noon. Wala na ring ngiti sa labi niya, he came back to being cold and poker faced.

At 'yon ang pinakamasakit sa lahat.

"Ano bang ginagawa mo Chris! You are hurting her!" sigaw ni Tyron na siyang nagbalik sa 'kin sa reyalidad.

Tinulungan niya akong tumayo saka niya inalalayan ang bigat ko dahil parang nawalan na talaga ako ng lakas. Patuloy lang akong umiyak.

"Ano bang nangyayari sa 'yo dude?" gulat na tanong ni Tyson saka siya naglakad papalapit sa 'min ng kakambal niya. "Alam namin kung gaano mo kamahal si Ella, please quit this nonsense. Hindi ka na nakakatuwa!"

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon