KBANG (Chapter 58)

41 2 0
                                    

(UNECPECTED TRUTH)
***

ELLA

Shet ito na, ito na talaga.

Naka tayo kami ngayon sa harapan ng bahay nila. Kasalukuyan akong naka hawak ng mahigpit sa kamay ni Chris, kulang na lang talaga itago ko sa likod niya 'yong mukha ko.

"Wag kang matakot shy monster ko" tumingin siya sa akin saka siya ngumiti. Napabuntong hininga na lang ako saka tumango.

Kahit pa sabihin niyang gano'n hindi naman talaga mawawala sa akin na matakot lalo na't pamilya na niya ang ime-meet ko. Hindi lang kung sinong kaibigan niya.

"Halika na" umakbay siya sa akin saka niya ako iginiya papunta sa pool area ng bahay nila.

Sa totoo lang nakakalula 'yon sa sobrang laki. Kanina ngang nasa labas kami ng gate akala mo kuta 'to ng mga sindikato dahil sobrang tataas talaga ng mga pader. Pero noong nakapasok na kami, nalaglag talaga 'yong panga ko kasi hindi ako makapaniwala sa bahay nila.

Sobrang ganda kasi talaga, at sobrang laki. Parang sakop na nga ata ng bahay nila 'yong buong compound namin eh, hindi pa kasama doon 'yong bakuran nila at 'yong pool area.

Pagkarating namin doon ay nakita ko ang isang tulay na kumukunekta sa gilid ng pool at sa isang maliit na pavilion na naka tayo sa gitna noon.

May isang lalaki doon na naka upo habang may binabasang newspaper.

"Dad!" masayang tawag ni Chris saka siya kumaway dahilan para mapalingon ang lalaki at tumayo.

Dad? S-siya ba ang daddy ni Chris?

Nagsimula na naman akong manginig. Inayos ko ang suot kong damit saka sinubukang ngumiti habang nakikita ang lalaki na unti-unting naglalakad papunt sa amin.

"Siya na ba 'yong sinasabi mo?" kunot noo nitong tanong ako tinignan pababa.

Napalunok ako.

A-ayaw niya ba sa 'kin?

"H-hello po sir" nag-bow ako sa kaniya. Gusto ko sanang magmano kaso baka ayaw niya sa mga ganoong bagay. Besides, hindi pa mukhang pinagmamanuhan ang mukha niya dahil para lang siyang kapatid ni Chris. Kumbaga, siya 'yong older version ni Chris.

Bigla siyang tumawa dahilan para mapatuwid ako ng tayo saka takang mapatingin sa kaniya.

"No need to be formal hija" ngumiti siya saka nakipagkamay sa 'kin. "I'm Christopher Vergara, Chris' dad and you are?"

"Ella po, Janella Ruiz" nakangiti kong sagot"

Hindi ko maintindihan pero ang gaan ng paki-ramdam ko sa kaniya. Kung kaninang seryoso siya nakaka intimidate siya, ngayon naman parang sobrang approachable na niya.
Tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ko.

"Son, you should've told her na tawagin niya na lang akong dad!" tinapik-tapik niya ng balikat ni Chris.

D-dad? As in agad-agad?

"Dad, nasa kaniya na 'yong kung gusto niya" binaling ni Chris ang tingin niy sa 'kin saka siya ngumiti. "Ano? Gusto mo bang tawagin nang Dad si Daddy?"

Putek naman, ano nang isasagot ko nito ngayon?

"A-ano po sir kasi—"

"Dad, call me Dad. Kung magpapakasal lang rin naman kayo ng anak ko edi kailangang sanayin mo na ang sarili mo hija" tumawa siya saka niya hinawakan ang magkabilaan kong balikat saka iginiya papasok ng bahay nila. Nakangiti lng na sumunod si Chris sa gilid ko.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon