(SEEKING THE TRUTH)
***ELLA
"Aray wait lang masakit!" reklamo ni Dan saka niya inilayo ang mukha niya sa 'kin. Kasalukuyan kaming nasa sala ng bahay namin ngayon. Actually natutulog na ako no'ng bigla siyang tumawag na nasa ibaba raw siya ng bahay. Pagkabukas ko ng pinto, I saw him standing right in front of the house full of bruises.
Inis kong hinila ang kuwelyo niya saka ko muling nilinisan ang sugat na nasa gilid ng labi niya.
"Wag ka ngang aray ng aray diyan! Ginusto mong sumali sa gang na 'yon kaya tiisin mo 'to!" kunot noo kong buwelta. "Teka nga pala, alam ba nina tita Lucy ang tungkol sa bagay na 'to?" tumigil ako sa paglilibis ng sugat niya saka ko siya seryosong tinignan.
"He-hehe-he"
"Hindi ang ibig sabihin niyan 'di ba?" blanko kong tanong sa kaniya na sinagot niya ng marahang mga pag-tango. Napabuntong hininga ako saka ako nagpatuloy sa paglilinis ng sugat niya.
"Pumunta ka dito sa bahay dis oras ng gabi na may pasa sa mukha, pawis na pawis ka, ang dungis-dungis mo tapos gutay-gutay 'yong damit mo. Sa tingin mo matutuwa sina tita Lucy kapag nalaman nila na gan'to lang pala ang mangyayari sa 'yo sa gang na 'yon!" aksidento kong nadiinan ang labi niya sa inis dahilan para pumalahaw siya.
"Aray naman Ella! Be gentle naman, hindi pa ako sanay!" tinaas baba niya ang kilay niya saka siya ngumiti ng nakakaloko.
"Nasaktan ka na nga nakuha mo pang magbiro. Alam mo? Naging macho ka at mas lalong gumuwapo after all these years pero hindi ko inaasahan na magiging baliw ka na rin pala bilang kapalit no'n" ipinatong ko sa lamisahan ang gamit na cotton balls saka ako muling naglabas ng panibago. Isinunod ko namang linisan ang maliliit na sugat sa kamao niya.
"At least gumuwapo sa paningin mo 'di ba?" dahil sa inis ay kinuha ko ang alcohol sa lamisahan saka ko binuhusan ang kamao niya. "Aray! Goodness gracious uhmp! Hoooo!" halos mapatalon-talon pa siya habang iniihipan ang kamay niya dahil sa sakit.
Hindi ko tuloy mapigilang matawa.
"Kayanin mo 'yan Dan, kinaya mo ngang makipagbugbugan 'di ba?" napailing-iling ako habang amused na nakatingin sa kaniya.
"Eh mas masakit 'yong alcohol eh!" naupo ulit siya sa tabi ko saka niya ginulo ang buhok ko.
"Siya nga pala, ano ba talaga 'yong ginawa niyo sa kung saang lupalop man kayo nagpunta?" pag-iiba ko ng usapan. Sumeryoso ang mukha niya saka siya tumikhim bago magsalita.
"Hindi ko alam kung nasabi na 'to nila Chris sa 'yo dati but there's this gang called Death Scorpions that plays dirty para lang makuha nila ang gusto nila. They aim to be the greatest gang in the whole metro manila by abducting lowly gangs para bugbugin at takutin. Pagkatapos nilang gawin 'yon, itatapon na lang nila sa kung saan 'yong biktima nila with signage on their bodies na naglalaman ng emblem ng gang nila. As of now, they want to build hysteria and fear to all the gang's minds para kilalanin silang pinakamataas at pinakamalakas sa lahat ng mga gang sa buong maynila-which is titled sa Lion Vortex. Hindi nila pinapatay 'yong nga inaubduct nila so that clears everything"
"Matagal na talagang pinagplaplanuhan ng gang kung paano matitigil ang bagay na 'to so we decided to raid them para ipakita sa kanila na kahit anong gawin nila-hindi nila makukuha ang gusto nila at nagkamali sila ng binangga. Napaaga nga lang ng kaunti dahil tumawag sa 'min 'yong boss ng Elixir gang para humingi ng tulong. Normaly kasi pagkatapos lang ng mga tatlong araw pinapakawalan na nila 'yong mga biktima nila pero mag iisang linggo na, hindi pa rin nila pinapakawalan ang mga Elixirs kaya natakot na rin kaming baka may balak na silang patayin 'yong mga 'yon"
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)