(DOUBLE DATE PART 2)
***ELLA
Nagulat ako ng makitang bumaba si Janina sa kotse ni Nico. Coincidence ba 'to o talagang pinlano nina Chris na magkaroon kami ng double date?
Basta either ways, masaya akong makita ang bestfriend ko dito.
"Besh! Mag d-date rin kayo dito?" gulat na tanong ni Janina habang naka-kapit kay Nico.
Napatingin ako kay Nico at kay Chris na lito ring naka tingin sa isa't-isa. So ibig sabihin talagang walang may plano ng mga pangyayaring 'to!
Napangiti ako saka ako bumitaw kay Chris. Patakbo akong lumapit kay Janina saka ako lumingkis sa kabilang braso niya.
"Nico, peram muna ako ng bestfriend ko ah?" paalam ko kay Nico saka ko siya hinila papalayo kay Nico.
"Grabe besh, ang unexpected talaga nito. Biruin mong sa iisang place lang pala tayo mag di-date?" natutuwang wika ni Janina.
"Actually kakagising ko lang kanina no'ng bigla akong sinundo ni Chris sa bahay tapos may date daw kami. Actually kasama nga namin si Zach e" tugon ko sabay nguso kay Zach na bagsak ang balikat na naka tayo sa tapat ng kotse ni Chris.
Magiliw na kumaway si Janina sa kaniya pero walang ganang nag-iwas ng tingin si Zach.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, mukhang broken hearted siya sa nakita niya. Puwes kasalanan niya dahil sumama siya dito, bahala siya sa buhay niya.
"Anong problema ng kapatid mo besh? Bakit mukhang biyernes santo 'yong mukha niya?" takang tanong ni Janina saka litong tumingin sa akin.
"Baka na boring o na-reject lang ng publishing house 'yong pinasa niyang manuscript. Hayaan mo na 'yan, aayos din mood niyan mamaya" sagot ko saka ngumiti.
Wag kang mag aalala Zach, malay mo may makilala kang ka-forever mo ngayon 'di ba?
"So 'yon nga besh, matagal na akong inaaya ni Nico na mag-disneyland daw. Eh sabi ko naman masyadong malayo 'yon kaya naisip kong dito na lang, hindi ko talaga inexpect na magkikita-kita tayo dito" masayang wika niya with matching talon-talon pa.
"Eh kung tayo na lang kaya 'yomg mag date tapos iwan na natin 'tong mga 'to dito?" sinadya kong lakasan ang boses ko.
"No way" napailing-iling si Chris saka nakangusong tumingin sa akin.
"I agree with you dude" pagsang-ayon ni Nico na kinumpas pa ang kamay. Natatawa naman akong tumingin kay Janina saka nagsalita.
"Ano ba kayo, joke lang 'yon ano! Baliw talaga kayong mag pinsan. Alangan naman na mag date kami dito tapos iwan namin kayo? Pero puwede rin naman 'yon, ano sa tingin mo Janina?"
"Tama ka besh, matagal na rin tayong hindi nagbobonding na magkaibigan" pagsang-ayon ni Janina saka napatngo-tango na parang good idea 'yon.
"You know what?" lumapit si Chris saka niya hinawakan ang kamay ko. "Tara na kaya?" hinila niya ako papalapit sa kaniya saka niyakap ng mahigpit. Natatawa naman akong humiwalay sa kaniya.
"Baliw ka talaga, sige tara na" hinampas ko pa siya sa dibdib niya saka tumawa.
"Wag na nga kayong magjo-joke ng gano'ng dalawa, it's making me nervous" napapunas pa si Nico sa noo niya saka hinawakan ang kamay ni Janina. Nagtawanan kami. "Wait lang, who's that young man right there?" takang tanong ni Nico.
"Zacharias Ruiz ang pangalan niya, he's my brother in law" napa-hampas ako kay Chris na tumatawa pa.
"You mean she's Ella's younger brother?" napatango-tango si Chris. Lumapit siya kay Zach saka nakipag kamay.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)