(THE PRANK)
***ELLA
Isang minuto na lang bago mag-lunch break. Naka-tingin lang ako sa kawalan habang nagsasalita si prof Alejandro.
"Next meeting, kailangang mai-pass niyo na 'yong mga plates na 'yan. I have given you three days kaya sapat na naman siguro 'yon na palugit para makapag-pasa kayo ng magagandang plates. And be sure to read your syllabus because we'll also be having a test next meeting" paalala ni prof Aljendro pagkatapos ay umalis na siya sa classroom bitbit ang malaking laptop at white board marker niya.
Nagsimula nang umingay sa buong classroom. Hanggang sa unti-unti na silang maglabasang lahat, bukod sa 'ming dalawa ni Janina.
"Hoy besh, tulaley to the max na naman ang peg mo. Ano bang nangyari?" saka lang ako bumalik sa reyalidad ng tapikin ako ni Janina sa balikat. "Sa naalala ko, naging ganiyan ka na paglagaling natin do'n sa pinagtratrabahuan ni papa?" umalingaw-ngaw sa buong kuwarto ang boses ni Janina.
Kubong na kubong kasi ang classroom to the point na talagang maririnig mong mag-eecho ang kahit na anong klase ng tunog kapag naging tahimik na sa paligid.
Napa-pikit ako ng bigla kong maalala kung ano ang nangyari sa lugar na 'yon.
Argh! Buwisit ka talagang manyak na colorblind naagnanakaw ng halik ka! Bakit mo na naman ba kasi ako hinalikan ha?! Hindi pa ba sapat na nakuha mo na 'yong first kiss ko kaya pati 'yong second kinuha mo na rin?! Hindi na lang sana kita sinundan do'n! Ngayon nagsisisi na ako kung bakit naging concern pa ako sa 'yong hinayupak kang naka-salamin!
Tinignan ko si Janina, ngumiti ako.
"Wala besh, iniisip ko lang kung kailan kaya matatanggal si Prof Alejandro dito. Ang dami-dami niya kasing pina-pagawa eh mukhang nanghuhula lang naman siya ng grades natin, isa pa—ang sungit-sungit ng lalaking 'yon" palusot ko saka ako nag-unat.
Well, maganda at valid din namang palusot 'yon. Halos lahat naman kami dito sa klase galit sa kaniya eh, bukod kasi sa sobrang sungit niya—ang lakas pa mamahiya!
"Nga pala besh, balita ko mahilig rin daw 'yon sa pagbibibigay ng tres. Lalo na kapag nagkaroon siya ng rason para mainis sa 'yo" naglabas siya ng isang lunch box na inoffer niya sa 'kin. "Oh, luto ni Mama. Dinalhan na rin kita para naman matikman mo ulit, alam ko namang miss mo na rin 'yan" inabot ko 'yon saka binuksan. Bicol express ang laman no'n na may maraming slice ng siling labuyo.
"Salamat besh ha?" ani ko saka ako magsimulang kumain kasama siya.
Sa anghang nito, sana naman masunog na rin sa utak ko 'yong ginawa ng buwisit na Chris na 'yon.
Napagdesisyonan namin ni Janina na dito na lang sa classroom kumain dahil nitong mga naka-raang araw hindi maganda 'yong tingin no'ng mga fans ng apat na demonyong 'yon. Mukha hindi pa rin talaga sila nakaka-move on sa nangyari no'ng first day dahil talagang pinagtsi-tsismisan pa rin talaga nila ako.
Nakaka-inis nga actually eh, ang sarap nilang sabunutan. Ikaw ba naman 'yong sabihan ng malandi? Eh ni hindi ko nga ginusto na mangyari lahat ng mga 'yon eh, isa pa—bakit ba ang dami-daming fans ng mga lalaking 'yon eh mukha naman silang mga paa na tinubuan ng mukha? Buti na lang talaga mababait 'yong mga ka-klase ko at kampi sila sa 'min ni Janina.
"Nandito ba si Janella Ruiz?" Isang baritonong boses ang umalingawngaw sa buong kuwarto dahilan para mapa-lingon ako sa pinagmulan no'n.
Bumungad sa 'kin ang dalawang matangkad na lalaking tinubuan ng iisang mukha, pareho silang naka-tayo sa frame ng pintuan at seryosong naka-tingin sa 'kin.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Genç Kurgu"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)