ELLA
"M-mama, P-papa. Si Chris po manliligaw ko" nginig kong pagpapakilala kay Chris kina mama at papa.
Kunot noo nilang tinignan si Chris saka sila naglikod paikot sa kaniya para tignan siya.
Napalunok si Chris.
"T-tito, T-tita. This is for you" kabado ring wika ni Chris sabay abot ng isang basket sa kanila na punong-puno ng 3 in 1 na kape.
FLASHBACK
"I'm really excited to meet my future mother and father in law" tuwang-tuwa na wika ni Chris saka siya muling tumingin sa mga kotseng naka display. Isa-isa niyang kinilatis ang mga 'yon saka paminsan-minsang napapatango-tango.
Ewan ko ba sa lalaking 'to kung bakit na naman siya namimili ng kotse eh kabago-bago ng sports car niya. Sinearch ko pa nga 'yon sa google eh, isa 'yong 2020 Boxster Porche car at makalaglag panty talaga ang presyo noon. Take note, puwede na 'kong mabuhay gamit 'yong perang 'yon habang buhay—at may sukli pa!
"Ang advance mo naman, hindi pa nga kita sinasagot mother and father in law na agad?" sarkastiko kong biro sa kaniya saka ako nag-crossed arms.
"You know what?" hinila niya ako saka niya ako niyakap sa likod ko. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko saka nagsalita. "I know you won't break my heart. Sigurado naman na akong sasagutin mo 'ko kaya hindi masamang maging advance mag-isip" halos tumindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko.
Kumalas ako sa kaniya, hindi ko mapigilang mapangiti at mamula.
"Ella, please don't blush. It makes me wanna kiss you" mabilis kong tinakpan ang labi ko saka ako paatras na lumayo sa kaniya.
Putek halimaw sa halik ang lalaking 'to, adik talaga siya!
"Wag kang lalapit sa 'kin kissing monster!" malakas na sigaw ko na ikinatawa niya lang.
"I'm just kidding shy monster ko" lumapit siya sa akin saka niya ako niyakap. "Hindi pa tayo pero may endearment na tayong dalawa, ang sweet mo talaga shy monster ko" tinaggal niya ang mga kamay ko sa bibig ko saka niya unti-unting inilapit ang mukha niya.
Ayan na naman siya!
Dahil sa kaba ay napapikit ako. Hinintay kong dumampi ang mga labi niya sa akin ngunit ilang minuto na ang nakakaraan ay wala pa ring nangyayari. Bigla na lang akong nakarinig ng camera flash, napamulat ako.
Kinuhanan niya ako ng picture!
"Loko ka! Akin na 'yan!" pilit kong inagaw ang phone ni Chris pero tinaas niya lang 'yon saka niya ako tinawanan.
Hindi talaga ko makapaniwala na makikita ko siyang madalas tumawa at ngumiti, noong una kaming nagkakilala sobrang sungit niya, laging seryoso tapos sobrang cold. Ayoko namang mag assume na ako ang naging dahilan ng gan'to kalaking pagbabago sa kaniya pero 'yon talaga ang nararamdaman ko, at masaya ako do'n.
"Wag mo nang kunin shy monster ko, gagawin kong walpaper 'to para mainspire ako araw-araw everytime na bubuksan ko ang phone ko!" naka taas pa rin ang kamay niya habang tumatawa.
"Wag 'yan! Ang pangit ko diyan eh! Iba na lang, humalungkat ka na lang ng picture ko doon sa facebook! Wag lang 'yan!"
"I wan't this, you look so cute in it so please just let me use it!" bigla niyang ibinaba ang phone saka siya ngumisi.
Bigla na naman akong kinabahan dahil unti-unti siyang naglalakad papalapit sa akin, unti-unti rin akong naglakad paatras hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na nakasandal sa pader habang nakatingala sa guwapong mukha ni Chris.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)