KBANG (Chapter 2)

224 9 0
                                    

(MY ENEMY)
***

ELLA

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari kaya agad akong napahiwalay sa kaniya at nakita kung paanong hindi man lang nagbago ang emosyon ng mukha niya.

W-what did just happened?

Natuod ako sa kinatatayuan ko habang pinoproseso ko pa rin sa utak ko ang mga nangyayari.

Smach lang 'yong nangyari pero ramdam na ramdam ko kung gaano kalambot ang mga labi niya. And it seems like naiwan pa rin sa labi ko ang matamis na aftertaste ng mga labi niya.

Mas lalong lumakas ang mga bulong-bulungan sa paligid dahilan para bumalik ako sa huwisyo.

"Oh my God, did you just see what happened?"

"Oo nga!"

"This is war, kapag nalaman ni Trixie ang tungkol dito I know that girl's life will be hell"

"Tama lang sa kaniya 'yon, malandi rin naman kasi talaga siya"

Napintig ang tainga ko dahil sa narinig.

Ako pa malandi ngayon eh ako 'yong nanakawan ng first kiss?!

"Beshhh! What did just happened?!" agad na naglakad papalapit sa 'kin si Janina, bakas rin sa mukha niya ang pagkabigla.

Tuluyan nang bumagsak ang mga balikat ko.

Iyong first kiss ko, paano na 'yong first kiss ko?!

Napatulala ako.

Lahat ng pangarap ko, lahat ng magagandang plano ko para sa first kiss ko naglaho na lang na parang bula—at lahat ng 'yon ay dahil sa buwisit na lalaking naka-tayo ngayon sa harapan ko!

"Bakit mo ginawa 'yon?!" kunot noo niyang tanong.

Napangisi ako.

"Hindi ba mas tama na ako ang magtanong niyan sa 'yo? Baka nakakalimutan mong ako ang biktima mo rito?!" mataray na wika ko.

"Biktima?" natawa ito. "Ikaw pa ang biktima ngayon ha? Eh kung hindi ka naman kasi humarang sa daanan edi sana walang nangyari" pagpapatuloy niya.

"Eh kung hindi ka naman kasi biglang lalapit habang tumatayo ako edi sana walang nangyari!" pabaligtad kong sagot sa kaniya. "Alam mo bang first kiss ko 'yon? Naka reserve dapat iyon sa lalaking papakasalan ko pero ninakaw mo busit ka!" dagdag ko pa saka ko siya dinuro-duro.

CHRIS

"First kiss?" nagulat ako pero hindi ko ipinahalata.

Of all the girls that I have kissed, she's the only one who talked and protested against it.

At kanina, habang magkahalikan kami may naramdaman akong kakaiba. I can't really explain it, basta ang alam ko lang—parang matagal ko na siyang kilala which is so impossible because it's the first time I saw her.

"Bingi ka ba o nag bibingi-bingihan ka lang? Kakasabi lang 'di ba?" she bursted out of anger.

So... peculiar.

Doesn't she find herself lucky? Maraming naghahabol at nagdarasal para lang mahalikan ako! And here she is shouting and making a scene as if I stole her whole dignity.

"So virgin pa lips mo? Nako Chris naka jockpot ka na naman!" pilyong wika ng Nico.

Instead of listening to him, naagaw ang pansin ko ng makitang napatulala ang babaeng kasama ng babaenh nasa harapan ko ng marinig niyang magsalita si Nico.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon