(RUINED)
***ELLA
Nahiga ako sa kama ko dala ang pakiramdam na hindi ko lubos na maipaliwanag.
Sa wakas alam ko nang tanggap ako ng pamilya ni Chris at mukhang wala naman na akong iba pang problemang kakaharapin. Ayos na kami ni Kara at mas gumaganda ang takbo ng negosyo nila mama.
Unti-unti na ring nagiging okay si Dan at madalas na rin siyang nakikipagtawanan sa 'min. Si kuya Joaquin, mas dumadami na ang raket niya sa pagmomodel samantalang si Zach, may Nicole na naghahabol sa kaniya.
Suma-tutal maganda na talaga ang usad ng buhay ko ngayon.
Kaso nga lang kanina, hindi ko mapigilang sabihan ang sarili ko na tanga dahil marami na ngang clue and connections sa pagitan nila Chris at Miss Vergara hindi ko man lang napansin 'yon.
Una sa lahat, pareho sila ng apelyido which is Vergara. Magkahawig din talaga sila at may mga galaw na parehong pareho sila.
Paano ko kaya siya haharapin knowing na ate pala siya ng boyfriend ko? Awkwardness at it's finest na talaga 'to.
Bumuntong hininga ako saka ko sinubukang matulog pero kahit na anong gawin ko, ayaw talaga akong dalawin ng antok.
Passed 11:00 pm na. Nagdesisyon akong bumaba ng kuwarto ko para magtimpla ng gatas dala ang phone ko.
Tulog na ang lahat ng tao sa bahay pero bukas pa 'yong ilaw ng kuwarto nila Kuya Joquin. Siguro may ginagawa pa sila.
Minsan tuloy gusto ko na lang rin matulog sa kuwarto nila para may kakuwentuhan din ako bago matulog pero ayaw kasi ni Zach. Buwisit na 'yon, humihilik daw kasi ako ng malakas eh.
Pagkaba ko ng hagadan ay agad akong nagtungo ng kusina saka ko isinindi ang ilaw doon. Kumuha ako ng mainit sa dispenser saka ako nagtimpla ng gatas.
Habang iniinom ko 'yon ay biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko 'yon at nakita ang notification mula sa kay Janina.
Janina: besh, sorry pero kailangan mong makita 'to...
Napakunot noo ako saka nag type ganit ang isang kamay ko.
Ang alin?
Ilang saglit pa ay may sinend siyang link. Pinindot ko 'yon, ilang saglit pa ay dinala ako no'n sa facebook page ng university namin. Dito madalas nilalagay ang mga announcement sa university, pati na rin 'yong ilang issue na nangyayari inside the campus.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang thumbnail ng video. S-sila Chris 'yon at K-Kara. Pinost 'yon ng isang dummy account, anonymous lang ang username niya.
Nagsimula na akong magkaroon ng maraming agam-agam sa utak ko. Sobrang lakas na rin ng tibok ng puso ko dahil pakiramdam ko hindi ko magugustuhan kung ano ang nakita ko.
I hesitated to play the video at first pero may kung anong bagay ang nag-uudyok at nagsasabi sa akin na kailangan kong buksan 'yon.
Nanginginig kong pinindot ang play button.
"...engaged tayo!" malakas na sigaw ni Kara saka niya siniil ng halik si Chris. And Chris seem to like it dahil mukhang hindi siya umangal. Biglang nagbago ang clip at nakita ko silang dalawa na magkatabi sa iisang kama habang naka-yakap sa kaniya si Kara, pareho rin silang naka-hubad.
Nabitawan ko ang gatas na hawak ko dahilan para bumagsak at mabasag 'yon sa sahig.
Sa isang iglap, nasira ang lahat.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)