(HOT HORSEMEN)
***ELLA
"What are you laughing at? Ha?" malakas na sigaw ni Kara. Punong-puno ng putik ang katawan niya at naka-yapak lang siyang naglalakad. Bitbit niya sa kanang kamay niya ang heels niya samantalang ginagamit niyang pang-hawi sa buhok niyang puro putik ang isa pa. "This is so disgusting! Kayo! Kayong apat may sa malas kayo eh 'no? This is all your fault!" malakas niyang sigaw saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Aba't kasalanan pa talaga namin?" buwelta ko saka nagtaas ng kilay. "Kami ba 'yong tangang nag suot ng pagkataas-taas na heels habang naglalakad sa gitna ng palayan?"
"Tama na besh, hayaan mo na lang" wika ni Janina.
Napabuntong hininga na lang ako saka muling tumingin sa kanilang magkakainigan.
"Alam niyo? Mamaya na tayo pumunta sa manggahan, kailangan niyong mag hugas" kunot noo kong suhestiyon sa kanila.
"In the middle of these nasty and muddy farm? Saan ka naman makakahanap ng bathroom dito, duh?" umirap pa si Kylie saka nag iwas ng tingin.
"Maka irap ka diyan eh, huhugutin ko 'yang dalawang mata mo sinasabi ko sa 'yo" inis na sabat ni Margot saka inambangan ng suntok.
"Eh sino ba naman kasi ang nagsabing dito kayo maglilinis ng katawan?" napailing-iling ako.
"You mean we'll be going back sa villa nila Dan? But that's too far! Ang sakit na talaga ng paa ko, can't we just at least take rest? Or ganiyan ka na lang muna Kara!" maarteng wika ni Cloe saka nagdadabog ng paa.
"Cloe, come here" naka crossed arms na wika ni Kara, agad namang lumapit sa kaniya si Cloe.
Bigla niyang ipinahid ang maputik niyang kamay sa mukha ni Cloe dahilan para manlaki ang mga mata nito.
"What the—!"
Napangisi si Kara.
"Maghuhugas tayo even if you like it or you like it, kahit pa gaano kalayo" malditang wika ni Kara saka siya nag flip hair dahilan para magtalsikan sa mukha ni Kylie ang mga putik na nala dikit doon.
"Besh, babalik talaga tayo sa villa? Aaminin ko masakit na rin 'tong mga paa ko, feeling ko nga may kalyo na ako sa bukong-bukong ko eh" bulong ni Janina.
"Ako rin Ella, pagod na rin. Isa pa, mauubos lang ang oras natin kapag bumalik pa tayo" dagdag naman ni Amanda.
Napakamot ako ng ulo.
Hindi ko man sabihin, masakit na rin 'yong mga paa ko. Tirik rin talaga kasi ang araw kaya madali kang mapapagod habang naglalakad.
Mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita na ang manggahan, mga ilang hakbang na lang talaga mararating mo na 'yon.
Napabuntong hininga ako saka muling napatingin sa manggaha, nahagip ng mata ko ang isang kalabaw na may hilang kariton—sa loob ng kariton ay mga basket na puno ng mangga. Isa-isa 'yong binaba ng matandang lalaki.
"Guys, tara sa manggahan. May naisip ako"
***
"Manong puwede po bang maki-sakay sa kariton niyo pabalik sa villa? Itong kasama po kasi namin kailangang mag hugas eh"
"No, hindi ako sasakay diyan. Tignan mo nga 'yan? Is that even a thing? Isa pa, saan ako uupo diyan? Baka malaglag lang ako eh!" muling reklamo ni Kara saka tumili.
"Ang arte mo, edi maglakad ka diyan pabalik. Bahala ka sa buhay mo" asik ni Janina saka siya lumingkis sa braso ko.
"Nako apo, eh hindi pa muna ako babalik doon sa villa dahil may natitira pang mga basket ng mangga doon sa dulo. Kung gusto niyo, isasakay ko kayo papunta doon. May ilog naman sa dulo eh, puwede kayong mag linis doon ng katawan"
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Novela Juvenil"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)