(A FRIEND FROM THR PAST)
***ELLA
"Friend, friday na. In three days aquaintance party na, hindi ko alam kung makakadalo pa ba talaga ako" pagsusumamo ni Janina habang kumakain ng binili niyang sandwich. Magkakasama kaming apat ngayon dito sa loob ng cafeteria. Hindi ko alam pero naging habbit na namin 'to, kung sabagay normal lang naman 'yong mga gan'to sa magkakaibigan.
"Edi try nating mag-rent ano ba kayo. Ang dami-daming mga dress diyan sa tabi-tabing mura lang, saka once lang naman nating isusuot 'yon eh" sabat ni Margot sabay kagat sa huling piraso ng sandwich niya.
"Sabagay" napatango-tango si Janina. "Pero saan naman tayo maghahanap no'n?" muli niyang tanong.
"Basta akong bahala. May alam sila mama na botique na nagpaparent ng mga dress, sure ako marami tayong makikita do'n" paliwanag ni Margot.
"Eh ikaw Amanda, dadalo ka ba?" baling ko kay Amanda na tahimik pa rin talaga katulad ng dati.
"A-ako? H-hindi ko alam. Baka kasi h-hindi ako payagan ng m-mommy at daddy kong dumalo sa mga ganiyan. Saka hindi naman ako magaling makipag-socialize talaga sa mga tao, baka I-bully lang nila ako ulit at tawaging mangkukulam. Buti na nga lang nakilala ko kayo kaya may kaibigan na ako ngayon" naka-yukong sagot niya.
Sa totoo lang, maganda naman talaga si Amanda. Hindi fair ang complexion niya pero ang ganda ng pagka morena niya. Curly 'yong buhok niya na palaging naka turban at 'yong sobrang itim niyang mata, natatakpan ng makapal na glasses. Ito ba ang tinatawag nilang witch? Eh hindi lang naman siya marunong mag ayos ah. May nakikita kasi talaga akong Leigh-anne Pinnock vibes sa hitsura niya.
"Ano ka ba, wag kang mag-alala. Kaya nga nandito kami eh, ipagtatanggol ka namin" inakbayan ko siya.
"Hay nako Ella, parang sigurado namang pupunta ka. Eh parang suntok sa buwan 'yang pagdalo mo eh. Ni magsuot nga ng dress 'di mo magawa" napa ismid si Janina saka napabuntong hininga.
"Pupunta ako para sa points" maikli kong sagot saka napasimangot.
Iniimagine ko pa lang na naglalagay ng make up sa mukha ko naasiwa na ako eh!
"Buti pa kayong tatlo choice niyo kung pupunta kayo, eh ako? Kahit na ayaw ko naman talagang pumunta, kailangan ko pa ring gawin 'yon kasi kasama ako sa mga singers na kakanta para sa party na 'yon" paliwang ni Margot.
Kaya pala kating-kati ang babaeng 'to na dumalo kami.
"Ay nako besh, susuportahan ka namin" niyakap siya ni Janina.
"Ay thank you naman sa inyo, I'm so flattered" nagpunas siya kunwari ng pekeng luha dahilan para magtawanan kami. "Siya nga pala, may mga dates na ba kayo?" tanong ulit ni Margot.
Tahimik lang kaming tatlo habang awkward na nakitingin sa kanila.
"Common guys! Kayo walang date? Kung si Amanda maniniwala pa ako pero kung ikaw Janina na merong Fafa Nico at ikaw Ella na may Fafa Chris, pustahan tayo" nagkatinginan lang kami ni Janina sala muling tumingin kay Margot. "Don't tell me hindi pa kayo inaaya ng dalawang 'yon?"
"Bakit naman kami aayain ng mga sira-ulong 'yon?" humigop ako ng juice.
"Because I see the chemistry, the love, the compassion" tumingin pa siya sa ere na parang may iniimagine.
Bigla akong nasamid, pumunta rin 'yong juice na iniinom ko sa ilong ko.
"Hoy besh okay ka lang ba?" tanong ni Janina saka minasahe ang likod ko.
"O-okay lang ako" putek naman kasi Margot, kung ano-anong pinagsasasabi mo eh. Mamatay ako ng wala sa oras dahil diyan!
"Margot" huminga muna ako ng malalim. "Walang compassion walang chemistry at lalong-lalong walang love na nakapalibot sa amin" paglilinaw ko. Natawa siya saka namula.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)