KBANG (Chapter 5)

150 8 0
                                    

KARA'S LOVE
***

CHRIS

"Nag a-amok na naman ng underground battle ang Death Scorpions, hindi ba talaga nila matanggap na tayo ang hari ng mga gang? They're just drowning theirselves into stupidity" napailing-iling si Tyron saka tinungga ang isang baso ng red wine.

Nandito kami ngayon sa hide out namin sa loob ng university. It was a huge penthouse placed on top of the Business Ad department—may sariling kusina, sala, banyo, at dalawang kuwarto. But most importantly, nando'n din ang office ko bilang gang leader.

Sa totoo lang, this penthouse holds the legacy of Lion Vortex gang. Kumbaga kami na ang third batch nito since it was stablished by Dad's Father—si Daddylo. Hindi na ako nagkaroon oa ng chance na makilala siya kasi maaga siyang namatay.

This university was originally owned by Tito Enricho's grandfather na pinagpasa-pasahan na lang rin nila sa pamilya nila hanggang sa maging ganito siya ka-laki.

Sa gang namin, merong tinatawag na big five or basically the five leaders of the gang. We are also numbered according to our ranks.

As a gang leader na namana ko kay Daddylo at kay Dad, I am considered as the president or the number one.

Nico is the vice president, or the number two na namana niya naman sa Dad niya.

Tyron and Tyson were the number three and number four na namana nila sa daddy nila.

Sa batch nila dad, lima rin talaga silang mga leaders tatlo lang sa kanila ang nagkaroon ng anak na lalaki. Tito Enricho was the former number four but his throne was given to Tyson dahil nag-iisang babae ang naging anak niya which is Kara and an unknown man which is the former number five was nowhere to be found kaya bakante pa rin talaga ang puwestong 'yon.

Usually, the gang hybernates when the big five graduates. Hanggang sa magkaroon sila ng mga anak na lalaki na muling magpapatuloy sa legacy ng gang.  

"What do you think Chris? Are we gonna accept their deal?" Tanong naman ni Tyson—Tyron's younger twin.

Pero imbes na sagutin ko siya ay biglang lumipad ang utak ko at naalala ang nngyari kanina.

"Oo may problema ako, at ikaw ang problema ko!"

Napainom na lang ako sa wine na hawak-hawak ko.

That girl, iba talaga siya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Bukod kasi sa siya lang talaga ang kauna-unahang babae na nagkaroon ng lakas ng loob na sumbatan ako, mero'n pa talaga akong nararamdaman na kakaiba sa kaniya.

"Hey Chris, are you even listening?" kunot noong tanong ni Tyson dahilan para mapa-lingon ako sa kaniya.

"Pardon?" I asked out of confusion. Napailing-iling silang tatlo saka sila nagtawanan.

"Siguro iniisip mo 'yong babaeng nahalikan mo kahapon 'no?" pabirong tanong ni Nico.

"Tss, none of your buisiness" cold kong wika saka muling uminom ng alak, gano'n rin sila. "Ano na nga ulit 'yong deal?" I irritatedly asked.

Dinukot naman ni Tyson ang isang dirty white envelope, it was sealed with a black scorpion—Death scorpion's emblem.

"It says here na duwag daw tayo kung hindi tayo kakagat sa pag-aamok nila and we don't deserve to reign" bakas sa boses ni Tyson ang kaba habang si Tyron naman ay parang nag-iisip ng malalim.

Apat lang kaming nasa loob ngayon, pero halos nasa 50 ang total gang members namin na mula sa iba't-ibang years at department.

Naiintindihan ko kung bakit gano'n ang reaksyon nilang tatlo. Sa buong maynila kasi ay may halos sampong gangs. Three of it was considered big which is the Lion Vortex Gang, Elixir Gang and the Death Scorpions.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon