(FORGIVENESS)
***ELLA
"Psychologists generally define forgiveness as a conscious, deliberate decision to release feelings of resentment or vengeance toward a person or group who has harmed you, regardless of whether they actually deserve your forgiveness" wika ni prof Vergara habang kinukumpas kumpas pa ang kamay.
Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang nanadya ang tadhana dahil kanina pa nakatingin sa akin si prof Vergara na parang nagpapasaring sa akin.
Isa pa, hindi ko nga rin maintindihan kung paani napasok 'yong about sa forgiveness sa topic namin eh.
Pero baka napaparanoid lang ako, isang linggo ko na kasing hindi linapansin 'tong dalawang hinayupak na nag-away dahil sa 'kin. May mga pagkakataong sinusubukan nila akong I approach—si Dan sa bahay, samantalang si Chris naman sa canteen pero talagang pinanindigan kong hindi sila kausapin.
Hindi naman ako galit sa kanila, galit ako dahil sa ginawa nila. Lalo na't ako pa pala ang dahilan kung bakit nag away sila.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naririnig ng mga sides nila lalo na si Dan, hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para magsimula ng gano'ng gulo. Pero nakakasigurado akong mabigat 'yon at kating-kati na akong malaman 'yon pero huwag na lang muna, darating din ang tamang panahon para roon. Sa ngayon ay kailangan ko munang makita silang dalawa na magkaayos, 'yon 'yong sign na hinihingi ko sa langit para matigil na rin ako sa ginagawa kong 'to dahil nakaka sawa na.
"Just as important as defining what forgiveness is, though, is understanding what forgiveness is not. Forgiveness does not mean forgetting, nor does it mean condoning or excusing offenses. Though forgiveness can help repair a damaged relationship, it doesn't obligate you to reconcile with the person who harmed you, or release them from legal accountability" pagpapatuloy pa niya.
Napahilamos naman ako sa mukha ko saka ko ginulo-gulo ang buhok ko. Bakit ba kasi may nag-tanong pa sa kanila ng about sa forgiveness na 'yan eh, puwese bang bumalik na lang sa dapat naming pag-aralan ngayon?
"Hoy besh, okay ka lang? Ano bang ginagawa mo diyan? Para kang timang promise" bulong ni Janina sabay nguso.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Wala lang 'to, hindi ko lang talaga trip 'yong topic. Na bobored ako eh" malamya kong sagot.
"Instead, forgiveness brings the forgiver peace of mind and frees him or her from corrosive anger. While there is some debate over whether true forgiveness requires positive feelings toward the offender, experts agree that it at least involves letting go of deeply held negative feelings. In that way, it empowers you to recognize the pain you suffered without letting that pain define you, enabling you to heal and move on with your life"
"Nabobored ka o nakokonsensiya ka lang talaga?" napatuwid ako ng upo saka ko siya tinignan ng kunot noo.
"What do you mean?"
"Besh, patawarin mo na 'yong dalawa. Hindi ka ba naawa sa kanila? Ilang beses ka na nilang subukang kausapin pero hindi mo sila pinapansin. Kung gano'n ka-guwapo 'yong pinag agawan ako magpapa-party talaga ako sa barangay natin" kinilig pa siya saka binasa ang labi.
"Loka-loka, may Nico ka na. Nagpakatino 'yong tao para sa 'yo tapos iba-iba pa 'yong iniisip mo" inirapan ko siya. "Saka hindi ako galit sa kanila kaya hindi ko sila dapat na patawarin, gusto ko lang naman na makitang magkasundo sila eh tapos kakausapin ko na sila" seryoso kong sagot saka ako dumako sa isinusulat ni prof Vergara sa board, buti na lang tapos na 'yong patalastas about sa forgiveness na 'yan.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Novela Juvenil"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)