KBANG (Chapter 55)

46 2 0
                                    

(DESTINED)
***

CHRIS

Nanlaki ang mga mata ko.

I-is this real? Totoo ba ang lahat ng 'to? Someone please wake me up para malaman kung nasa realidad pa ako.

And if it's just a dream, ayoko nang magising pa.

"Y-you mean yes?"

"Sige no na lang kung—" bigla ko siyang niyakap ng mahigpit dahilan para mapatigil siya.

Sobrang saya ko, I never felt this kind of happiness before. Pakiramdam ko kaya kong maglakad mula dito hanggang sa manila at hinding-hindi ako mapapagod dahil sa sayang nararamdaman ko.

"Thank you shy monster ko, hinding-hindi mo pagsisisihan ang lahat ng 'to because I'll make sure na araw-araw kong ipaparamdam sa 'yo kung gaano ka kahalaga sa 'kin" humiwalay ako sa kaniya saka ngumiti.

Napakunot-noo ako ng makita kong umiiyak siya.

"Hey, why are you crying? May masakit ba sa 'yo?" hinila ko siya palapit sa akin saka ko pinunasan ang mga luha niya.

"Tears of joy 'to baliw" buwelta niya saka umirap.

"I know, binibiro lang naman kita eh" kinuha ko lahat ng mga bulaklak na hawak niya saka ko 'yon nilagay sa maliit na estante.

Kinuha ko ang pala-pulsuhan niya saka ko nilagay doon 'yong bracelet.

"Ang ganda, bagay na bagay sa 'yo" hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi saka ko siya ginawaran ng smack na halik sa labi.

"Iyon 'yong first kiss natin as an official couple" napangiti ako saka ko siya muling niyakap. "Hindi mo alam kung gaano mo 'ko napasaya ngayon shy monster ko" bulong ko sa tainga niya.

"Ako rin, sobrang saya ko. Ang saya-saya ko kasi hindi ko inexpect na aabot din pala tayo sa pagiging mag on, knowing na hindi maganda 'yong una nating pagkikita" humiwalay kami sa isa't isa ngunit nanatili pa rin akong nakahawak sa likod niya.

"Hindi, para sa akin 'yong pagkikita nating 'yon ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko because it's the day na nakilala ko ang babaeng nagpabago sa buhay ko" I saw her blushed slightly, nag iwas siya ng tingin but I caught a glipse of her smiling.

Ilang saglit pa ay pumasok na ang orchestra na inupahan ko from manila. Bitbit ang kanilang mga istruments ay maingat silang naglakad papunta sa pinaka-gilid ng balcony.

Ella looked at me in confusion pero sinagot ko lang siya ng pagtango. Then the orchestra started to play a lovely melody...

It is an old classical music created by Mozart.

Inilahad ko ang kamay ko kay Ella saka nagsalita.

"Can I have this dance shy monster ko?" maamo kong tanong. Nakangiti naman niyang tinanggap ang kamay ko.

"Yes"

Hinila ko siya papunta sa pinaka gitna ng balcony saka ko hinawakan ang magkabilaan niyang beywang.

"Shy monster ko" I innocently said.

"Ano 'yon kissing monster ko?" she replied.

"May gusto lang kasi akong linawin sa 'yo" napangisi ako. "Hindi ba sabi mo magagalit 'yonh boyfriend mo kasi hindi siya ang first kiss mo dahil may nag nakaw no'n mula sa kaniya?"

Napapikit siya.

"Chris, wag ngayon. Wag mo akong pag tripan sinasabi ko talaga sa 'yo" inis niyang asik ngunit napatawa ako.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon