KBANG (Chapter 98)

72 5 2
                                    

(LONG GONE)
***

ELLA

Naramdaman ko na lang na muli niya akong niyakap. I was trembling, I was so scared----hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa ala-ala ko kung paano isigaw ni Kara na iligtas ko na ang buhay ko.

In Chris' arms, pakiramdam ko ligtas ako. Pakiramdam ko walang kahit na sino mang makakapanakit sa 'kin. Ngunit hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon pa kami ulit magkikita, pero sana----ito na ang pinakahuling pagsubok na mararanasan naming dalawa.

Sana pagkatapos nito, maging masaya na kami. Kara sacrificed her life for me, kailangan naming mabuhay para hindi masayang ang sakripisyo niya.

Pero nakokonsensiya pa rin ako----I felt responsible for Kara and her baby's life. Kung hindi niya sinalag ang balang para sa 'kin, she could've been running out of this building. Buhay pa sana siya.

"W-wala na siya C-Chris, niligas niya a-ako. K-kasalann ko kung bakit siya namatay"

"Shh" naramdaman ko ang marahan niyang paghagod sa buhok ko. "Wala kang kasalanan Ella, it's her choice to do it. Ang magagawa na lang natin ngayon ay ang umalis dito ng ligtas, don't let her sacrifice turn to trash" humiwalay ako sa kaniya.

He was smiling, but with a hint of sadness in his eyes.

"P-pero 'yong anak niyo----"

"Wala kaming anak Ella" pumikit siya saka siya nagpakawala ng magkakasunod na buntong hininga.

Nabato ako sa kinatatayuan 'ko, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko dahil sa pagkagulat.

All along, it was just a lie? Hindi totoong si Chris ang ama ng anak ni Kara? Kung ganoon, sino ang ama ng batang 'yon?

"Look, I know I got a lot to explain to you but we have to get out of here first" seryoso niyang wika saka niya hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng pasilyong 'yon.

Ngayon lang ako nagkaroon ng tiyansa na mapagmasdan ang buong lugar. The walls we're all ruined, may mga cracks na rin sa sahig at ang kisame ay halos magkanda hulog-hulog na. May mangilan-ngilang mga bumbilya rin na naka-kabit sa mga naka-lambitin na sockets.

Ngunit wala akong makita na maski isang bintana.

"Doon tayo" mahina niyang wika saka niya ako patakbong hinala papaliko sa isang madilim na hallway. Isinandal niya ako sa pader saka siya muling nagsalita.

"Makinig ka sa 'kin Ella, nakita mo ba kanina 'yong naka-bonet na mga lalaki?"

Tumango-tango ako.

"They're heading to the second floor, at nandoon sila Nico, Dan at ang kambal"

Bakit sila nandito? Anong ginagawa nila sa ganitong klase ng lugar? And D-Dan? Nasa Amerika siya hindi ba?

"Pero bakit sila nandito? Mapapahamak sila Chris!"

"It's their choice, gusto nilang tumulong. Ang tangi na lang nating magagawa para mapagbayaran ang tulong nila ay ang makalabas tayo dito ng buhay" she held my hands. "But that seems to be impossible lalo na sa sitwasyon natin ngayon. We are outnumbered" tumingin siya sa 'kin ng malamlam.

"Ella, we'll head down to the second floor. May tatlong palapag ang buiding na 'to, and we're at the topest floor. Katulad ng sinabi ko kanina, siguradong trapped pa rin ngayon sa second floor ang mga kalaban dahil kina Dan-and I'll try my best to distract them para makadaan ka do'n nang ligtas. Pag nakalampas ka na do'n, be cautious. Sa ngayon ay wala pang malay ang mga bantay sa first floor but I don't know when they will wake up. Kung sakali man na gising na sila, dumaan ka sa pinakagilid ng building. May isang mahabang hallway kang makikita do'n na magdadala sa 'yo sa isang sirang bintana. Doon ka dumaan pero mag-iingat ka dahil medyo mataas 'yon. At kapag nakalabas ka na----I want you to run away. Tumakbo ka ng tumakbo papalayo sa lugar na 'to"

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon