KBANG (Chapter 78)

29 3 0
                                    

(SAVED BY HIM)
***

ELLA

Ilang beses na akong nagpalinga-linga sa paligid pero hindi ko pa rin makita ang hinahanap ko. Alam ko namang nandito lang siya sa loob ng university, baka busy lang talaga siya.

Napabuntong hininga ako.

I'm trying to move on pero heto ako ngayon, paulit-ulit na hinahanap si Chris. Gusto ko lang naman kasing malaman kung okay ba siya o kung malala ba 'yong mga galos na natamo niya dahil sa laban nila kagabi?

Sinabi na sa 'kin ni Dan na okay na siya pero hindi pa rin talaga ako mapanatag hanggat hindi ko nakikita kung totoo bang okay na siya.

Napabuntong hininga ako.

Nagbitaw ako ng promise sa kaniya na susubukan ko ma siyang kalimutan pero hindi ko naman inaasahan na ganito pala kahirap gawin ang bagay na 'yon.

"Hoy Besh, anong nangyari sa 'yo? Bakit parang biyernes santo 'yang mukha mo?" takang tanong ni Janina habang naka upo kaming dalawa sa bench na naka puwesto sa ilalalim ng malaking puno.

"May iniisip lang ako besh" I sighed. "Siya ng pala, kamusta si Nico at 'yong kambal? Ayos lang ba sila?"

"Eh 'yong isa ba hindi mo tatanungin?" napatigil ako dahil sa tanong niya. "O siya nga ba ang talagang tatanungin mo?"

"A-ano bang sinasabi mo Janina? Para kang baliw eh" napailing-iling ako.

"Ella, kahit hindi mo pa sabihin sa 'kin alam ko kung ano ang iniisip mo. Nag-aalala ka sa kaniya 'di ba?" seryoso niyang tanong saka siya bumuntong hininga.

Tinignan ko lang siya ng malamlam, hindi ako sumagot sa tanong niya.

"Besh, hindi naman sa nanghihimasok ako pero sinasabi ko 'to as a friend. Hinding-hindi ka makaka get over sa inyong dalawa kung sa bawat segundo siya ang iniisip mo. Tandaan mong sinaktan ka niya at wala na siyang paki-alam sa 'yo" tinaas niya ang mga kilay niya saka niya tinapik-tapik ang balikat ko.

"Hindi ko lang naman kasi maiwasang mag-alala besh eh. Ilang buwan din kaming nagkasama, kaya naging parte na ng sistema ko na mag-alala para sa kaniya sa mga ganitong sitwasyon. Saka hindi rin naman kasi ganoon kadaling magmove on kahit pa hindi niya talaga ako minahal, magkaiba kami ng nararamdaman. Kung para sa kaniya madali lang gawin 'yon, sa 'kin hindi" paliwanag ko.

"Iyon na nga 'yong point besh!" napapalakpak pa siya sa tapat ng mukha ko. "Hindi ka niya minahal kaya madali lang siyang nakapag-move on sa 'yo. Isipin mo 'yon bilang dahilan para mas mapabilis 'yong proseso ng pagmo-move on mo or kung hindi naman" napatingin siya sa likuran ko.

"Ella! Janina!" malakas na sigaw ni Dan sa 'di kalayuan habang nakangiti. Kumaway si Janina sa kaniya saka niya ako malokong tinignan.

"Alam ko na 'yan besh, wag mo nang itutuloy" banta ko sa kaniya.

"Bakit naman hindi? Sinasabi ko lang naman sa 'yo na bigyan mo siya ng chance, malay mo ma-fall ka rin sa kaniya! Tignan mo siya" pinihit niya ako paharap sa naglalakad na si Dan saka siya muling nagsalita. "Guwapo, hot, mayaman, matalino, mabait, at habulin! Halos lahat ng attributes nila ni Chris pareho—well bukod sa chinito si Chris while Dan is more caucasian looking, plus magkaiba sila ng personality. Overall halos nasa kaniya na ang lahat at hindi naman lingid sa ating lahat na may gusto siya sa 'yo"

Nabaling ang tingin ko kay Dan habang marahang isinasayaw ng hangin ang malampong na buhok niya. Ngumiti siya sa 'kin.

Totoo naman lahat ng sinasabi ni Janina eh, pero hindi ko pa rin talaga kayang buksan ang puso ko sa ngayon.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon